Dalawang araw na noong nagyari ang gabing 'yon at pagkatapos ng pag-uwi ko ay hindi na talaga ako makatulog hanggang kagabi. Pero sa dalawang araw na 'yon ay hindi ako huminto kakasunod kay Olivia pero parang pakiramdam ko ay alam niyang may sumusunod sa kaniya kaya nililigaw niya ako. Hindi pa rin ako makapasok sa school kasi nga paano kung nasa kaniya si Heather, at papasok ako edi mas lalong delikado para sa aming dalawa ni Heather. Ayaw ko naman ipahamak 'yon. Si Logan naman ay nagtataka kung bakit hindi pa ako papasok at ayaw ko pa ipagpaalam. Sinabi ko na lang sa kaniya na masama talaga ang pakiramdam ko at hindi ko pa kaya makipag-salamuha sa kanila. Naiintindihan niya naman at hindi niya naman ako pinipilit pa, which is mabuti naman. Simula rin kasi ng gabing 'yon ay parang na

