Buntis nga ako noong araw na iyon at magmula noon, ang mga nakalipas na buwan ay inalagaan ako ni Matthew. Hindi niya ako hinahayaang mapagod at magtrabaho. Kaya wala tuloy akong magawa kung hindi pumayag na lang sa kagustuhan niya. Ngunit matapos iyon, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Nag-away kami at nagsagutan na akala ko ay matatapos kaagad kinabukasan but mood swings kicks in. "Ano? Makikipagkita ka sa babae mo?" natatawang tanong ko sa kaniya. And that made him stop. Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo. Marahil ay hindi siya makapaniwala sa aking sinabi pero ano nga ba ang magagawa ko? Galit ako. Galit ako sa nalaman kong nakipagkita siya sa kung sino nang hindi ko nalalaman. Ganito na naman ang nangyari noon. Kung tutuusin ay hindi dapat ako ganito d

