Chapter 1

2330 Words
San na kaya 'yung mga baliw na yun. Sabi ko sa sarili ko, dahil hindi ko na mahanap sina Ash. Nasa mall kase kami, sabi ko may bibilhin lang ako sa loob ng bookstore, eh hindi naman bookworms 'yung mga 'yun kaya hindi sila sumama. Sa ngayon ewan ko kung saan. Kaya chinat ko na nalang sila sa IG. Itsmonique: Guys, where r y'all? Probablynotjasmine: oh, I forgot to tell you, nasa Starbucks kami. Sunod ka nalang. Ang bad naman, hindi man lang ako hinintay? Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang magandang book, ang ganda ng book cover kaya pumasok ulit ako. Aabutin ko na sana nang biglang may kamay na kumuha rito. "Uh, Excuse me, kuya? I saw that first. May I have that?" Sabi ko sa lalakeng matangkad na kumuha rito. Hindi sya nagsalita tsaka sya umalis papuntang counter. Sinundan ko sya. Ako ang mag-uuwi ng book na yun, ang malas pa nun, last copy na. "Excuse me ulit, kuya. Pwede akin nalang yan? Hintay ka nalang ng bagong copy, please?" Sabi ko sabay puppy eyes. Syempre para pumayag diba? mwhehe. Ayaw parin nya ibigay..... "Kuya, ganito nalang. Ako ang bibili nyan tapos, bigyan nalang kita ng pera para mag madami mabili mo?" Ang ganda kase ng cover eh, tas ang ganda pa ng title. Sigurado akong maganda yun. Bakit ba ayaw nya magsalita? Pipi ba sya? O walang pandinig? Kyahhh, ako dapat maka uwi nun.... Ayaw ko din mag-antay sa next copy kase baka busy ako. "Hep, hep, hep...." Pigil ko sa lalaki nang akma nyang ilagay sa counter ang book. "Yes po ma'am?" Si ateng counter girl. "Wala na bang ibang copy ne'to?" Sabay turo ko sa libro. "Last copy na po yan ma'am, next week pa po dadating ang bagong copies." Aniya. Hinarap ko si Kuyang matangkad. "Hehe, kuya. Rinig mo 'yun? May copy raw sila next week, beke nemen." "I got it first, miss. So, please. Let me check this out." Anang kuyang matangkad. "Hindi ka talaga makikipausapan kuya?" Sabi ko. Hinawi nya ako papunta sa gilid dahilan para ma check out nya na yung book. Tsaka ko napansin na may nakapila pa pala. mwehehe. Hindi talaga ako papatalo rito kay kuyang matangkad, hindi purke't gwapo, pagbibigyan. Kaya ayun, sinundan ko. Bakit ba? Alam ko naman daan pauwi eh? Tapos, hindi naman siguro masamang tao itong si kuyang matangkad. Pero diba, don't judge the book by its cover? Hayss, ewan ko. 50-50 na 'to. Baka kase hindi ako makapag-mall sa susunod. "Why are you following me, miss?" Sabi ni kuyang matangkad, nagulat pa ako pero mas okay na yun kesa hindi mag salita. "Is it because of this?" Sabay turo nya sa libro. Tumango ako, eh alangan naman tumanggi ako diba? Yun naman talaga sadya ko. "Para sa girlfriend mo ba 'yan kuya? Kase kung hindi, pwede bilihin ko nalang sayo? Gusto mo double price?" Sabi ko sabay taas baba ng kilay. "I don't have one." Aniya. "What do you mean? Wala kang girlfriend? So... Pwede kong bilihin?" I smiled. "No, you don't. Yes, I don't have girlfriend, but that doesn't mean you can buy this from me, I will read this. I bought this, I read this. Period. Stop following me, miss." Aniya tsaka dumiretso sa Starbucks. Ayaw ko, gusto ko 'yun. Sinundan ko ulit sya, papuntang Starbucks. Wala akong pake, focus ako sa goal ko. Sunod lang ako sa kanya, at alam ko naman na alam nya 'yun kase naka upo kami ngayon sa magkaharap na upuan. Hindi nya nga lang ako pinapansin. "So... Are you sure na hindi mo talaga ipapabili sa akin?" Tanong ko sa kanya, baka kase magbago anh isip eh. Hindi sya sumagot, ni hindi man lang umimik. Eh? "Kuya, hindi purk—" "Ayy, you didn't tell me na may ka meet up pala ikaw Monique?" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana dahil biglang nag salita si Jasmine sa likod ko. "Uh, Hindi ko sya kilala." Tanggol ko sa sarili ko, totoo naman kase. Sinabi ko lang, baka kung anong isipin nitong dalawa. "Tsk, you're denying pa Monique ah. Wait ka nalang namin sa parking? Since you have kausap pa naman." Sabi ni Ash. "Kunwari pa, alam ko naman na iiwan ako ng mga 'to kasama mga jowa nila." Bulong ko. "What? I didn't hear you Monique." Si Ash. "Nothing, just go nalang. Enjoy kayo." Sabi ko. Nagpaalam sila tsaka lumabas ng Starbucks. Mag-momomol nanaman 'yun panigurado. Ang unfair sa side ko kase sinama lang ata ako para inggitin. May lalake kaming kasama kanina, reto raw nila sa akin. I don't know kung saan na napunga yun, last ko sya nakita nung pumasok ako sa bookstore, ayaa nila akong samahan, kesyo boring daw sa bookstore. Eh boring din naman sa sinehan ah, pero bat sinamahan ko sila? Char. Mas okay lang din ako lang mag-isa bumili sa bookstore noh. "What did you say, miss Monique." Nagulat ako ng biglang mag-salita si kuyang matangkad sa harap ko. "Ano ba sinabi ko?" Sa pagkakatanda ko kase, wala naman. wala naman akong sinabi. Pero, baka meron? "Nothing." Aniya. Baliw. "Nga pala, nandito lang naman ako para sa book eh, Let's make a deal nalang." Sabi ko. "What deal? Why don't you just wait the next copy, miss Monique. Instead of wasting your time following me, just find another book." Aniya. May point naman sya, pero mag something kase sa book na yun eh, parang gusto kong idagdag sa collection ko. Pero paghinilam ko lang sa kanya, hindi sya malalagay sa shelf ko. "Hehe, pwedeng akin nalang?" Sabi ko, yun nalang ang choice ko. "No." "Bakit ba ang hirap mo paki-usapan, kuya?" Tsaka ko ginamit ang nag-iisa kong alas. Ang mag-panggap na umiyak. "Libro lang naman ang gusto ko eh, babayaran naman kita ng doble eh. Kuy—." "Stop... Okay-okay. You can have this, just.... just go." Tsaka ko kinuha ang paper bag na lalagyan at tumakbo paalis, hindi na ako nag thank you. Baka bawiin pa nya eh. Hehe, Success. Pagdating ko sa parking lot, as expected, wala sina Ash at Jasmine buti nalang talaga isa-isa kami ng dalang sasakyan. Actually hindi naman talaga, sinundo ko lang sila doon sa may park. Kaya kami nagkaiba-iba ng sasakyan, dahil sinabi ni Ash na sasama raw yung boyfriend nyang si Jayson Williams. Kaya ayun, dumaan kami sa bahay nila— I mean masyon, tsaka lumipat si Ash sa sasakyan ni Jay. Ganun din ang nangyari kay Jasmine, aniya ayaw nya raw ma bore, ang unfair daw pag si Ash lang may kasamang boyfie. Hindi na nahiya sa akin noh? Pag dating namin kung saan sinabi ng boyfriend ni Jasmine kung saan magkikita, may kasama syang ibang lalake, which is yung binanggit ko kanina. Kung hindi lang nila sinabi agad 'yun, baka napagkamalan kong bakla si Ace. Papasok na sana ako sa loob ng sasakyan ko nang mapansin kong flat pala 'yung gulong. Sh*t. Mapapa-sh*t ka nalang talaga. Tinignan ko yung gulong at kaylangan nga na ipaayos, sinadya ata 'to. Marami kaseng ganyan dito sa amin eh. Ay ewan. Tinawagan ko si Kuya kaso nasa trabaho pa sya, mamaya pa ang out niya. Si papa naman siguradong may trabaho rin yun, si mama? tsk, hindi nga marunong mag drive eh. Naalala ko may contact pala ako kay Dave, 'yung nag tra-trabaho sa talyer. Close kami non eh kase halos tambay rin ako doon tuwing weekend. "Hello, Dave? Busy ba you? " Sabi ko sa tawag. "Hindi naman masyado, may inaayos lang. Bakit?" Aniya. "Eh kase eh, binutasan yung gulong ko. Pwede ka ba magdala ng gulong? Nasa mall ako rito sa downtown. Baka pwede?" Sabi ko. "Hala, may ginagawa pa ako eh. Pero sige, mga twenty minutes siguro. Makaka antay ka ba?" Pwede naman siguro, maaga pa naman eh. "Sige." Yun lang ang sinabi ko tsaka ibinaba ang tawag. Papasok sana ulit ako sa loob, kaso wag nalang pala. Pero gusto ko, wala naman kase akong binili, well except sa libro. Nag movie lang kami, tapos arcade. Habang naghihintay ako ay nakita ko si kuyang matangkad na naglalakad, papunta rin ata sa sasakyan nya. Well.... close naman na siguro kami diba kase binigay nya sa akin 'yung libro? Sakto may dala syang pie, galing ata ng Jollibee. Ang tanga ko talaga, Syempre galing Jollibee, cellophane palang Jollibee na eh. Kaya ayun, nilapitan ko. "Hi, kuya." Bati ko. Hindi sya sumagot, snob talaga 'to si kuya. Naiintindihan ko naman sya kase hindi naman nya ako kilala, pero hindi ko rin naman sya kilala eh. Pero itong si kuyang matangkad, parang suplado. Yung iba kaseng bago ko palang nakikilala eh nagiging ka close ko, tapos halos walang katapusan ang usapan. Tapos eto.. Si kuya.... Ayaw ako kausapin. Siguro naninibago ako? Nasanay siguro ako na nagiging ka close ko 'yung mga strangers, char. "Kuya, may limit ba 'yung mga words mo? Bakit ayaw mo magsalita? Bakit ayaw mo mamansin? Bakit parang loner ka? Magagalit ba girlfriend mo pag may nakaka-usap kang ibang babae? Ay tama wala ka palang girlfriend, pero kuya—." "What do you want?" Ay sa wakas nagsalita narin. Kung iniisip mo na galit nyang tugon 'yun. Mali ka, wag ka manghusga agad ha? Mali 'yun. Bale, ang pagkakasalita nya lang ay hindi galit, hindi rin naman mahinhin. Gets mo? Kase ako.... hindi. Basta 'yun na 'yun. "Yung pie mo po, opo." Makapal ba mukha ko? Okay na 'yun, hindi naman siguro. "Ikaw lang mag-isa dito?" Tanong nya. Bakit ba iniiba nya 'yung usapan. Iniiba nya lang ba or ayaw nya lang akong bigyan. "Oo eh." Sagot ko. "What about those people earlier, I thought you're with them." Chismosa rin 'tong si kuya. "Ah, 'yun nga eh. Iniwan ako, nag momol siguro sila, Sa tingin mo, kaylangan ko na rin ba mag hanap ng para sa akin? Pero ayaw ko eh, baka hindi ko na magagawa yung mga nagagawa ko ngayon." May point naman ako diba? Takot kase ako at the same time na eexcite. Ewan. "Why are you here? Don't you know it's dangerous especially it's already dark?" Ay care ka ba sa akin, kuya? Sweet, char. "Na flat kase 'yung gulong ko. Binutasan." Sagot ko. Pumunta sya sa may upuan sa gilid, ako naman eh sumunod, ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa pie? Hindi naman siguro kami magkikita ulit, noh? Lol. Lumipas ang ilang minuto, mga five minutes siguro, ay walang nagsalita, hindi nya rin ginalaw 'yung pie nya. Hindi naman sya nagtanong kung bakit ako timabi sa kanya. Ano ba pwede i topic para hindi masyadong awkward? Siguro... Kaylan nya balak kainin 'yung pie nya. Halata naman siguro na gusto ko 'yung pie diba? Pero sinabi ko na naman kanina na pie talaga 'yung pakay ko. Ang g**o diba? "How long till you leave this place?" Tanong nya. Ay himala, nagsalita. "Ilang minutes pa siguro, mamaya pa dadating si Dave, may dala 'yung gulong." Sabi ko. Katahimikan ulit ang bumalot sa amin. "Ikaw ba, bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko. Oo nga, alangan naman na trip nya diba? Or naghihintay ng sundo. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya, bastos. Char. Ano pa ba kase maganda i topic. Hindi naman ako makapag cellphone kase ang awkward. I mean, awkward naman pag walang ginagawa pero nas awkward 'yung ako lang yung gumagamit ng cellphone tapos siya ay upo lang tapos walang ginagawa. "Hanggang kaylan ka dito kuyang matangkad?" Tanong ko ulit sa kanya, para naman hindi kami amagin noh. Baka magpagkamalan pa kaming mag jowang nag-aaway dito. May mga dumadaan pa naman. "Mamaya siguro." Tipid na sagot nito. "Magkano ba ang isang word na binabanggit mo kuya? May bayad ba? Tinitipid mo kase eh, kung meron wag ka nalang mag salita baka maubos ang pera ko nang wala sa oras, hehe." "How did you do that?" "Ha? What do you mean by 'how did you do that?'" Litong tanong ko, minsan talaga ang mga tao ngayon anggugulo. "Ay ewan ko sa'yo kuya, baka puputok ang utak ko kaka-isip." "I mean, how come you're comfortable with someone you just met, or you're just talkative and loud." Aniya. Ahhh, gets ko na kahit papaano. Nag-aral kase ako ng english eh, tapos consistent honor student pa, oh... sino ka dyan? "Hindi naman sa lahat, pero may mga tao talaga na kumportable, pag pakiramdam ko na may gusto sa akin 'yung tae, I mean tao.... umiiwas ako, kase baka magustohan ko rin, pero depende talaga eh. Ewan ko lang, may mga nagkakagusto rin naman sa akin sa freind ko, diba ang kapl ng mukha ko? Pero totoo 'yun, umamin lang sa akin nung nakaraan. Ewan ko, wala naman silang pwedeng magustuhan sa akin, hindi naman ako maganda. Char, maganda ako noh, i dodown ko ba sarili ko? Syempre hindi,.kaya sasabihin ko na maganda ako. Sa dinami dami ng tao sa mundo, sarili mo lang ang ang magpapadama sayong ispesyal ka, ipapaalala sa iyo na maganda ka, pero hindi ko naman nilalahat kase makakahanap ka rin naman ng taong magsasabi sayo na maganda ka kahit alam mo na sobrang chaka mo na, mag-sasabi sa'yo na mabango ka kahit alam mong hindi dahil isang linggo ka nang hindi naliligo." Tawa muna saglit. "Tsaka magsasabi sayo na mahal ka nya kahit hindi na talaga. Char..... Pero dadating talaga 'yung tao na ipaparamdam sa'yo na kamahal-mahal ka, na worth it ka, i che-cheer ka sa mga panahong down na down ka na, kaya dapat maghintay ka, dadating ang tamang panahon, sa tamang tao. Hindi naman kase dapat minamadali eh, I mean.... Okay lang naman i enjoy mo ang mag-jowa jowa habang wala pa ang taong para sayo diba?" Huminto ako saglit baka maubusan ako ng laway, char. "Hindi mo naman kase mahahanap kung hindi mo susubukan, baka 'yung taong inayawan mo sya pala 'yung para sa'yo. So... don't be afraid to take risk. Pero pag alam mong masakit na, bitawan mo na. Pag alam mong hindi na kaya, suko na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD