
MAGKAHALONG abo, kahel, at pula ang kulay ng kalangitan at lumalakas na rin ang hangin sa paligid. Tanda nito na malapit nang lumubog ang araw. Napangiti ako sa magandang tanawin at kasabay nang pagtulo ng mga luha ko. Sumikip ang dibdib ko at mukhang... ito na ang huling beses na makikita ko ang paglubog nang araw. Bukas...bukas ay hindi ko na ito masisilayan pa.
Nagpakawala ako nang buntong-hininga at marahan kong pinunasan ang mga luha ko sa aking pisngi. Masaya naman akong lilisan kung sakali man. Dahil alam ko naman na mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Hindi man sa mundong ito.
Napalingon ako sa isang direksyon nang marinig ko ang mararahan na yabag ng sapatos. Una kong nakita ang mahahaba nitong binti at napangiti ako nang makita ko ang lalaking tinitibok ng puso ko.
“Don Brill,” sambit ko sa pangalan niya. Denbrill Arkun Brilliantes ang buo niyang pangalan ngunit Don Brill naman ang tawag ko sa kanya. Hindi dahil isa siyang don dahil sa mga panahon na hindi pa namin kilala ang isa’t isa at kahit wala pang pag-ibig ang nabubuo ay iyon na ang tawag ko sa kanya. Don Brill, para lang asarin siya sa mga panahon na iyon.
Naiiling lang siya na lumapit sa akin. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit nanatili pa rin ang kagandahan niyang lalaki. Sa paglipas ng ilang taon ay mas tumibay lang ang pagmamahal ko sa kanya. Na akala kung dati ay hindi ako mabibigyan ng pagkakataon na maranasan ang pag-ibig niya na walang katulad.
Nakatago ang isang kamay niya sa kanyang likuran. Lumuhod siya sa harapan ko dahil nakaupo ako sa isang sofa na malapit sa bintana ng aming kuwarto.
“Ang Don Brill ko,” nakangiting sambit ko at hinaplos ko ang kanyang panga. Mabilis niyang hinuli iyon at hinalikan ang likod ng kamay ko.
“Hindi naman talaga ako isang don, mahal. Mas maganda pa rin naman na tawagin mo akong Engineer. Pero dahil nagmula sa iyo ang pangalan kong iyon ay sinabihan ko na ang mga taong kakilala ko na tawagin nila ako ng ganoon. Dahil gusto ko...maaalala kita palagi kahit na... i-iiwan mo na ako,” mahabang pahayag niya ngunit sa huli ay nabasag pa rin ang boses niya. Humigpit ang paghawak niya sa aking kamay.
“Mahal, hindi naman kita iiwan,” sambit ko pero nakita ko lang ang pagpula ng mga mata niya.
“H-Hindi nga ba? Naghahanda ka na yata, eh,” sabi niya at inilabas na niya ang isang kamay niyang may hawak na pulang rosa. Muling sumilay ang maganda kong ngiti. Tinanggap ko iyon ng buong puso, kung paano ko rin tinanggap ang pag-ibig niya.
“Napakaganda naman nito, Don Brill. Pinitas mo na naman ang mga bulaklak ko sa hardin, ’no?” tanong ko.
“Mas maganda ka pa kaysa sa rosas na iyan at oo pinitas ko nga iyan,” sabi niya sa akin na ikinatawa ko nang mahina.
“Don Brill, alalahanin mo na walang panghabang-buhay ang isang bagay at lahat tayo ay may kinalalagyan. Mahal ko, huwag mong isipin na iiwan kita. Ako’y...mawawala man sa piling mo ay hindi naman ako mawawala sa puso’t isipan mo. Palagi pa rin akong mananatili sa tabi mo,” sabi ko at umaalog na ang balikat niya. Hinaplos ko iyon. “Mahal...”
“A-Ako dapat ang mauuna, Lorrainne... Ako dapat iyon bago ka, mahal ko...” sambit niya na sinabayan pa nang paghikbi.
Hinila ko ang kanyang braso upang iupo siya sa tabi ko at ramdam na ramdam ko ang panghihina niya. Nang makaupo na siya ay agad niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Napangiti pa ako nang marinig ko ang mabilis na t***k ng puso niya. Ang gandang pakinggan. Sumasabay rin ang pintig ng puso ko.
“Mahal na mahal kita, Don Brill. Hindi naman lahat ng tao ay nawawala ng sabay-sabay at ikaw... Marami ka pang dapat na gawin, kailangan ka pa ng mga anak at apo natin. Huwag mo naman silang iwan agad. Hindi naman ako mawawala...”
“P-Paano kapag na-miss kita? Paano kung—” Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang lumakas na ang pag-iyak niya at nararamdaman ko ang bigat sa dibdib niya.
“Ganyan din ang mararamdaman ko kapag ikaw naman ang mawawala sa akin. Sabi mo sa akin na ay ayaw mo akong saktan, nangako ka. Mahal, matagal ka pang mananatili rito. Mangako ka lang sa akin na hindi mo pababayaan ang pamilya natin. Mangako ka sa akin na protektahan mo...ang nag-iisang babae sa ating pamilya,” sambit ko at naramdaman ko naman ang paninigas ng kanyang katawan.
“Ano...ano ang ibig mong sabihin, mahal ko?” tanong niya at matiim pa niyang tinitigan ang mukha ko.
“Hindi magtatagal ay magkakaroon na tayo ng nag-iisang babaeng apo...pero... Mas darami pa sila kung pipiliin mo ang manatili sa tabi nila...” Muli akong napatingin sa kalangitan dahil padilim na ng padilim iyon. Tumayo ang asawa ko at nilapitan niya ang bintana para lamang isara iyon.
“Oras na para magpahinga ka, mahal ko,” sabi niya at walang kahirap-hirap niya akong binuhat para ibalik sa aming kama.
“Oo, oras na nga para lumisan...” sambit ko at umawang ang labi niya sa gulat. Sunod-sunod ang pag-iling niya at nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha.
“Lorainne...” Hinila ko ang kamay n

