After 5 years.... Huminga ako nang malalim at hinilot ang aking sintido. "Ano ang problema?" tanong sa akin ni Matthew nang makalabas siya sa banyo. Bumuga ako ng hangin at kinagat ang aking ibabang labi. Katatapos ko lang kausapin si Xianel sa telepono dahil tumawag siya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan niyang magpaturok ng DMPA. "Tumawag sa akin si Xianel," panimula ko. "Hindi ko alam kung bakit bigla niyang naisipanh magpaturok ng DMPA." DMPA ay isang injectable pills. Every three months lang ito at kinakailangan muling turukan one week before ng expiration ng pills. Nilingon ko siya at nakita ko siyang natigilan. "Hindi ba, iyon ang ginagamit mo?" Tumango ako at hinilamos ang aking mukha. Hindi naman sa ayaw kong turukan si Xianel ng pil

