Elie's POV
"Luh! Ang creepy"
"Problema ni ateng baguhan s***h the body guard?"
"Di 'ko alam"
"Girls! Alis na nga tayo, baka mahawaan pa tayo ng kabaliwan nyang the body guard!"
"Yeah right!"
Napatingin ako sa mga babaeng bulungan ng bulungan sa gilid. Agad naman silang nagsialisan ng makitang nakatingin ako sa kanila.
Problema nung mga nun?
Binalewala ko na lang ang mga napansin at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Tigilan mo nga yang kakangiti mo!" napatingin ako sa bwisit na hinayupak na nasa tabi ko na matapos makipaglandian sa mga babae dun sa bench.
"Tss."
"Mukha kang tanga sa itsura mo!" sigaw na naman nya.
"Paki mo ba?! Ngayong nakangiti yung tao, todo lait pa din" Mahinang pabulong ko.
Bwisit na talaga! Bakit ba pinoproblema nila kung nakangiti ako o hindi!
Nakasimangot na akong tumingin sa dinadaanan upang tahakin ang daan papunta sa classroom.
"Ayan mas mabuti na yan!" sinamaan ko ng tingin si hinayupak ng ipatong nya ang mga braso nya sa ulo ko at nakangising sinalubong nya ang mga titig ko.
Palibhasa kasi mas matangkad sya sa akin. Tss.
"Gusto mo bang baliin ko yang hinayupak mong braso?!" mahinahong tanong ko sa kanya habang ang paningin ay nasa daan na.
"Nye! Nye! Nye! Nye!" pang aasar nya sa akin na akala mo ay bata pa.
Ang tanda tanda na pero pang kinder pa rin ang utak!
Agad na kumaway sa akin si Andrew at si yung nerd na nakilala ko sa cafeteria.
Di ko pala alam pangalan nun.
Tumango lang ako sa kanila atsaka dumiretso sa upuan para ilagay ang bag ko dun. Napatingin ako dun sa hinayupak na nasa labas pa at nakadungaw sa bintana at-------
"Wag!" huli na ng maisigaw ko yun dahil naibato nya na sa ere yung bag nya patungo sa ulo nung kaklase naming lalaki imbes na sa sarili nyang upuan. Kitang kita ko kung paano lumanding sa mukha nya yung bag ng hinayupak.
Shutanginamers!
"Pfft! Hahahaha!" napatingin ako dun sa hinayupak na may gana pang tumawa.
Nanlaki ang mga mata ko nung bigla na lang sya sugudin nung nabato nya kanina at walang ano anuy bigla syang sinuntok nito dahil para mapahiga sya sa sahig.
Lalapit na sana ako para awatin sila pero napangiwi na lang ako ng tuloy pa rin ang tawa ng hinayupak matapos syang suntukin at kwelyuhan nung lalaki.
Tss. Sige lang bugbugin mo!
Uupo pa sana ako at panoorin silang magbugbugang dalawa ng bigla na lang may lumapit na dalawang lalaki at balak pa atang pagtulungan si hinayupak.
Agad na akong pumagitna sa kanila.
Magsasalit pa lang sana ako nung bigla na lang dumapo sa akin yung kamao nung lalaki. Napahawak ako sa pnga ko sa lakas ng impak nito sa akin. Nalalasahan ko na din ang dugo sa gilid nang labi ko.
"Paharang harang kasi eh!" sigaw nung lalaking nakasapak sa akin bago ako itulak dahilan para mapasubsub ako sa sahig. Narinig ko naman ang impit na tawanan ng iba.
Tumayo na ako at walang alinlangang sinapak din sya.
"Gago" mahinang bulong ko.
"Hoy! Bakit ikaw ang sumapak?!" tanong nung hinayupak na nakatayo na sa tabi ko.
"Di naman ako makakasapak dahil sa kagagawan mo!" asik ko naman habang tinitignan yung lalaki sa sahig na masama na ang titig sa akin.
"Tsh! Hahaha. Ayos yang sapak mo ah!" natatawang bulong nya sa akin.
"Eh kung ikaw kaya sapakin ko" bulong ko din sa kanya. Nag makeface lang sya na parang bata bago tumingin dun sa lalaki na nakatayo na rin at bahagyang nagpapatunong ng mga buto sa kamao.
"Kaya ko rin yan!" nakangising pangaasar ng hinayupak at saka sunod sunod na pinatunong ang kamao din nito sa buto.
Nilibot ko ang paningin ko nung magumpisang magpatunog ng mga buto ang lahat ng mga kaklase kong lalake maliban lang kay Andrew.
"Bakit ba kayo nag gagaganyan?!"
"Wala lang, ganda kaya!"
"Oo nga!"
"Nakaka relax kaya!"
Umugong ang mga tawanan ng mga kaklase ko ng mas lalong dumami ang mga gumagaya kay hinayupak at dun sa lalaking nanlilisik na talaga ang tingin nya sa amin ni Aze.
Nahinto lang ang tensyon na yun ng pumasok ang Lecturer namin at magsimulang magturo.
Umupo na ako sa upuan ko at saka itinuon ang atensyon sa Lecturer.
Nabaling ang atengsyon ko kay Aze the hinayupak ng bigla nya akong sikuhin sa tagiliran.
"Ano?" iritang tanong ko.
"Gisingin mo ako kung tapos na yung klase" mahinang bulong nya.
Ano? Gago ba sya?
"Shunga ka ba?!" mahinang bulong ko din pero ngisi lang ang natanggap ko sa hinayupak.
Ipinatong na nito ang ulo sa lamesa at nagsimula nang ngang matulog ang hinayupak.
Lintik!
Sinubukan ko pa syang gisingin pero tulog na talaga ito.
"Okay sinong gustong sumagot dito sa board?" nagulat ako ng biglang humarap at magtanong ang math lecturer namin. Inilibot nya ang paningin nya at sandaling kumunot ng dumapo iyon kay Aze.
Shuta!
"Aze! Uy!" mahinang bulong ko habang nakatingin dun sa teacher na papalapit na sa hinayupak.
Mahina kong sinisipa yung upuan nya, nagbabakasakaling magising pero ang hinayupak ay mahimbing na ang tulog.
Nang malapit makapunta sa amin yung lecturer ay malakas ko nang sinipa yung upuan ni Aze at saka tumayo at hinarap ang lecturer namin. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na bahagyang nahulog si Aze sa upuan nya.
Shuta! Sana naman hindi ako mapahamak, na naman!
"A-Ako na lang po ang m-magsasagot sa board" mautal utal na sabi ko sa lecturer na pinagtaasan lang ako ng kilay at saka ako dinumbo at lagpasan.
Napalingon ako kay Aze na gising na at nakatayo sa harap ng lecturer namin.
"Natutulog ka ba sa klase ko Mr. Carson?!" nanggagalaiting tanong nya kay Aze the hinayupak.
"Hindi ma'am hehehe, hinahanap ko po kasi yung ballpen ko" pagdadahilan ni Aze sa lecturer at ipinakita pa ang ballpen nya.
Tila ba nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan, at ang tinik na yun ay ang walang hiyang hinayupak na yun.
Pinaningkitan lang sya nung lecturer bago humarap sa akin.
"Okay ikaw na magsagot sa board" saad nung lecturer at saka bahagyang ngumisi.
Nagkibit balikat lang ako atsaka pumunta sa harap ng board para magsagot.
Buti na lang nakinig ako kanina.
Nang matapos ay binigay ko na sa lecturer ang tsalk na ginamit ko bago pinagpag ang kamay kong puno ng powder ng tsalk.
Singhal lang ang isinagot nya bago pumunta sa harap.
"Ganyan ang gayahin nyo! Hindi puro daldalan at landian sa katabi ang inaatupag nyo!"
"Yes ma'am!" walang ganang sagot ng mga kaklase ko na animoy lantang gulay.
"At kung may mahuli man ako ni isa sa inyong natutulog automatic dropped na kayo! Gets?!" sigaw ni lect. Bago padabog na lumabas.
Nagsilabasan na rin yung mga kaklase ko at nagkanya kanya nang gagawin na parang walang nangyaring sermunan.
Napailing na lang ako bago nilingon si hinayupak na natutulog na naman sa upuan nya.
Sinipa ko pa yung upuan nya pero wala akong narinig na pag angal.
"Hindi ka ba mag memeryenda?" tanong ko.
"Mamaya na!" si hinayupak.
"Tss. Edi wag bahala ka dyang magutom" pabulong ko.
Napalingon naman ako kay Andrew at kay nerd na parang may pinaguusapan.
Lumapit na lang ako sa kanila at nakiupo sa tabi nila.
Dito na lang din siguro ako.
"Hi Elie!" Andrew.
"H-Hi Im Caramel Diaz, Cara na lang!" bati ni nerd.
"Elie. Elieyanah Alerga" pagpapakilala ko sa sarili.
"Okay ka lang ba kanina?" tanong ni nerd este Cara.
"Okay lang naman galos lang to" sagot ko.
"May nasalihan ka na bang club or group?" tano ni Andrew.
"Wala pa eh, at saka hindi ko balak sumali sa kung saan" walang ganang sagot ko.
Napakamot sila ng ulo ng marinig ang sagot ko at saka natawa.
"Eh kasi Elie kailangan meron kang masasalihang club or gruop dito eh" Andrew.
Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya.
May ganon ba?
"Hindi ba pwedeng hindi sumali sa mga club or groups?" tanong ko.
Tango lang ang isinagot nilang dalawa.
"Ano bang talent mo?" Cara.
"Wala."
Nagugulat nila akong nilingon nung sinabi ko yun.
"Kahit na ano wala kang talent?" silang dalawa.
Eh sa wala akong talent eh.
"Well, uhm mahilig ako magbasa."
Noon pa lang ay kinahiligan ko na ang pagbabasa nung hindi na ako nakapagaral na kahit man lang ay may matutunan ako kahit hindi ako nag aaral.
"Alam ko na! Sali ka sa amin sa Book Addict! Mababait naman yung mga kasama ko dun eh!" Si cara na nagniningning pa yung mga mata.
Eh? Para namang Drug addict yung narinig ko.
"Sige, ikaw bahala" tipid na sagot ko.
Pero maya maya lang ay biglang lumungkot yung aura nya na parang may naalalang nakakalungkot na bagay.
Ano to bipolar?
"Pero dahil kaming mga member ng book addict ay walang naitutulong o nagagawa pag dating sa mga contest o program dito sa school, madalas ginagawa lang kaming alipin nung mga ibang clubs or groups. Linis dito linis doon, ganun lang ang madalas naming ginagawa tuwing may program" malungkot na saad nito.
Medyo nalungkot ako dahil sa sinabi nya. Nakakalungkot kasi hindi man lang nila bigyan ng halaga ang mga nahihilig sa pagbabasa.
"Okay lang yan, sanay naman akong mag linis eh" sagot ko dahilan para bahagya nyang ikangiti.
"Thank you!" masayang saad nya na bahagya pa akong niyakap. Tinapik ko na lang yung likod nya bago kumalas.
Nagkwento pa sila tungkol sa sa school kung paano na bubully ang mga walang nasalihang club. Kung gaano ka unfair ang buhay dito.
Well naniniwala naman ako sa life is not unfair. But yeah life is not unfair, only people are.
Sinabi nga nila walang perpektong tao pero malas lang natin dahil nakatira tayo sa mundong puno ng mga perfectionist. Mga taong walang ibang ginawa kundi ang manira at manghusga.
Tss. Nakaka stress ang mga mapanghusgang tao na wala namang maiiaambag sa mundong ito.
Lumipas ang oras at dumating na rin ang lecturer namin sa chemistry.
Pumunta na ako sa upuan ko dahilan para mapansing wala na si Aze the hinayupak.
Eh? San yun?
Nagkibit balikat lang ako at saka tuluyan ng umupo sa upuan.
Baka pumunta sa cr ang isang yun.
Napatango tango ako sa naisip bago nag focus sa dinidiscuss nung lect.
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin yung hinayupak na yun.
Nagpalinga linga ako sa buong classroom, inaasahang makikita ko ang pagmumukha nya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita na sya pero napalitan yung ng pagkagulat ng makita ko sya sa tapat ng bintana na nakalambitin sa lubid at bahagyang kumakaway sa akin.
Pinandilatan ko ng mata pero binalewala nya lang ito at mabilis na umakyat papataas gamit ang lubid kung saan sya nakalambitin kanina.
Ano na naman bang kalokohan to Aze?!
Hindi na ako mapakali sa upuan ko dahil sa baka mahulog si Aze the hinayupak. Hanggang Forth floor pa naman ang taas nito.
Balak nya bang magpakamatay? Sana sinabi nya na lang dahil ako mismo tatapos sa kanya.
"Do you have any problem Ms. Alerga?" nagulat ako ng nakatingin na sa akin yung lect namin sa chemistry pati na rin yung mga kaklase ko.
Hindi pa ako makaisip ng maisasagot, pero may naisip na akong magandang ideya para makalabas ako dito.
Sana lang hindi ito tumatak sa mga tarantadu kong kaklase.
"Ma'am m-masama po kasi ang pakiramdam ng t-tyan ko" desperadang sagot sabay himas sa tyan na akala mo'y masakit talaga.
Narinig ko naman ang mga impit na tawa ng mga kaklase ko pero binalewala ko na lang yun.
Mas importantong mapigilan ko kung ano mang binabalak ng hinayupak na yun.
Napangiwi lang sa akin yung lect at saka ako pinayagan na lumabas.
Kunwari pay hinihimas ko yung tyan ko para magmukhang totoo ang pag arte ko.
Inalok pa ako ni Andrew na samahan daw nya ako pero buti na lang at madali ko syang natanggihan.
Ng makalabas sa room ay agad na akong tumakbo papuntang rooftop.
Yun kasi ang unang pumasok sa isip ko pero kung sakali mang doon nga ang punta nya, ano namang gagawin nya dun?
Binilisan ko na ang pagtakbo, nahihiya naman ako sa mga nadudumbo ko na sinasamaan lang naman ako ng tingin.
Tinahak ko na ang daan papunta sa rooftop, medyo sumasakit na rin ang tuhod ko dahil sa mga hagdan.
Hingal na hingal bago ako makarating sa rooftop, hindi ko na sinayang ang oras at mabilis na pinihit ang pintuan upang mabuksan yun.
Hindi naman ako nabigo dahil nakabukas yun. Agad na nanlaki ang mata ko ng makitang hawak nya yung hose na naglalabas ng tubig atsaka yun itinutok sa mga nagpra practice sa baba ng building.
Nakita ko naman yung mga studyante na nababasa na at nagsisikuha ng payong, akala siguro nila umuulan.
Hindi rin kasi nag papakita yung hinayupak para hindi nila malaman na sya ang may pakana nun.
Agad na akong lumapit kay Aze at inagaw sa kanya yung hose dahilan para mabasa sya.
Oooppss
"Ano ba?! Basa na ako oh!" sigaw nya sa akin.
"Eh anong akala mo sa mga studyante sa baba, waterproof ba sila?" sigaw ko rin sa kanya.
"Ikaw, alam mo ang pakialamera mo?"
"Ano ba kasing mapapala mo sa ginagawa mo?" ako.
Tumahimik naman sya at parang napahiya sa sinabi ko, ilang segundo pa at tinignan nya na naman ako ng masama.
Nagulat ako ng bigla nyang agawin yung hose dahilan para ako naman ang nabasa.
Bwisit! Wala akong pampalit!
"Bwisit ka!" sigaw ko, tinawanan nya naman ako.
Lumapit na ako sa kanya at pilit na inaagaw yung hose. Bsang basa na kaming dalawa pero hindi pa rin sumusuko si hinayupak.
"Bitawan mo na!" Ako.
"Hindi! Ikaw bumitaw!" hinayupak.
Nagpatuloy lang kami sa pagaagawan ng may biglang umubo ng malakas sa gilid naman.
Nanlaki ang mga mata ko at dahan dahang lumingon sa gilid namin upang salubungin ang mga masasamang titig ng mga studyanteng nagpraparctice kanina sa baba. Nakita ko rin yung isang guard at yung teacher namin. Lahat sila ay basa na rin.
Paktay!
Agad naming nabitawan yung hose, nakita ko pa na bahagya akong itinuro ni hinayupak.
Nakakabwisit kang hinayupak ka!!!