“Kumusta ka na, Dad?” nakangiting tanong niya nang maiwan na silang dalawa. Napansin niya ang pangangayayat nito kaya’t hindi niya maiwasan ang mag-alala para rito sa kabila ng maaliwalas nitong mukha. Mahigit isang oras na nakipaglaro ang kambal sa Lolo nila bago ito nakumbinsi ni Amelia na magpahinga muna at nang makapag-usap silang mag-ama. Unti-unting nawala ang saya sa mga mata nito. Umiiling na tumingin ito sa kanya. “W…wala na ang.. kapatid mo, Alison. Tuluyan na tayong iniwan ni Sabrina.” Tigalgal siyang napatitig sa ama at hindi makapaniwala sa narinig. “A..anong sabi mo, Dad?..Anong nangyari sa..kay Ate Sabrina?” Bigla ang kabang bumangon sa dibdib niya. Malaki man ang galit na nararamdaman niya para sa kapatid ay kahit minsan ay hindi naman niya hiniling na may mangyaring mas

