Tumayo ako at dahan-dahang nagpunta roon. Ayaw ko talagang nakakakuha kami ng atensyon. Kasi hindi naman ako iskandalosa. I'd rather fix everything in private kasi may inaalagaan din akong pangalan ko. Kasi isang mali ko lang ay puwedeng bumalik sa akin ang lahat. Kagaya na lang ng mga artista rito sa Pilipinas, kapag may nalaman lang na issue ang mga tao o basher ng artistang iyon. Hindi ba kung anu-ano na ang mga sinasabi nila kahit ang basehan lang naman nila ay iyong putol na senaryo na kung saan ay kunwari binuhusan nila ng tubig iyong babae? That’s the reason I’m trying to compose myself in front of the people who were just waiting for me to do something bad. Wala naman akong fans kagaya ng mga dalawang ito hindi kagaya sa business na kilala ako dahil ako ang anak ni Mommy. Ngunit

