"Maraming salamat po talaga aling Sita," nakangiting saad ko kay aling Sita. Sya kasi ang pansamantalang magbabantay sa mga kapatid ko tuwing wala ako.
Nang tanggapin ko ang trabahong inaalok ni Mr. Carson kasama na rin daw dun ang libreng pagpapaaral nila sa akin. Mag aaral ako sa eskwelahan kung saan magaaral si Aze. Ares University, ang pinakasikat na paaralan dito sa Pilipinas. Kasama sa trabaho kong bantayan sya sa eskwelahan.
Ano ba sya?! Kinder na hindi kayang alagaan at bantayan ang sarili!
Napabuntong hininga ako ng makita ang mga kapatid ko na kumakain kasama si aling Sita. Si aling Sita lang naman ang pinakamabait kong kapitbahay, maunawain at matulungin. Sya nga minsan ang tumatayong pangalawang nanay namin tuwing wala si nanay.
Napatingin ako sa salamin upang tignan ang uniporme kong sobrang ikli ng pangibaba. Pilit kong ibinababa ito pero pinapalo lang ni aling Sita ang kamay ko tuwing gagawin ko yun. Bagay daw naman sa akin dahil makinis at maputi ang binti ko na namana ko kay nanay, pero hindi pa rin ako kumportable. Maganda ang uniporme, puting longsleeve na may mahaba at dark blue na necktie, dark blue naman ang coat, gayun na rin ang skirt. Puting medyas na abot hanggang tuhod at itim na black shoes.
Ang init init sa pilipinas pero bakit ganto ang uniporme namin. Kabibigay lang ito kahapon ni Mr. Colton ng pumunta sila dito sa bahay.
Nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at kay aling Sita bago umalis.
Sumakay na ako ng dyip upang magtungo sa skwelahan. Namamangha kong pinagmasdan ang labas pa lamang ng skwelahan na papasukan ko. Medyo nanliit ako sa sarili ng makitang lahat ng mga estudyante sa paaralang ito ay nagsisibabaan sa sarili nilang magagarang kotse.
Tss. Andito naman ako para magaral, hindi para makipagyabangan!
Papasok na sana ako ng may biglang humila sa braso ko dahilan para mapahinto ako. Nagugulat ko itong nilingon at bumungad sa akin ang isang kahon ng cellphone. Kumunot ang noo ko ng sumilip ang mukha ng hinayupak. Malawak ang pagkakangiti nito bago kumunot ang noo ng tignan ko lang ito ng nagtataka.
Anong problema nito?
"Oh, gamitin mo daw sabi ni dad" aniya nya bago inihagis sa akin ang kahon ng cellphone na agad ko namang nasalo bago ito mahulog.
"Okay" tugon ko naman at saka isinuksok sa loob ng bag ko bago tumingin sa kanya.
"Pwede bang ngumiti ka naman! Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Mamaya isipin nilang baliw ang personal body guard ko!" iritadong sabi nya bago inabot sa akin ang bag nya, nagsuot ng shades at nangunang maglakad.
Kailangan ba nakangiti para hindi mag mukhang baliw?! Tanga ba sya?! Mas iisipin ko pang baliw yung ngi-ngiti ngiti kahit wala namang nakakatuwa! Tss.
Bugnot akong sumunod sa kanya at hindi maiwasang mapatingin sa paligid. Napakaganda nga talaga ng eskwelahan na 'to. Nagtataasang building ganon na din ang mga punong nakapalibot dito. Napakalawak na field kung saan makikita ang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Itinuon ko na ang atensyon ko sa daraanan at bahagyang napangiwi ng makita ang mga babaeng tili ng tili sa isang gild ang iba naman ay nagtutulakan pa.
Anong meron sa mga to?
Napatingon ako sa unahan ko ng makitang pinagkakaguluhan na ang hinayupak.
Patay ako nito kay Mr. Colton!
Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan nila at pinagtutulak yung mga estudyanteng lapit ng lapit dun sa hinayupak.
"Ano ba?!"
"Argh! Wag ka ngang umepal dito!"
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Who is she?!"
"Bakit mo ba kami tinutulak?!"
Pilit ko silang pinapalayo pero lapit pa rin sila ng lapit kaya ending, nakasalampak na ako ngayon sa sahig.
Ano ba yan! Hearthrob ba yun dito?!
"Ayos ka lang ba?!" napatingin ako dun sa lalaking naka salamin na biglang sumulpot sa harap ko at bahagyang nakalahad ang mga kamay nito sa akin.
"Okay lang" saad ko naman at hindi tinanggap ang kamay nya at kusang tumayo. Napapahiya nya naman ito binawi at saka ngumiti.
"Pasensya ka na sa mga yun ah! Sikat kasi si Aze dito eh!" napapakamot sa batok na aniya.
"Ah. Sikat pala ang hinayupak" mahinang bulong ko.
"A-Ano?" nagtatakang tanong nya sa akin.
"Wala" saad ko at saka pinagpag ang uniporme ko at saka naglakad ulit.
Nakita ko naman syang humabol at tumabi sa akin maglakad.
"I'm Andrew Valerio, president of student council" napalingon ako sa kanya ng magsimula syang mag pakilala. Tumango naman ako at sa ka nagpatuloy sa paglalakad, narinig ko naman syang tumawa pero hindi ko na yun pinansin.
"Elieyanah Alerga" pakilala ko naman habang nililibot ang mata sa kabuuan ng field na nadadaanan namin ngayon.
"Ah! Ikaw pala yun!" natutuwang sabi nya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at kunot noong harapin sya.
"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nakita ko kasi ang pangalan mo sa mga transferees. Section B ka rin katulad ko!" nakangiting aniya nya at parang kinikilig bago nagpatuloy sa paglalakad.
Bakla ba yun?!
Ngayon alam ko na kung anong section ako. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad bago marating ang isang room na may nakaukit na Section B.
Pumasok na kami at sumalubong sa amin ang napakaraming papel sa sahig.
Eh? Anong nangyari rito?!
Nakita ko naman ang hinyupak na nakikipagtawanan sa mga lalaki sa likod. Pinili ko ng umupo sa tabi nya dahil bakante naman iyon. Naalala ko ko kasi yung sinabi ni Mr. Colton, Three Rules.
"Rule One, wag mong hahayaang mawala ang paningin mo sa kanya"
Uupo na sana ako ng biglang may humatak sa bag ko at naramdaman ko na lang ang pag angat ng mga paa ko sa ere. Sinaman ko naman ang hinayupak na ang lawak ng pagkakangisi sa harap ko.
"Sinong may sabing pwede kang umupo sa tabi ko?" nakangising aniya.
Ngumisi lang ako sa kanya at saka sya sinipa sa tuhod nya dahilan para mabitawan nya ako.
"Rule Two, pwede mo syang batukan, sipain o kahit na ano kung may ginawa man syang katarantaduhan" nakangising saad ni Mr. Colton, ako naman ay nagulat dahil sa sinabi nya.
"P-po?" nagtatakang tanong ko pero tawa lang ang sinagot nito.
"Ano ba?! Bakit mo ako sinipa?!" galit na tanong nito sa akin.
"Eh bakit mo ako inangat?!" sigaw ko naman sa kanya. Mas lalo naman syang namula at galit na nakatingin sa akin.
"Personal guard kita kaya dapat hindi mo ginagawa yun!" mahinang sigaw nya.
"May pahintulot ako ng daddy mo!" mahinang sigaw ko din sa kanya. Napa-awang naman yung bibig nya dahil sa sinabi ko.
Ilang saglit pa ay lumingon sya sa akin at saka ngumisi. Napaatras naman ako ng magumpisa syang humakbang papalapit sa akin.
"A-Ano bang ginagawa mo?!" hindi ko na mapigilang sumigaw ng tuluyan nya na akong nacorner ng sandaling lumapat ang likod ko sa pader.
"Pwes, Hindi ko hahayaang magiging maganda ang buhay mo bilang personal guard ko" mahinang bulong nito bago umalis at nagtungo sa sarili nyang upuan.
Tss. Kala nya matatakot ako?! Edi magpakahirap syang pahirapan ako!
Umupo na ako sa sarili kong upuan. Nakita ko pa si Andrew na nagaalalang nakatingin sa akin pero tinanguan ko na lang sya bago humarap sa board.
"Hindi man lang ba kayo marunong maglinis! Naturingang model section, napakadudugyot naman!" angil nung babaeng lecturer namin bago nagumpisang magsulat sa board.
Nagulat ako nung magsimula ang mga lalaki sa pagbato ng papel dun sa lecturer na nagsusulat sa harap ng board. Masama naman itong lumingon sa amin at saka nilibot ang paningin at huminto iyon......
..... sa akin?
Nagtataka kong nilibot ang paningin ko at halos lahat ng lalaki ay nakaturo sa akin, except lang kay Andrew.
Lumapit naman yung lecturer sa akin at bahagya akong hinawakan sa kwelyo dahilan para mapatayo ako sa kinauupuan ko.
Paktay! Bwisit!
Napalingon naman ako kay Aze na ang lawak na nang pag kakangisi at bahagya pa akong tinataasan ng kilay. Nakita ko naman ang palihim na pakikipag-apir nya sa mga nasa likod na nakangisi na rin.
Humanda ka sa aking hinayupak ka!!
"Transferee?" nakangising tanong nya sa akin.
"O-opo" napapalunok kong saad. Ngumisi lang ito sa akin bago ako hinila dun sa likod.
Kaya ending? Nandito ako ngayon sa likod, naka hawak naman ng libro ang magkabila kong kamay. Pati rin ang ulo ko ay pinatungan ng libro nung lecturer. At ang mas masaklap pa ay kung may mahulog akong libro dadagdagan pa nila ng mas maraming libro. Kaya hanggat maari ay hindi ako gumagalaw para lang walang mahulog na libro.
Mukha tuloy akong scarecrow!
Nakita ko naman ang mga kaklase kong tawa ng tawa. Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanila at saka itinuon sa board ang atensyon.
Nangmatapos ang klase ay dali dali ko nang ibinaba ang mga libro sa kamay at ulo ko. Napasandal ako sa upuan para kumuha ng suporta dahil parang anumang oras ay matutumba na ako.
"Tara sa cafeteria" napalingon naman ako kay Andrew na nakaupo sa gilid ko.
Tatayo pa lang sana ako pero bigla na namang binato sa akin ng hinayupak yung bwisit na bag nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero di-dila dila lang syang lumabas ng room.
"Bwisit!" hindi ko na mapigilang mairita dahil sa hinayupak na yun.
"Samahan na lang kita" natatawang aniya ni Andrew at saka tumayo.
"Sige" tumango na lang ako at saka sumabay na sa kanyang lumabas sa room.
Nakita ko naman si Aze the hinayupak na panay ang kaway sa mga babaeng puro tili ang ginawa.
"Pasensya na pala yung kanina, bago ka pa lang dito ganun na ang naging bungad namin sayo. Pero hindi naman lahat ng estudyante dito sa Ares University ay masasama ang ugali" nahihiyang saad ni Andrew napatango lang ako at saka ipinagpatuloy ang pakikinig.
"Oh! Look at them!"
"Hahaha!"
"Anong meron sa kanila?!"
"Pfft! Nagsama ang nerd at ang baguhan!"
"Hahaha!"
Napatingin naman ako sa mga malalanding babaeng walang ginawa kung di magbulungan. Nagtataka ko namang tinignan si Andrew na nakatungo na ngayon habang naglalakad.
"Diba ikaw ang student council dito?" tanong ko kay Andrew na napatingin sa akin pero bigla din lang nag iwas ng tingin.
"Ako nga" tipid na sagot nya pero hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Eh bakit hindi ka man lang nila respetuhin bilang pagiging president mo?" tanong ko pero ngiti lang ang isinagot nya. Nagtataka man ay hindi ko na lang binuksan ang usapin na yun, mukhang ayaw nya sa ganoong topic eh.
Pumasok na kami sa loob ng cafeteria, pero nagulat ako ng makitang binubuhusan ng juice ni Aze the hinayupak yung pagkain nung ateng nerd. Napapikit na lang ako sa inis ng maalala ang isa sa mga rule ni Mr. Colton
"Rule Three, wag mong hahayaang gumawa sya ng gulo at wag mong hahayaang magsimula sya ng away sa ibang tao"
Agad akong lumapit sa kanya at saka sya walang habas na piningot sa tenga hanggang sa mamula.
"Argh! Ano ba! Bitawan mo nga yang tenga ko!" inis na sigaw nya sa akin. Binitawan ko naman yun at saka humalukipkip sa harap nya.
"Wag ka ngang makialam dito personal guard!" sigaw nya sa akin dahilan para magbulungan ang mga estudyanteng nakapalibot na pala sa amin. Hindi ko naman sya pinansin at saka lumapit dun sa nerd.
"Pasensya na---" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nung hilahin nung hinayupak yung braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Ano na naman ba?" inis man ay pinanatili kong blanko ang reaction ko dahil parang ilang sandali na lang ay makakasapak na 'ko. Napangiwi naman sya sa akin pero napalitan ito ng nakakalokong ngisi.
"Pakialamera" anya at saka kinuha ang juice at saka binuhos sa akin bago ako tinulak sa sahig.
Napapikit na lang ako sa inis bago tumayo at saka inihagis sa kanya ang bag nya dahilan para tamaan sya sa ulo.
"Tss. Bitbitin mo yang bag mo!" sigaw ko sa kanya at saka umupo sa katabing upuan ni ateng nerd. Inabutan naman ako ni Andrew ng tissue para ipangpunas sa ulo kong binuhusan ng juice ng hinayupak.
Gusto kong bugbugin yang bwisit na hinayupak na yan, pero hanggang pingot at sipa lang dahil sya yung tao na kailangan kong protektahan!
Ang hilig kasing gumawa ng gulo eh! At saka bakit ako pa ang kailangang maging personal body guard nya?!
"Uy sinira mo na yung tissue" napatingin ako kay Andrew na nakatingin dun sa tissue at bahagya pang lumulunok lunok. Napatingin naman ako dun sa tissue na gutay gutay na.
Napatingin naman ako dun sa nerd na nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko lang sila ng tingin at saka kami nagumpisang kumain.
Nagtungo na ako sa Cr para magpalit ng uniporme. Mabuti na lang talaga at may baon akong extra uniform. Pumasok na ako sa dulong cubicle at saka nagpalit. Narinig ko naman ang mga tawanan nung mga babae sa labas ng cubicle at ang pagbukas ng mga gripo sa lababo.
"Hahaha sinabi mo pa!"
"Ang lakas ng loob ng transferee na yun na kalabanin si Aze my love"
"Anong pangalan nung babaeng trasferee?"
"I don't know her name eh, atsaka wala naman akong pakialam sa pangalan nya"
"Oo nga, for sure pangit ang pangalan nun, kasing pangit nya!"
"Hahaha! And oh, nakita nyo ba yung facial expression nya?!"
"Oo! Wala man lang makikitang reaksyon sa kanya"
"Hahaha yeah right"
Yan lang naman yung mga narinig kong usapan ng mga babaeng maarte.
Kung tatanungin nyo kung bakit hindi ako ngumingiti? Wala lang. Tss. Ngumingiti din naman ako, pero madalang lang. May problema ba dun?!
Kailangan ba palaging nakangiti?!
Problema ba nila kung hindi ako ngingiti?!