Limang taon ang nakalipas nang magsimula kaming bumuo ng pamilya. Ang anak namin ngayon ay malaki na. Turning five years old na nang hindi man lang namamalayan. Sobrang bilis na kasi ang araw at minsan ay napapaisip na lang ako kung bakit bumibilis ang mga oras. Natatakot tuloy ako na maiwan naming mag-isa ni Matthew ang anak namin pero kung tutuusin ay alam ko naman na kakayanin niya dahil sigurado akong magiging malakas at matatag siay kagaya namin ni Matthew. Nang masiguro kong tulog na ang anak namin ay mabilis akong nagpunta sa aming kuwarto ngunit natigilan ako nang marinig ko ang munting pag-uusap ni Matthew habang nakahawak siya ng cellphone. "Yes. Magkita na lamang tayo bukas. Free time ko naman bukas kaya ayos lang," wika niya bago patayin ang tawag. Ngunit para akong naniga

