Magmula ng gabing iyon, hindi na ako umuuwi sa bahay namin ni Matthew. Minsan ay pinipili ko na lamang matulog sa aking clinic dahil hindi ko na kayang makita at malaman pa ang ginagawa niya sa akin. Gustuhin ko mang makasama ang anak ko, hindi ko kaya dahil kamukhang-kamukha niya ang asawa ko, si Matthew. Bumuga ako ng hangin at ipinikit na lamang ang aking mga mata lalo na nang pumintig ang aking sintido. Hindi ko alam kung bakit napapadalas ito pero mukhang dahil maraming tumatakbo sa isipan ko at hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat ng mga ito. Madalas din akong magtrabaho at siguro dahil na rin sa stress ito. Hinimas ko ang aking noo at piniling itigil muna ang aking pagtatrabaho. Mas mabuti pang magpahinga muna ako saglit dahil kung aabusuhin ko ang sarili ko, hindi ko na

