“Tumatalon ka ba tuwing bagong taon?” Tanong sa akin ni Aldous. “Hindi.” “Kaya pala.” Pang-aasar niya sa akin. Hinampas ko ang braso niya, “Hoy, sobra ka. Hindi naman totoo ‘yon.” Tukoy ko sa pamihiin na kailangan daw tumalon tuwing bagong taon para raw tumangkad. Tinawanan lang niya ako. Siraulo ‘to ah. Ipakain ko kaya ‘tong buhangin na laman ng sakong inapakan ko kanina sa kaniya? Ewan ko lang kung makatawa pa siya ngayon. Nandito pa rin naman kami sa taas ng rooftop habang dinadama ang bawat bagsak ng ulan sa aming katawan. Hindi na ganoon kalakas katulad kanina kaya hindi na ganoon kasakit sa balat ang pagtama nito. Nanatili na lang kami dito total basang-basa na rin naman kami, why not embrace it sabi nga ni Aldous kanina. Nakaupo kami sa may basang sahig at nagkekwentuhan nang k

