"Ano! Ayoko!" inis na sigaw ko sa kanya. Tumayo na ako para maghugas ng pinggan na pinagkainan namin kanina.
"Tanggapin mo na Elie, diba kaylangan mo naman ngayon ng mas maraming trabaho?!" pangkukulit sa akin ni Talia. Mabilis ko naman syang hinarap at sinenyasan na tumahimik.
"Wag ka nga maingay Natalia Zale, ayoko...... hindi ko tatanggapin yun," mahinang saad ko at pinagpatuloy na ang ginagawa.
"Diba kailangan mo ng pera? Pinapaalis na si tita Athena sa ospital, kulang din ang kinikita mo para sa pang araw araw nyo. Hay naku! Ikaw bahala!" saad nya pa bago sya umalis.
Natigil ako sa ginagawa ko at hindi maiwasang mapaisip. Marahil totoo nga ang sinasabi nya, kailangan ko ng malaking halaga. Pero kakayanin ko ba ang trabaho na yun. Paniguradong impyerno ang mararanasan ko araw araw kung balak ko mang pasukin yun.
Ang pagiging body guard ng isang kilalang sakit sa ulo ng bayan. Aze Nikael Carson.
–––One week ago––––
Napangiti ako ng makita ang mga kapatid kong mahimbing na natutulog. Bumangon na ako at saka nag tungo sa kusina. Napabungtong hininga ako ng makitang wala pala akong pwedeng lutuin, naubos na ang maliit na stock namin ng pagkain na binili ko nang isang linggo.
Napaupo na lang ako at saka uminom ng tatlong baso ng tubing. Maghahanap na lang ako ng mauutangan ng sa gayon ay may makain ang mga kapatid ko.
"Ate saan ka pupunta?" napalingon ako sa likod ko ng madinig ang boses ng kapatid kong babae.
"Pupunta lang muna si Ate sa palengke. Alli, bantayan mo ang kapatid mo ah," paalala ko sa kanya, mgumiti naman sya at saka tumango. Ginulo ko naman ang buhok nya at saka sya niyakap bago umalis.
Nagtungo na ako sa palengke upang humingi ng advanced payment sa pinagtra-trabahuan ko. Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ang isang lalaking naninigarilyo at may nakakandung na babae sa kanya at nakikipagharutan. Sya ang dahilan kung bakit kami naghihirap ngayon pero heto lang sya at nagpapakasarap sa buhay, malayang nagpapakasaya sa kabila ng pagsira nya sa buhay namin.
Agad akong umiwas ng tingin bago pa man tumulo ang mga luha ko. Naa-awa ako sa mga kapatid ko dahil hindi man nila sabihin, alam kong nahihirapan sila sa estado ng buhay namin.
Pumasok na ako sa isang coffee shop at hinanap ang boss ko. Napapikit naman sya nung makita nya ako, hindi ko na maiwasang mapatungo dahil alam ko na ang sasabihin nya.
"Advanced payment na naman ba? Elieyanah Alerga?" tanong nya. Nahihiya man pero kailangan ko talagang gawin ito.
"Opo ma'am, naubos po kasi ang suweldo ka sa pagpapagamot sa nanay ko," nahihiyang wika ko. Nakita ko naman syang napakamot sa ulo at saka humalukipkip sa harap ko.
"Aba eh kung magtutuloy tuloy yan, hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka! Naiintindihan ko naman na may binubuhay ka pero unfair din kasi sa mga nagtratrabaho dito, sa mga nanghihingi din ng advanced payment!" mataray na wika nito sa akin at saka may inabot na puting sobre. Nagliwanag naman ang mukha ko at saka nakangiting tumingin sa kanya.
"Maraming salamat po! Pangako hindi na po mauulit!" masayang sambit ko bago lumabas. Hindi ko naman maiwasang malungkot sa mga nais ding humingi ng advanced payment. Ganto nga talaga ang buhay.
Nagtungo muna ako sa ospital upang bisitahin si nanay. Pumunta na ako sa kwartong tinutuluyan ni nanay at saka sya niyakap. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga guard at ibang nurse. Nagtataka ko silang tinignan ng simulan nilang alisin ang mga makinang nakakabit sa kanya.
"Saan nyo dadalhin ang nanay ko?!" naguguluhang tanong ko sa kanila bago lumapit at pigilan ang mga ginagawa nila.
"Ma'am, pasensya na po pero ito po ang utos sa amin. Ilang araw na rin po kayong hindi nakakabayad," nabaling ang atensyon ko sa doktor ng sabihin nya yun. Napailing iling naman ako at saka walang alin langang lumuhod sa harap nya. Hindi ko na napigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Pakiusap.... pakiusap, bigyan nyo pa po ako ng isang pagkakataon! Magbabayad po ako!" patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha ng sabihin ko yun. Agad kong kinuha ang advanced payment ko kanina at saka binigay dun sa doktor. Kinuha ko na rin ang natitira kong pero na gusot gusot pa nang ibigay ko yun sa doktor.
Wala na silang nagawa at umalis na lang. Napahagulgol ako at saka mabilis na niyakap si nanay.
Matamlay akong lumabas ng ospital. Napahilamos ako dahil wala na ang pera na dapat sana ay pangtawid sa amin ng mga kapatid ko. Wala akong choice kundi ang maglakad na lang pabalik sa bahay. Napaupo ako sa isang gilid para magpahinga dahil sa pagod ng magsimula ako sa paglalakad. Naalala ko ang shortcut na tinuro sa akin ni Talia. Napagdesisyunan kong tahakin na lang ang shortcut para mabilis akong makarating sa bahay, mabuti na lang dahil matalas ang memorya ko para maalala ang tamang daan.
Napakunot ang noo ko nang may marinig na boses ng mga lalaki na nanggagaling sa liblib na lugar. Bahagya ko namang sinilip yun at nakitang may mga grupo nga ng mga lalaki na parang nakikipag away dun sa kaharap nilang isa pang lalaki. Mag isa lang nito at parang pamilyar sa akin. Hindi ko na sila pinansin at umalis na dun. Maglalakad na sana ako ng bigla ako tawagin nung isang lalaki. Napalingon ako sa kanila ng tawagin ako nung lalaking pamilyar sa mga mata ko.
"Sya yun! Maniwala kayo sa akin!" nagulat ako ng tukuyin ako ng lalaking alam ko na kung sino, tss. Sakit ng ulo ng bayan.
"Ako?!" turo ko sa sarili ko tumango naman silang lahat. Lumapit naman ako sa kanila at bugnot na tinignan sila.
"Ikaw ba yung nambato sa amin?!" sigaw nung isang maliit na lalaki na may hawak ng sobrang kapal na kahoy.
"Hindi ko––––––"
"Wag ka nang mag maang maangan, nakita kita eh! Naku mga boss, pipigilan ko pa dapat sya eh, kaso ayaw mag paawat," i-iling iling na sabi nung hinayupak na salot sa lipunan. Katabi ko sya ngayon at bahagyang akong hinaharap dun sa mga grupo ng lalaki. Magsasalita pa sana ako pero wala na akong nagawa nung makitang pasugod na sila sa akin.
Agad nilang hinampas sa akin ang mga hawak nilang kahoy pero agad ko naman iyong naiwasan at saka sila sinipa sa dibdib dahilan para matumba sila. Sumugod na rin ako at saka sila pinagsusuntok at pinagsisipa sa mukha. Nakita ko naman yung hinayupak na todo sa cheer, akala mo nanunuod ng boxing. Pinagpag ko na yung soot ko ng mapatumba ko silang lahat. Napangiwi ako ng makitang hindi na halos sila makatayo sa pinagbagsakan nila.
Tss. Sabi ko hindi na ako papasok sa gulo eh!
"Ang galing!" matalim akong tumingin dun sa hinayupak na todo sa pag palakpak. Lumapit ako sa kanya at saka sya sinipa sa tuhod. Napadaing naman sya sa sobrang sakit.
"Argh! Ano ba?!" sigaw nya sa akin at saka hinimas himas yung tuhod.
"Eh gago ka eh!" sigaw ko din sa kanya.
"Hehehe galing mo kaya!" tatawa tawang sabi nya at saka umupo at tumingala sa akin.
"Tangnamong hinayupak!" sigaw ko sa kanya at saka sya kinaltukan bago umalis. Narinig ko pa yung tawa nya pero hindi ko na yun pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Nagmadali na ako ng maalalang hindi pa pala nagaalmusal yung mga kapatid ko.
Shit!
Pinagpag ko muna yung suot ko upang siguraduhing maayos at saka naginat inat bago dumiretso sa loob ng bahay.
"Ate!" masayang tawag sa akin nung nakababata kong kapatid na si Alliyah. Napatingin naman ako sa bunso naming kapatid na punong puno ng pansit ang bunganga at kumakaway sa akin.
"Hay naku! Nandito kana pala. Kung hindi pa ako pumunta dito hindi pa pala makakapag almusal yang mga kapatid mo!" napatingin ako kay Talia na busyng sinusubuan si Eros ng pansit at pandesal.
"Pasensya na, dinalaw ko pa kasi si nanay eh," umupo na rin ako at nagpalaman ng pansit sa pandesal.
"Kamusta naman ang nanay mo Elie?" tanong sa akin ni Talia. Napatingin ako sa mga kapatid ko na naghihintay rin sa aking pagsagot. Pilit naman akong ngumiti sa kanila na agad naman nilang sinuklian.
"Ayun, mabuti naman ang lagay ni nanay," pilit ang ngiting sagot ko bago umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Nang matapos kami ay pinagpasyahan na ni Talia na umalis. Nag abot pa sya sa akin ng one hundred pesos bago tuluyang umalis. Napangiti na lang ako nagpapasalamat na naging kaibigan ko si Talia. Masasandalan, masasabihan sa mga problema ko. Yung nga lang eh, masyadong madaldal ang isang yun. Daig pa si nanay kung manermon.
Lumipas ang ilang araw at bumisita ang mga tauhan ni Mr. Carson, inalok nila akong maging body guard nung hinayupak na anak ni Mr. Carson na si Aze Nikael Carson. Tumanggi ako sa inaalok nila, hindi ko ata kakayanin maging body guard ng isang yun. Marami syang kalokohan, at lahat ng yun ay hihilingin mo na sana hindi mo maranasan. Baka hindi ko din masyadong matutukan ang mga kapatid ko kung sakali mang tanggapin ko ang trabahong yun.
Ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ako ang gusto nilang kuhaning maging body guard nung hinayupak. Tumabi na ako sa mga kapatid ko at saka sila pinagmasdan. Hindi ko maiwasang maawa sa mga kapatid ko na butas butas na ang mga suot nila at medyo marumi. Naalala ko na kailangan na pala naming magbayad sa ospital para sa pagpapagamot kay nanay. Siguro ay kailangan ko na ngang tanggapin ang inaalok nila sa akin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang magluto ng almusal. Ginising ko na ang mga kapatid ko at pinaliguan bago kami dumulog sa mesa.
"Aalis ang ate ah! Eros, behave ka lang dito wag mong bibigayn ng sakit sa ulo ang ate Alli mo!" paalala ko sa kanila bago umalis. Yumakap muna sila sa akin at kumaway kaway.
Sumakay na ako ng trycicle upang magtungo sa mansion ng mga Carson. Madaming bumabagabag sa akin pero kailang kong magpakatatag para sa pamilya ko.
"Manong! Dito na po!" paalala ko dun sa trycicle driver na agad inihinto ang sasakyan. Bumaba na ako at nagpasalamat bago tumalikod at harapin ang pagkalaki laking mansion ng mga Carson. Napakapit ako ng mahigpit sa aking sling bag at hinuli ang mga takas kong buhok at iniipit iyon sa likod ng aking tenga. Napabuga pa ako ng hangin bago ko pindutin iyong door bell.
Ilang saglit pa nung may lumabas na maid at ngumiti sa akin.
"Ano iyon ineng?!" tanong nya sa akin ng makalapit ito sa akin.
"Andito po ba si Mr. Carson?!" tanong ko dun sa maid.
"Oo ineng andun sya sa loob! Bakit?!"
"Pakisabi po na nandito po si Elieyanah Alerga," sabi ko dun sa maid, tumango tango naman sya bago umalis at pumasok sa loob.
Ilang saglit pa nung dumating sya at sabihan ang mga guard na buksan ang gate para sa akin. Pumasok naman ako sa loob at hindi mapigilang mamangha sa laki at lawak ng kanilang mansion. Iginaya na ako ng maid sa loob ng bahay ng mga Carson. Pinaupo muna nya ako sa malawak nilang sofa sa living room bago binigyan ng ice cream at tinapay. Nahihiya man ay kinuha ko na yun at kinain habang hinihintay si Mr. Carson. Abala ako sa pagkain ng biglang may kumalabit sa akin. Nilingon ko naman iyon at bahagyang nagulat ng makita si hinayupak. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin dahil sa ginawa nyang pagdungaw sa akin mula sa likod.
"Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala pamilyar ka," saad nya at bahagya pa akong pinaningkitan. Umiwas naman ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagsipa sa tuhod ko," dagdag nya pa.
"Tss. Para namang humihingi ako ng tawad sayo," mahinang bulong ko.
"Ano yun?" nagulat ako ng bigla syang umupo sa tabi ko at agawin ang ice cream na kinakain ko.
Tss hinayupak talaga.
Hindi ko na sya pinansin at tumingin na lang sa bawat sulok ng bahay nila. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga mamahaling bagay na nandito. Nakaka out of place ang kagay kong papasok dito.
Nagulat ako ng makita may humampas sa braso nung hinayupak.
"Ginugulo ka ba nitong anak ko?!" napatayo ako bigla ng marinig ang boses ni Mr. Carson na nakangiti na sa akin.
"Aray! Dad!" giit naman ni Aze at saka hinawakan ang braso nyang hinampas nung daddy nya.
"Hindi naman po," sagot ko sa kanya. Tumango tango lang sya at saka ako pinaupo.
"So? Tinatanggap mo na ba nag alok ko?" tanong ni Mr. Carson at humigop sa kape nyang kadadala lang nung maid kanina.
"O-Opo," sagot ko.
"Okay! Ikaw na ngayon ang Personal guard nang anak kong si Aze!" nakangiting sabi ni Mr. Carson at nakipagkamay sa akin.
"What?! Dad!" angal naman ni Aze.
"Bakit?!" nakataas ang kilay na saad naman ni Mr. Carson at saka parang natatawa.
"Hindi ko naman kailangan ng personal guard! I'm not a baby anymore!" angal nya naman sa daddy nya.
"Ofcourse you're not, isip bata ka nga lang" tatawa tawang sabi naman nung daddy niya.
Nagulat ako ng may biglang sumigaw na babae at dali daling bumaba ng hagdan.
"Aze Nikael Carson!!" sigaw nito. Napatingin naman ako sa hinayupak na wala na sa tabi ko at kumaripas na ng takbo sa labas.
"Look dad! Ginupit nya yung bangs ko!" nanggagalaiting sigaw nung babae at saka pinakita sa amin yung bangs nya sobrang ikli at hindi pa pantay pantay.
"Sorry sis!" napangiwi naman ako ng marinig ang boses ni Aze sa labas na tatawa tawa pa.
"That's why he needs personal body guard" iiling iling na sabi nung daddy nila at saka humigop ulit ng kape.
"Pfft! Sis, you look terrible!" natatawang saad naman nung babaeng kakadating lang. Inayos niya ang buhok at salamin nito. Ngayon ko lang napansin na sobrang magkamukha sila. Kambal eh.
"Shut up! Sapphire!" nanggagalaiting sabi pa rin nung babaeng nagupitan ng bangs.
"Oh, hi there!" bati naman sa akin nung naka salamin bago umalis.
Nagpasalamat na rin ako kay Mr. Carson dahil sa pagtanggap nya sa akin sa trabaho. Napatingin naman ako sa babaeng parang pinagsukluban ng langit habang sinisuklay ang bangs nito.
Maisip pa lang na pwedeng gawin sa akin yun ng hinayupak, makakasapak na ako eh.
'Kaya ko ba?'