“Hay, sinasabi ko sa’yo, friend. There’s something fishy. Akalain mo ‘yon, walang nagawa si Geoffe. Eh matagal ka na nga no’n gustong i-pirate tas ngayon sasabihin n’ya na walang bakante?” halos umusok ang ilong ni Betty paglabas nila ng restaurant na pag-aari ng kaibigan nito na dating nanligaw sa kanya. Napatingin siya sa loob nang mapansin ang papalabas na lalaki na tinutukoy nito na sinalubong naman ng isa sa mga empleyado at may sinabi rito. Mabilis niyang hinila ang kaibigan sa braso at naglakad palabas. “Ikaw kase, bakit dito pa tayo nagpunta? Tsaka in-ambush kaya natin ‘yong tao. Hindi ka man lang nagpasabi sa kanya bago tayo sumugod dito.” Bago pa makasagot ay mabilis niya itong hinatak sa loob ng taxi na pinara niya. Bahagya niyang nilingon ang kaibigan nito na nagmadaling luma

