"Caithlyn," tawag sa akin ni Jazz. "Miguel! Bakit ba kasi tarantado ang kapatid mo?" sigaw ni Val. "What the fck?" "What the fck?" panggagaya ni Val na ikinairap naman ni Miguel. Natawa naman ako sa kanilang dalawa at parehas silang itinuro. "Alam niyo bagay kayong dalawa." "What?! No!" "She's not my type, ate." Naiiling naman ako sa kanila at kaagad na tinungga ang alak. Napapikit ako nang malasahan ko ang pait at init na gumuhit sa aking lalamunan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay uminom. Medyo naninibago pa ang katawan ko dahil hindi hindi naman ako nasanay sa ganito. Kaya medyo tinatamaan na kaagad ako kahit na kaunti pa lamang ang nainom ko. Siguro ay nasa anim na baso pa lamang? Hindi ko sigurado. Basta medyo kaunti pa at kadalasan kong ginagawa ay papakin ang pulut

