Naiiyak akong kunin blindfold sa mata niya, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko na rin ang mga tali sa kamay ni Heather. Sobrang higpit pa ng pagkatali at sobrang namumula na ang kamay nito. Pero nahihirapan ako kasi grabe ‘yong pagkatali nila. Napansin naman siguro ni Heather kaya nagsalita na ito. “May blade ako diyan sa likod, bandang kanan ng pwet ko, use it.” Kaagad ko hinanap ang blade at nakita ko nga ito saka ginamit. Nang nakuha ko na ang tali ay nilapg ko na ang blade sa ilalim saka tinapon ang tali, kaagad ko siyang niyakap at napaiyak na lang ako. Hindi niya deserve 'to, hindi niya dapat nararanasan 'to. "Anong nangyari?" Nanginginig kong tanong. "Kamusta ka? Hindi 'to okay!" Ramdam ko ang pagyakap niya nang pabalik sa akin. "They are crazy!" Reklamo nito. H

