"Gaga ka, bat nyo ako iniwan dun." Sabi ko kay Jasmine nang nasa office kami. Office ni Ash.
Ash yayamanin.
Tungkol nga pala dun sa lalakeng kuyang matangkad, dumating kase bigla si Dave eh, tapos nilapitan ko, tapos nag-usap saglit, ipapakilala ko sana si kuyang matangkad kaso umalis na. Gara diba? ipapakilala ko tapos ako hindi rin sya kilala. Wew.
"Sorry na Kate, I didn't mean to naman eh, kaso naiinip na si Ace. So... we left." Aniya.
"Nabutasan pa ako ng gulong, tsk." Sabi ko na ikinatawa nya.
Kala nya siguro hindi ko nakita. Shuta.... Sana mali ang iniisip ko.
Tinignan ko sya ng maypagsususpisya.
"I didn't do anything, Kate."
"Eh bakit defensive ka?" Sabi ko naman.
"Eh, bat ganyan ma maka look?"
"Sus... Aminin mo na."
"Well.... For the sake of our friendship, Kyle did it." Pag amin nito.
Mga gag*.
Maya maya pa ay dumating si Ash galing sa meeting nya, Dad kase nya ang may-ari nitong company and since only child sya, trini-train sya while summer break. Last year nya na rin sa accountancy this year so.... I guess more pressure pa 'to for her.
Buti nalang talaga may mga kapatid ako, and luckily my ate chose accountancy kase since bata pa ako, ayaw ko na talaga sa business, I'd rather to travel than do some papers.
I like to travel so I decided to be a flight attendant. I like to meet new people too, so...
"How was it, Ash?" Tanong ni Jasmine kay Ash.
"That was terrifying Jas, buti nalang nandun si Kyle. Na less yung kaba ko, kahit papaano." Aniya tsaka binigyan ni Jasmine ng nakakalokong ngiti.
"Just be careful, Ash. Baka malaman ng daddy mo, tanggalin pa 'yung shares and connection nya sa mga Harnxis." Sabi ko sa kanya.
Naka arrange na kase ang kasal ni Ash sa lalakeng hindi ko alam, taga ibang bansa daw eh.
I don't know bakit hindi nalang si Jayson ang maging husband ni Ash, eh mayaman din naman.
Pwede naman siguro na sabihin ni Ash sa dad na kung pwedeng si Kyle nalang since parehas lang naman na mayaman, tsk.
Ayaw ko talaga sa mga ganito, yung arrange marriage na yan, pag ganyan siguro eh maglalayas ako kahit walang pera o mana, or di kaya eh papatayin ko yung mapapangasawa ko, char.
Joke lang, baka sa kulungan ako titira, pero mas okay naman kaysa sa ano diba.
Buti nalang talaga at may awa pa sila mama, ksks.
Lumabas kami sa office ni Ash para bumili ng coffee sa baba, pwede naman kaming mag utos nalang sa staff pero mas gusto namin bumaba eh, baka may chicks. Char.
"Hello ma'am, as usual po ba?" Tanong ni ate Nicole nang nasa counter ako. Kilala nya ako rito kase isa rin si papa sa may share dito, ganun din si Jasmine.
"Opo ate Nics." Sabi ko saka umupo sa table na katabi ng bookshelf na comics ang laman.
"So... what did he say? He agreed?" Rinig kong sabi ni Ash sa kausap nya, si Kyle siguro.
"Uh, yeah. But don't expect him to really get along with us." Rinig kong sabi ni Kyle.
"I know naman. Gotta end this call, see you tomorrow , babe." Tsaka binaba ni Ash ang cellphone.
Mayamaya pa ay dumating na ang iced coffee na ni request ko.
Wala naman kaming masyadong ginawa ngayong araw, hinatid lang nila ako sa talyer nina Dave tapos kinuha ko ang kotse ko, iniwan ko kase eh kasi madami silang consumer na aasikasuhin.
Pag uwi ko sa bahay ay wala naman masyadong nangyari na kakaiba, wala namang nagpakitang multo. Wala ring nagpakitang mama at papa, nasa business trip kase sila. Si ate naman, ewan ko baka mamaya pa 'yun. Si Reign naman, yung bunso kong kapatid nasa taas, may bisita sya. Barkada nya, sina Jacob. Kilala ko 'yun kase halos palagi sila dito dahil lagi silang naglalaro ng basketball.
Nang sinilip ko sila, kumakain lang sila tapos naglaro ng video game, nag hi lang sila sa akin tas nag hello ako. Hindi na ako nakipag chikahan dahil may gagawin pa ako sa kwarto, Hindi ko alam kung ano pero sigurado naman ako na meron.
Kinabukasan ewan ko kung ano ang gagawin ko, hindi naman nag-aya sina Ash ng gala, baka may date sila sa mga jowa nila.
Eh ako? Anong gagawin ko? Nakakatamad rin kaya mag cellphone.
Kaya napagpasyahan ko na pumunta nalang sa may store malapit sa bahay, bibili lang ako ng cocoa powder, ubos na kase eh, gagawa ako ng cake.
Naging hobby ko nadin kase 'yun, napanood ko lang sa youtube tapos ayun.
Pagkatapos ko bumili ay naghanda na ako sa mga kakailanganin ko, flour, sugar, cream, at iba pa. Nagsimula nadin ako maghalo-halo ng mga ingredients. Nang matapos na ako sa chiffon ay niref ko na muna, bukas ko nalang lalagyan ng fondant, mas masarap kase pag i ref mo muna.
Wala na ulit akong ginawa kaya nagbasa nalang ako, ilang oras din ako nagbasa at hindi ko napansin ang oras. 12 pm na pala, tapos wala pa akong kain. Na enjoy ko 'yung pagbabasa.
Ang ganda kase eh, ang ganda ng plots. 'yun nga pala 'yung binigay sa akin ni kuyang matangkad na book.
Habang kumakain ako ay biglang nag message si Ash sa group chat namin sa i********:.
Ashes: Hey, are y'all free? Want to hang out?
Itsmonique: What? kaka-mall lang natin ah?
Ashes: I know, Kate. But, that doesn't matter, ibang mall ang pupuntahan natin, arcade tayo.
probablynotjasmine: Uh! Thanks naman you invited me, I'm so bored in here. Dad is annoying, he's pushing me to Lance even though he knows that I already have a boyfriend.
Itsmonique: G ako, where ko kayo susunduin?
Ashes: No need to bring car, Kate. I'll pick you up in a minute, get ready.
Gaya ng sabi ni Ash, nag handa na ako. Bakit ba nag-aya sila? Baka maubos ang allowance ko. Ay, magpapalibre nalang ako kay Ace, mabait naman 'yun.
Makalipas ang ilang minuto ay may bumusina sa harap ng gate namin, it's Ash for sure.
"Manang Liz, pakisabi kay Reign na umalis ako ah?" Bilin ko sa yaya namin. Baka kase hanapin ako eh.
"Opo, ma'am." sagot nito.
Nagpasalamat ako sa kanya tsaka lumabas ng bahay.
"You're so matagal." Angal ni Jasmine.
"You're so arte, para namang ilang oras ka naghintay." Sagot ko na ikinatirik ng kanyang mata.
"You two are so loud, shut up." Si Ash.
Ang aarte, char.
Pagkatapos naming daanan namin ang bahay nina Ace, nagtaka ako dahil may hinintuan pa kaming isang bahay.
Hindi ko nalang pinansin dahil nag chat si Dave sa akin.
Davein: Hoy, Kate!
Grabe namang bungad 'yun, nakakaganda ng araw. Sarcastic 'yun!
itsmonique: What?
Davein: Free ka ba bukas?
itsmonique: I don't know eh, siguro? Why?
Davein: Street foods?
Sumakay na sa sasakyan 'yung dinaanan nila, hindi na ako nag abalang tignan kase makikilala ko naman pagdating sa mall, focus muna ako sa cellphone ko, nag-aya kase ng pagkain eh.
itsmonique: Wow, I'm not sure pero try ko.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap ni Dave hanggang sa nakarating kami sa isang mall, isa ito sa pinakasikat na mall dito sa amin, madami ring tao, sana may bookstore dito. Syempre, lahat naman ata ng mall meron, boba ko naman.
Pagkababa ko sa sasakyan wala talaga ako sa focus, may hinahanap kase ako sa shopee eh, 'yung ano ba 'yun. May nakita kase ako nung nakaraan tapos ngayon ko lang naalala, hindi ko din nalagay aa cart ko.
"Monique, you're so ano talaga. We're here in mall, you can buy things here. Why are you finding things from that app?" Si Jasmine.
Oo nga naman.
"Eh, hindi naman kayo maglilibot eh, sabi nyo arcade lang. Oh, ha?" May point din ako, mwhehehe.
"Javier will sama to you naman if you want." Si Ash.
"I don't even know someone named Javier." Nass imagination nya yata. Alam ko naman hindi nila ako sasamahan, mahirap na, wala pa naman akong dalang sasakyan.
"Oh, shoot. I thought you knew him already, you're with him days ago right? He's Javier." Turo nya sa lalake na nasa likod.
Shet, wtf?
Kilala nila? Is this the reason why binutasan nila ang gulong ko?
"Are you related with him?" Tanong ko jay Ash.
"Silly, Monique. Don't you know him? He's Mr. Willams' only son."
Hala... hiningian ko ng libro ang anak ni Mr. Williams? Mr. Williams na may pinakamalaking share sa company nila Ash? Mr. Williams na pinakamayaman sa bansa? Hell.. no. Si Mr. Williams na masungit?
Hindi naman siguro masyadong namana ng anak nya sa ugali nya, tahimik, oo. Pero, hindi naman masayong halimaw.
"I don't blame you naman for that, hindi naman kase sya masyadong lumalabas, kung lumalabas man, sya lang alone. Nagulat nga ako nang makita ko kayo together." Ani Ash.
Hindi nalang ako nagsalita, ang dami ko pa naman sinabi sa kaya nung nakaraan tapos anak pala sya ni Mr. Williams.
Nung nakaraan may nakita akong bookshelf, gusto ko sana bilihin kaso parang hindi ko muna bet bilhin, hindi pa naman full ang isang bookshelf ko.
Nang makarating kami sa arcades eh wala akong ginawa, ang unfair kase nila eh, by pair.
Char, nag shoot lang ako ng bola at nakakailang bola na ako hindi ko parin na shoot. Ganun din naman ang mga mag-jowa pero madami na silang na shoot. So unfair.
Nabigla pa ako nang maramdaman kong may tao sa likod ko, magnananakaw yata.
Nilingon ko iyo.
Jusko naman, kinabahan pa ako si Javier boy lang pala.
Inudust nya 'yung kamay ko sabay sabing. "I shoot mo na."
Demanding
Natameme pa ako saglit pero hinagis ko din 'yung bola.
"Galing." Sabi ko, na shoot kase eh, sksksks.
Nang try pa ako ng isa baka ma shoot ko ulit, pero hindi. Pighati.
Inudjust nya ulit ang kamay ko tsaka na shoot, ang galing.
Makalipas ang ilang shoot, hindi ko napansin, wala na pala sila Ash. Shuta... nasa ride pala, yung maliit na pambatang saakyan. 'yun.....
Sasakay na din sana ako sa ano ba tawag dun sa pambatang sasakyan na basta. Kaso napansin ko si Javier, hindi sya naglalaro.
Ano trip nya, sama-sama lang, ganun?
Hindi muna ako sumakay at nilapitan sya, andun kase sya sa unicorn na gumagalaw.
"Hoy, kuyang Javier." Tawag ko sa kanya nang malapit na ako.
Hindi sya nagsalita kaya nagsalita nalang ulit ako.
"Alam mo ba na we only live once kaya enjoy your life to the fullest? Bakit ka nakatunganga dyan? Chance mo na para magsaya, wag mo na sayangin." Sabi ko.
Kase naman eh, kanina pa sya hindi naglalaro, ano trip nya? Tingin-tingin lang, ganun?
"No, We only die once, we live everyday." Aniya. May point naman sya kaya sige, palalampasin ko. Char.
"Panira ka naman kuya eh, basta 'yun na 'yun. Bakit ba hindi ka naglalaro? Nahihiya ka ba or hindi mo lang bet? Kasi ako bet ko, pero ayaw ko namang tignan ka na nakatunganga lang. Bawal ba sa papa mo na mag arcade? Wag ka mag-alala hindi naman nya malalaman."
"I'm playing." Aniya.
"Ano ito? Ride 'to eh, tapos hindi pa masaya." Sabi ko. Ang boring kaya nito, tapos ikaw pa mag-aalog ng unicorn.
"Pwede ka bang isama?" Tanong ko sa kanya, alangan naman hilain ko sya bigla, baka ipakulong pa ako ng daddy nya.
"Where?" Pistot, ang tipid sumagot.
"Basta." Sagot ko, baka tumanggi kung sasabihin ko kung saan.
"Okay?" Aniya tsaka ko sa hinila papunta sa photo booth, sayang naman kase 'yung porma nya.
Bumagay sa eyebags nya, hindi naman masyadong malaki, medjo tama lang. Overthinker siguro sya, or palapuyat lang talaga.
Hindi ako nagpaalam na ilagay sa kanya ang micky mouse na headband nang makarating kami sa photo booth, ang cute.
Sana lang hindi ako pagalitan ng daddy nya. Wala namang makakaalam eh.
Buti nalang talaga empty na ang photo booth, minsan kase mahaba ang pila.
Hindi naman umimik si Javier about sa headband kaya okay lang siguro sa kanya.
"Ayusin mo na naman posing mo, para kang lantang gulay." Sabi ko sabay pose ng wakie.
Hindi nya ata naintindihan ang gusto kong ipahuwatig kaya finorce ko nalang ang kamay nya na nag wakie. Wala naman syang angal, kaya kung may problema ka dun, problema mo na 'yun.
"Wakieeee." Sabi ko sabay nagpic sa first picture.
Ang posing na ginagawa namin ay wakie, 'yung dalawang kamay sa ilalim ng baba, finger heart tapis 'yung seryoso.
Nang na recieve na namin ang picture ay binigay ko sa 'yung isang copy.
"You better keep that, tsaka samahan mo ako dun sa ride ride sa ano ba tawag dun, kase hindi ako nakasakay kanina. Wag ka na umangal, hindi malalaman ng daddy mo."
Pagdating namin kung saan ang tinutukoy ko ay wala sina Ash doon, nasa video oke sila.
Hindi naman ako sumakay at pinuntahan ko nalang sila.
"Hoy, uwi na ba tayo pagkatapos dito?" Tanong ko sa kanila, baka kase hindi ako makabili ng libro, may nakita kase ako kahapon sa t****k na story, tragic sya kaya nagplano na akong bumili.
"Yeah, do you have any plans or buy something?" Asked Ash.
"Oo eh." Sagot ko dito.
"Okay, you better hurry, ha? So you can join us here."
"Iiwan muna kita dito, kuyang matangkad. Or gusto mo sumama? Punta lang ako sa bookstore." Sabi ko kay Javier. Maganda rin 'yung pangalawang offer kase napansin ko na hindi talaga sya nakikihalu-bilo sa nga tao.
Introvert kumbaga.
Pero madali lang naman syang kausap, mabait. Hindi 'yung suplado na as in sulpado to highest level talaga.
Hindi pa naman nag-aapproach sina Ash at Jasmine pag nasa paligid ang mga jowa nila, hindi nawawala sa paningin ng isa't-isa.
"Sasama ako, bibili nalang din ako." Wew, nagtatagalog ka pala kuya.
"Sige." Sabi ko tsaka nagpaalam sa kanila.
Babalik din naman kami mamaya kase sabay kami uuwi, iisa lang naman kase kami ng sinakyan sasakyan dahil diba... Isa lang ang dinala.
Pagkapasok at pagkapasok palang namin sa bookstore ay pumunta kaagad ako kung saan ang hinahanap ko.
Ganun din si Javier.
Bumili nadin pala ako ng bookmarks, ang gaganda kase ng design.
Paglabas namin sa bookstore ay biglang may sinabi si Javier.
"Uhhh, this is embarrassing but... Pwede mo ba ako samahan?" Aniya sabay kamot sa batok.
Ang cute.
"Sure, why not? Saan ba?" Tanong ko dito.
"Bibili ako ng string." Aniya tsaka ko sya sinundan.
Nang makarating kami ay pumili sya ng string na manipis, may anim kase na pagpipilian dun tapos yung pangalawa sa pinakamanipis ang pinili nya. Ewan ko kung anong tawag dun, hindi naman kase ako nag-gigitara.
Na try ko na noon, pero ang tigas ng kamay ko.
"Para saan yan?" Tanong ko dahil nacu-curios ako.
"This is called B string. Naputol ko kase nung nakaraan." Aniya.
"Ahhh, bakit ba naputol?"
"I played it hard."
Panong hard? Char.
"Marunong ka siguro kumanta noh? Maganda ba boses mo?" Tanong ko sa kanya. Iniba ko ang usapan dahil baka wala akong maintindihan.
"Kumakanta ako, but that doesn't mean na maganda boses ko."
"Pag may oras ka, kantahan mo ako ha? Total close na naman tayo eh, kase kinakausap mo ako. Close tayo diba?"
Hindi sya sumagot, bad.
"Silence means yes diba? So freinds nga tayo."
Tumawa lang sya ng bahagya.
Bad talaga.
Pagkatapos namin ay bumalik na kami kung saan sina Ash. Naabutan namin sila na kumakanta. Syempre ano ba gagawin sa karaoke booth? Karaoke na nga diba.
"You guys are so matagal." Si Jasmine.
Anong matagal dun, hindi naman kami umabot ng oras ah.
"Want to buy chips before we left?" Si Ash habang nasa daan kami palabas.
Oo, uuwi na kami. May date pa daw sila.
"Okay." Si Kyle.
Pumasok kami sa isang grocery at ang kinuha ko lang ay stick-o tsaka flat tops, masarap kasi 'yun.
"Hindi ka ba bibili?" Tanong ko kay Javier, hindi kase sya kumukuha.
"I'm not into those." Aniya.
"Eh? Hindi ka pa nakatikim nito?" Sabay turo ko sa stick-O.
"No." He replied.
"Ano favorite mong flavor?" Tanong ko sa kanya.
"Chocolate."
Binigyan ko sya ng isang garapon ng stick-O na chocolate flavor. "Yan, kainin mo yan. Masarap yan."
"Okay?"
Pagkatapos namin kumuha ay pumunta na kami sa counter, andaming kinuha nina Kyle at Ash. May plano ata sila mag sari-sari store. Char. Ganun din su Jasmine, madami syang kinuha, like pick-a, pringles, ganun.
Dalawang garapon ang binili kong stick-o at isang pack naman ng flat tops. Kunti lang kase may stocks pa naman ako sa bahay. Ilalagay ko nalang siguro 'to sa kwarto ko kase 'yung stock ko sa bahay nasa kusina, palaging kinukuha ni ate.
Isa-isa kami ng bayad ng mga binili namin para fair, char. Ganun talaga kami, pero pag kakain kami. Ambagan.
Gabi na kaya nagpasya kaming dumaan sa drive thru, hindi kami kumain sa resto kasi malayo pa. Tapos gutom na sila, kaya nag drive thru nalang.
Pagkatapos namin mag-order ay huminto kami sa daan na may magandang view, tapos sa umupo kami sa may damuhan at doon kumain.
Pag gabi talaga ay maganda ang view kaya ang sarap sa feeling, relaxing sya kumbaga. Ganito gusto ko, yung chill lang.
Kaso minsan ko lang nagagawa dahil sa school works ko, ngayon summer vacation ay nagagawa ko kahit papaano.
"San kayo pupunta this vacation, guys?" Asked Jasmine.
"I don't know, I don't want to come with mom and dad this summer, I want something new." Si Ash.
"How about you, Kyle?" Tanong ni Jasmine kay Kyle.
"Well, actually.... Ashley and I decided to go to Palawan. So... yeah. I need to pretend to be one of her friends, again..... Just to be with her." Si Kyle.
Alam naman nila sa una palang na bawal talaga ang pagmamahalan nila, pero wala silang magagawa, they love each other.
"Love... you know the reason why naman diba?" Si Ash.
"Yeah, I know... And I'm willing to wait naman for you to tell your father about our relationship, I'll wait for you, love. As long as I love you, I'll wait."
"I love you, love."
"Okay, so... What about you, Jasmine? do you have any plans this year's vacation?" Tanong ko kay Jasmine, sinadya ko talaga na putulin ang topic nila kase baka nasasaktan na sila sa katotohanang kaylangan nila mag panggap pag nandyaan si tito.
"I don't know pa eh." Sagot ni Jasmine.
"Me too, paano kaya kung sumama nalang tayo kina Ash, mas mataas ang chance na hindi sila paghinalaan at mas mataas ang chance na payagan sila dahil kasama tayo diba?" I suggested.
Kase halata naman kase eh, kung mag vavacation sila, bakit sila lang diba?
"Good idea tho, but are you two okay with that?" Tanong ni Jasmine kay Ash at Kyle.
"Yeah, sure. Kate has a point naman." Kyle agreed, ganun din si Ash.
"What about you, babe? Are you coming with us?" Tanong ni Jasmine sa jowa nya.
"I'm not sure, but I'll try." Sagot ni Ace.
"Okay, then. You, Javier, are you coming with us?"
"I'm not sure." Ani Javier, tsk.
"Sumama ka na, since freind ka naman na namin eh." Sabi ko dito.
"I'll ask dad." Aniya.
"Ay, oo na pala. Si mr. Williams." Bulong ko, bat di ko naisip 'yun. Anak pala sya ni mr. Williams, nawala sa isip ko, patay.
"Okay then, when ba?" Tanong ni Jasmine kina Ash.
"Friday night, tapos uuwi tayo Sunday night." Si Kyle.
Nagpagkasunduan na namin ang magiging vacation namin. Though, hindi sure sina Ace at Javier.
Pagkatapos nun ay hinatid na nila ako sa bahay namin, binigay ko din kay Javier ang isang bookmark na binili ko, nainggit pa sina Jasmine pero sinabi ko na bookmark yun, hindi naman sila nag-babasa.