Elie's POV
"Sinong may sabing pumunta kayo sa rooftop at basain ng tubig ang mga kapwa studyante nyo?!" napappikit na lang ako nang bulyawan kaming dalawa ni Aze ng Dean.
"P-pasensya na po Dean" nakatungong saad ko. Naramdaman ko naman ang pagbaling nito ng tingin sa akin.
"Ano bang agenda nyo at ginawa nyo yun?" napatingin ako sa dean na seryoso ang mukha at nakatingin sa aming dalawa habang hinihintay ang sagot namin.
Palihim akong sumulyap kay Aze na patagong nakangisi at tila ba gusto nya ang nangyayari.
Ano na naman kayang iniisip ng hinayupak na to? Hindi kaya may agenda sya kung bakit nya ginawa yun?
Nagulat ako ng malakas na hinampas ng dean yung lamesa nya dahilan para agad akong mapatingin sa kanya.
"Kung hindi kayo magsasalita, hindi ako magdadalawang isip na tawagan ang mga magulang nyo!" kinabahan ako ng sabihin nya yun.
No. No. No. Hindi pwedeng malaman ni mama, mas lalong hindi pwedeng malaman ni Mr. Colton.
Paktay!
"Rule no. 3 bawal magkaroon ng record si Aze sa guidance, sawang sawa na akong ipatawag sa guidance office Hahahaha!"
Parang biglang nag echo sa tenga ko yung sinabi ni Mr. Colton
"Bibilangan ko na kayo hanggang sampu, at sa oras na matapos ang bilang ko, ihanda nyo na bukad ang mga magulang nyo" mas na pressure ako ng magsimulang magbilang si dean, kunot ang noo at galit na talaga.
"Isa"
Sasabihin ko ba yung totoo?
"Dalawa"
Hindi, hindi pwede masisira yung Rule no. 3! Hindi ko na maususustentuhan ang mga kapatid ko!
"Tatlo"
Paano kung sabihin ko na lang yung totoo? Baka mas gusto nyang umamin kami kesa magsinungaling nang sa ganun ay hindi nya na ipatawag ang mga magulang namin?
"Apat"
Pero paano kung ipatawag nya pa rin? Sigurado akong magagalit sya sa dahilan namin!
"Lima"
Kung magdahilan na lang kaya ako? Baka may chance na ma save kami nang idadahilan ko.
"Anim"
Pero ano idadahilan ko? Baka mapahamak pa kami paghindi kapanipaniwala yung idadahilan ko?
"Pito"
Pero paano nga kung hindi? Pero ano nga idadahilan ko?
"Walo!"
Nabaling yung tingin ko sa dean nang lakasan nya yung boses nya.
"Syam"
Lintik! Isip Elie, kaya mo ito! Para sa nanay at mga kapatid mo!
"Samp---"
"M-magdidilig po sana kami!" nakapikit na sabi ko, umaasang maniniwala si dean.
"Magdidilig kayo?" nagtatakang tanong ni dean. Tumango naman ako bilang pagsagot.
"Sino namang nag utos sa inyo magdilig?" kinabahan ako ng tanungin nya yun.
Hindi ko inaasahan yun ah. Pero sino nga ba ang pwedeng mag utos sa amin na magdilig. Mag isip ka Elie! Sino ba ang pwedeng mag utos sa amin ni Aze? Tao na mas mataas sa amin at pwede kaming utusan. Hindi naman pwedeng teacher kasi baka mabuking pa kami pag nalamang hindi tapaga kami inutusan.
"Good Afternoon Dean" nabaling ang tingin namin ng bumukas ang pintuan at pumasok si Angelo na may dala dalang folder.
Angelo! Tama!
"Si Angelo po. Si Angelo po yung nagutos sa aming magdilig" sagot ko sa tanong ni dean.
Napatingin ako kay Angelo na nagugulat na nakatingin sa akin.
"Totoo bang inutusan mo sipa Angelo?" tanong ni Dean sa kanya.
Nagaalangan naman si Angelo, tinigan nya pa ako at napansin nya atang kailangan ko ng backup.
"Y-yes Dean" sagot nya dahilan upang makahinga ako ng maluwag.
"Eh bakit sa rooftop nyo pa naisipang kumuha ng pandilig?"
"K-kasi po marami din po kasing nagdidilig, naisip po namin na baka po ginagamit na po nila yung mga pandilig" kinakabahang sagot ko.
"Bakit nung nadatnan namin kayo ay nagaagawan kayo sa hose?"
Kelan ba matatapos tong pagtatanong nito. Kala mo naman ih kami yung nawawalang preso.
"Pabibo po kasi tong hinayu---- este si Aze, gusto nya pong magpakitang gilas kay Angelo, kaya po inagaw nya sa akin yung hose" naramdaman ko naman yung masamang tingin ng hinayupak pero binalewala ko lang ito.
Bakit? Sya pa ang may ganang tumingin ng masama samantalang wala dapat kami dito dahil sa kagaguhan nya!
Mukhang nakumbinsi naman ito atsaka tumingin sa relo nya.
Napatingin ako sa orasan at 5:50 na pala.
Tumayo na sya dahilan para tumayo na rin kami.
"Sasusunod wag nyo nang uulotin ang ginawa nyo, pwede naman kayong manghiram ng pandilig!" sermon nya pa sa amin bago sya lumabas, sumunod naman sa kanya si Angelo na napatingin sa aki. Nginitian ko na lamang ito at nag thank you nang walang boses na maririnig. Ngumiti naman ito sa akin atsaka sumunod na kay Dean.
Nabaling naman yung tingin ko sa hinayupak at saka sya sinamaan ng tingin. Hindi ko na sya hinintay pa at nanguna na akong lumabas.
Hay bwisit!
Nagulat ako nang makitang madilim na pala ang kalangitan at lumitaw na rin ang magandang buwan. Napabuntong hininga ako at nagsimula nang maglakad.
Ano kayang oras na? Kumain na kaya ang mga kapatid ko?
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ang cellphone ko at sinilip ang oras nito.
5:25 na pala.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at bahagyang ini-angat ang aking ulo upang makita nang mga mata ko ang mga makikinang na bituwin na nagu-umpisa nang maglitawan. Naguumpisa na rin umilaw ang mga lamp post dito sa loob nang school.
Nagpatuloy lang ako sa pagmumuni-muni habang nakatingin sa kalawakan na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil hindi ko nakita ang batong nakaharang sa daan.
Huli na para makaiwas ako dahil tuluyan na akong napatid.
"Ouch!" daing ko at matapos mapatid nang bato.
Bakit ba kasi may bato dito?
"Oh? Ilan nahuli mong palaka?" biglang kumulo yung dugo ko nang marinig yung boses ni The Aze hinayupak.
Nilingon ko ito at sumalubong sa akin ang naka-ngisi at nangaasar nyang tingin.
"Tatlo, sakto may pang-ulam na ako mamaya. Bakit? Gusto mo ba?" seryosong tanong ko na ikinapangit nang itsura nya dahil sa nandidiri nya expression. Napangisi ako dahil dun.
"Eeww! Yuck! Palaka for dinner? Seriously?" anya nito atsaka ako nilagpasan. Kalalaking tao kung makaarte daig pa ang bakla.
Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko at naglakad na parang walang nangyari. Ang kaninang medyo magandang mood ko ay napalitan ulit nang inis nang mapatid at makita ang mukha ni hinayupak.
Hay. Double kill.
Inis at nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang napakayabang na paglalakd na Aze sa pathway. Ang paraan nang pagbitbit nya nang bag at ang paraan nya nang paglalakad na parang pinagmamayabang nya ang sabatos nyang branded. Kumulo yung dugo ko nang nakangisi nyang dumbu-in ang magkakaibigan na nerd na naglalalad lang sa pathway at wala namang ginagawang masama sa kanya.
Tinignan lamang sya nang mga ito at sila pa ang yumuko at tumigil. Ang isa naman ay parang nagtitimpi pero agad din syang inilingan nung mga kasama nya.
Bahagya akong nagulat nang bigla nya akong linguni at pagkunutan nang noo.
"Bilis! Ang tagal mo!" sigaw nya at bahagyang huminto para hintayin ako.
Di nya ba kayang maglakad nang walang kasama?
"Sandali! Demanding nito" sigaw ko rin. Palibhasa kasi ay mas malalaki ang mga legs nya kumapra sa akin kaya mas mabilis syang maglakad.
Nang makatapat sa kanya ay bigla nyang iniabot sa akin ang bag nya at manguna maglakad.
Ah. Kaya pala. Bwisit.
"Tss" singhal ko at sumunod na sa kanya.
Naglalakad lang ako hanggang sa marating ko na ang gate nang makitang huminto si Aze sa parking lot at nilingon ako.
"Tara na! Sakay na!" anya nito at sumakay na sa driver seat.
Tinignan ko lang sya at nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang gate at tuluyan nang lumabas sa school.
Ayoko sumakay sa sasakyan nya! Makita ko palang yung pagmumukha nya kumukulo na dugo ko. Hoo! Kalma Elie! Kailangan mo nang sanayin ang sarili mong makita ang pagmumukha ni hinayupak.
Atsaka bibili din kasi ako nang barbecue sa mga nagtitinda dyan sa daan.
Nang makalabas nang school ay tinahak ko na ang mahaba-habang kalsada na daraanan ko. Hanggang palengke lang naman ang lalakarin ko at sasakay na ako nang jeep para makauwi. Malayo ang bahay namin kaya hindi ko kayang maglakad nang gantong madilim na.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pinagmasdan ang mga punong nadaraanan ko. Minsan ay napapasulyap sa kalangitan at sa mga nagnining-ning na bituwin at maliwanag na buwan. Pero agad ko ring inaalis ang tingin ko dito at ibabaling sa daan dahil baka mapatid na naman ako at tuluyan na nga makahuli nang palaka.
Napapaubo ako sa tuwing nadaraanan ako nang mga sasakyan na grabe ang buga nang usok sa tambotso nila.
Kaya nagkaka-air pollution eh!
Napalingon at gulat ako nang makita ang sasakyan na kulay grey at ang lalaking nakadungaw sa bintana at bahagyang pinipindot ang busina nang sasakyan kaya naglilikha ito nang maingay na tunog. Walang iba kundi si hinayupak. Aze.
"Hindi ka ba sasakay?!" tanong nito.
"Hindi! Mauna kana, bibili pa ako nang baebecue" sagot ko at pinagpatuloy na ang paglalakad.
"Akala ko ba palaka ang ulam mo?" nakangising anya nito. Napahinto ako sa paglalakad at napangisi rin sa sinabi niya.
"Paborito mo talaga yun no? Hayaan mo ipagluluto bukas nang adobong palaka" nakangising sabi ko, mukhang napikon naman ang loko atsaka umupo na nang maayos sa loob nang kotse at pinaharurot na nga nang tuluyan.
Pikon pala eh! Weak! Paniguradong nandiri yun sa sinabi ko.
Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at nagumpisang magmuni-muni. Nang makarating ako sa palengke ay mga sasakyan at usok mga ito ang bumungad sa akin. Pati na rin ang mga tindera na diterminadong mapaubos ang mga ibat ibang tinda nila para lang may makaipon nang salapi pangbili nang pagkain na i-uuwi sa pamilya nila.
"Bili ka na neng!"
"Anong hanap mo ading?"
"Magaganda tinda namin ngayon!"
"Mura lang to nak!"
Yan ang mga naririnig ko tuwing dumadaan ako sa mga tindera. Mga pambansang linya nila para makabenta.
Kumalam ang sikmura ko nang mapadaan at maamoy ang masasarap na pagkain sa isang fast food chain. Sandali akong natigil at tinignan ang mga menu na nakapaskil sa labas. Naghinayang ako nang makitang ang mahal nang presyo nang isang meal lang.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at napadaan sa isang pamilyang nakaupo sa loob at nakapwesto ang lamesa sa gilid nang see through glass wall kaya kapag napapadaan ang mga tao sa labas ay nakikita nila ang mga taong nasa loob nang fast food.
Masayang nagkwe-kwentuhan ang babaeng kasing edad lang ni mama at lalaking kasing edad lang din ni mama kasama ang dalawa siguro nilang anak. Ang isang lalaking anak ay masayang kumakain ang isang babae naman ay nakatutok lang sa cellphone at parang walang gana.
"Kumain ka na Nicole! Ibaba mo muna ang cellphone mo" sabi nung babaeng mama siguro nila.
"Ayoko nga! Kung gusto nyo kayo na lang kumain!" masungit at naiiritang sagot naman nung babaeng anak atsaka bumalik sa pagse-cellphone.
"Alam mo bang maraming taong nagugutom ngayon? Samantalang ikaw ay sinasayang mo lang" iiling-iling na anya ulit nung mama nila dahilan para ika-ikot nang mata nung anak nilang babae.
"Kung kakainin ko ba to, mabubusog ba ang mga batang kawawang nagugutom sa daan?" pabalng na sagot nung babae kaya napahilot na lamang sa sentido ang kanyang ina.
Napailing-iling ako sa narinig at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ang tao ngayon ay ginagawang normal ang apgsasayang nang pagkain. Nawawalan na rin sila ang respeto at mas inu-una ang gadget.
Tama nga ba ang bata na kapag kinain nya ang pagkain na nakahain sa kanya, mabubusog nga ba ang mga ibang batang nagugutom? Mawawakasan nga bang ang tag-gutom? Matutugunan nga ba ang parami na nang paraming kaso nang mga namamatay sa gutom?
Kung tatanungin ka nang magulang mo at ganun ang isasagot mo, sa tingin mo ay tama iyon?
Kasi para sa akin ay MALI. Ang mga sagot na yan ay dahilan lamang sa mga batang tamad kumain. Na yun na nga lang ang gagawin nila kumpara sa mgahapong pagtra-trabaho nang kanilang magulang ay hindi pa nila magawa. Kung para sa yo ay tama. Pasensya na dahil magkaiba tayo nang pananaw.
Alam kong lahat tayo ay naranasan na rin ang ganun. Ang mawalan ang gana sa pagkain at balewalain na lang ito nang tuluyan. Pero pwede nyo bang imulat ang mga mata nyo upang makita ang tama, dahil ako ay tuluyang iminulat ang mga mata sa tulong nang aking ina. Ganun din ako sa batang babae, pero noon yun. Dahil nang sa murang edad ay nakita ko kung paano manghingi nang pera ang mga ibang bata sa lansangan para lamang may maibili nang pagkain.
Nang makita ang mga iyon ay sinubukan kong kainin ang mga pagkaing nasa harapan ko. Sa bawat pagsubo ko nag pagkain ay unti-unti kong napapahalgahan ang mga bagay na meron sa akin. Napapahalagahan ko ang mga bagay na iyon hanggang sa araw-araw ay ganahan na akong kainin at nam-namin ang mga pagkain nang hindi napipilitan kundi tuluyan nang nakikita ang halaga nito sa ating buhay.
Dahil hindi tayo mabubuhay kung wala ang mga ito.
Unti-unti kong napapahalagahan ang mga bawat bagay, at pagkain maliit man to o malaki. At yun ang gustong ipunto nang ating mga magulang. Kagaya nang sinabi nang babae kanina. Na maraming nagugutom ngayon samantalang ikaw ay sinasayang lamang ang mga pagkain na dapat sana ay pahalagahan mo dahip isa ka sa mga taong swerteng nakakasubo nang kanin at ulam kumpara sa mga taong namumuhay nang isang kahid, isang tuka.
At ang pagpapahalaga mo sa bawat bagay ay may magandang dulot. Dahil sa oras na napahalagahan mo ang mga ito ay hindi mo na magagawang magsayang pa nang kahit isang butil nang kanin. At sa oras na magising ka at mapagtantong, simula sa araw na ito ay hindi ka na magsasayang. At sa oras na iyon, hindi mo man masusulosyunan ang problemang maraming nagugutom, mababawasan naman ang libo-libong taong walang ibang ginawa kundi magsayang. Sa pamamagitan nito ay pwede mong mabago ang mundo nang tuluyan
At yun ang pananaw ko sa aking buhay. Itinuro nang mama ko ito upang tuluyan kong maimulat ang mata ko sa reyalidad na kailangan nating harapin sa araw araw na pagsuong natin sa kinabukasan.
Napangiti ako at dinaman ang malamig na hangin habang naglalakad.
Salamat mama, sa pagpapaintindi sa akin nang ganitong bagay.