Our relationship went well. May mga time nagkakaroon kami ni Matthew ng away pero kahit papaano ay hindi naman iyon lumalala. Saka lang kasi kami mag-aaway kapag malapit na akong magkaroon ng dalaw pero lately, parang hindi ko nararamdaman ang symptoms ng aking dalaw. Wala naman akong cravings at ilang weeks na rin akong delayed. Kaya nakakapagtaka talaga. Napalingon ako kay Matthew na ngayon ay nakatingin sa kaniyang laptop. Nasa office niya ako ngayon dahil pinadalhan ko siya ng pagkain. Dito na rin ako nagtanghalian dahil gusto niyang samahan ko siyang kumain. Hindi kasi siya kumakain kapag hindi niya ako kaharap kaya talagang wala akong choice kung hindi magpunta rito kahit ilang minuto ang byahe. Ang palagi kasi niyang rason kapag tinatanong ko siya pag-uwi niya sa aking condo ay bu

