Dinala ako ni Logan sa Christmas Village. Marami ang mukha ni Santa Claus dito, at halos lahat ng puno ay may christmas light. Christmas village na nga 'e, magugulat ka kung puro halloween. Pero November pa lang ngayon, handang-handa na talaga ang mga tao sa pasko. Madaming mga tao ang nagpapa-picture sa isang bahay kung saan puno ng christmas light. Mayroong kulay pula, yellow, red at kahit ano pang masarap sa matang tignan ang kulay at desinyo ng pasko. Marami rin mga parol na nakasabit. Halos lahat ng tao na makikita mo ay nakakita at halatang masaya ito. 'Yong Christmas Village kasi na pinuntahan namin ay sa tingin ko mga sampung bahay lang ang may sari-sariling design. Hindi rin boring ang mag-ikot gawa nang maraming food stands or stall ang naka display, tapos mayroon din palakai

