Pinilit niyang itinaboy si Yaya Minda pauwi para makapagpahinga naman ito. Alam niya na pagod ito sa ilang araw na pamamalagi sa hospital para bantayan ang ama na mag-isa lang nitong ginagawa sa loob ng ilang araw noong hindi pa siya dumarating. Nalaman niya rin mula rito na siya na lang ang natitirang kasambahay ni Philip dahil ayaw man nito na paalisin ang mga kasama sa bahay ay wala itong magawa dahil hindi na kayang swelduhan ang mga tauhan. Ayon dito ay isang restaurant na lang ang natitira sa ama at iyon ay ang una nilang Branch na nasa Batangas pero nanganganib na rin mawala dahil nalulugi na ito. At iyon din ang matinding dahilan ng stress at depression ng ama kaya’t nagkasakit ito. Batid niya na ito ang pinakamahal na pag-aari ng ama sa lahat ng negosyo kaya’t nabuo ang desisyo

