bc

Too Good At Goodbyes

book_age12+
368
FOLLOW
1.4K
READ
second chance
drama
tragedy
twisted
bxg
lighthearted
illness
slice of life
Writing Academy
actor
like
intro-logo
Blurb

“I’m sorry.”

“N-Nari...”

“Goodbye, Countee.”

 

Nari Asuncion was doing okay—or she thought so, hanggang sa malamang niyang may taning na ang buhay niya. She’s just twenty-five years old! Nagsisimula pa lang siya bumawi sa lahat ng pinagdaanan niya. So she decided na gagawin niya ang lahat para wala na siyang maiwang pagsisisi kasama na doon ang paghingi ng tawad sa ex-boyfriend niyang si Countee Lau—na ngayon ay isa sa mga sikat na artista sa bansa.

 

What would Nari do when suddenly magtapo ulit ang landas nilang dalawa?

 

Will she be able to say her sorry or will she say goodbye for the second time?

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
“Paano kung ayokong mamatay?!” Sigaw ko kasabay ng pagpalo ng lamesang namamagitan sa amin ni Doctor Ferrer. Buti na lang nasa opisina niya kaming dalawa kung hindi baka pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon. Sino bang tao ang gustong mamatay? Wala naman `di ba. Maliban na lang siguro sa mga taong gusto nang makatakas sa nakakagagong mundo. Pero hindi ako gano’n. I’m happy enough para enjoy-in ang ka-s**t-an ng buhay ko dahil kaya ko pa. Kinakaya ko pa. “Doctor ka! Doctors supposedly cure their patients and not the other way around!” Muli kong sigaw out of my frustration. Pakiramdam ko hindi lang cancer sa utak ang meron ako baka mamaya pati sa lalamunan kakasigaw ko. “Miss Asuncion, calm down.” Mahinahon niyang pahayag. Paano niyang nagagawang kumalma sa sitwasyong ‘to? Kung ako sa kaniya baka injectionan na ako ng anesthesia para lang manahimik na ako. “Calm down?! Sabihin mo sa akin kung paano ako kakalma! I’m just twenty-five and I’m not yet ready to die! Hindi naman pwedeng sabihin mo sa akin that I only have a year at walang lunas ‘tong sakit ko gamit ang kahit anong modern medicine. For Pete’s sake, you’re just a doctor! Hindi ka Diyos para mag-decide kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay!” I exclaimed. Napaatras ako sa aking inuupuan at pabalik-balik na naglakad sa loob ng opisina. “That’s why I’m saying you should get your treatment done, hija. Para kahit papano bumagal ang pagkalat ng tumor sa katawan mo.” “But it doesn’t mean na gagaling ako!” Pabagsak akong umupo sa upuan. “I’m dying? I’m dying! I’m dying... what should I supposedly do?!” Treatment tapos ano? Mamamatay pa rin ako. Kadalasan kung sino pa ang nagpapa-treatment sila pa `yong madaling bawian ng buhay. Mas lalong hihina ang katawan mo. Dinaig pa ng treatment na ‘yan ang hazing dahil araw-araw kang pinapatay, kumbaga matira matibay. Para bang sinasabing “better luck next time na lang”. Napahilamos ako ng mukha. Inabot ni Doctor Ferrer ‘yong mga kamay ko, “Pray, hija. The only other thing you can do is pray because I believe, miracles do really happen.” Miracles, hah. Lumabas ako ng hospital nang bagsak ang balikat. This is my second time na bumalik dito, Nag-try na akong magpa-second opinion sa iba pang hospital pero iisa lang ang resulta. I’m dying. Of all people, bakit kasi ako pa? Bakit hindi na lang ang mga masasamang tao ang magkaroon ng sakit o kaya ang mga corrupt na opisyales sa gobyerno? I’m just too young para magkaroon ng deadline, marami pa akong pangarap sa buhay! I want to have my own business, makapagpatayo ng sarili kong bahay where I’m allowed to pet a dog, mag-tour around the world at ikasal before I turn 30. At ‘yong promotion ko, I am one step closer getting that promotion. Hindi ako nagpaalila sa trabaho para lang sa wala. I’m just getting started.   Wala ako sa wisyong naglakad hanggang sa makarating ako sa isang salon near the area. Pumasok ako and the girl on the front desk smiled and greeted me a good day. Hindi ko siya pinansin dahil wala naman maganda sa araw na ‘to, actually, wala naman nang nangyaring maganda simula no’ng malamang kong mamamatay na ako. Dire-diretsyo akong pumunta sa ‘working area’ at umupo sa bakanteng upuan, ni hindi pa nga ako nagpa-booked or even pick a hairstylist. Wala akong pake kung tinatapunan ako ng tingin ng tatlong babaeng nagpapa-rebond. I’m too tired dealing with others. Sarili ko nga hindi ko ma-handle eh. Napatitig na lang ako sa babaeng nasa salamin. She has wide, full lips and a very distinctive mouth shape that is almost a pout. Her face reminds other people a bunny, in a completely nice way. She had her signature chubby cheeks na hindi man lang lumiit kahit dalawang linggo na siyang walang matinong kain. I sighed. Mayamaya, may lumapit sa akin na hairstylist. She asked me kung anong ipapagawa ko at muli namang dumapo ang paningin ko sa salamin. I’m still okay sa itim kong buhok na hanggang dibdib. Usually nagpapa-trim lang naman ako every six months dahil hindi naman mabilis humaba ang buhok ko. Magpakulay kaya ako ng buhok? I haven’t tried platinum blonde yet at panigurado magagalit sa akin si Pele pag ginawa ko `yon, sisirain ko lang daw ang buhok ko. So what should I do? “Cut it.” Ani ko. I guided the hairstylist na hanggang leeg ang ipapabawas ko dahil iyon ang unang pumasok sa isipan ko. “Sure po kayo?” I nod. Makalipas ang ilang oras natapos na akong gupitan. Pansin ko na rin ang pagdilim ng paligid sa labas. I looked at the mirror, nagpalinga-linga pa ako para makita ang magkabilang side ng buhok ko. Kulay medium brown na ito na parang 3 in 1 coffee. I looked different. Kahit kailan hindi ko pa nata-try na magpagupit nang ganitong kaiksi but I think this look will be good with my white dress while inside the coffin. Na-imagine ko na naman ang sarili kong nakahiga sa kabaong, no... I’m not ready. Unti-unti na namang dumagsa pababa ang mga luha ko, akala ko naubos na ‘to sa kakaiyak ko nitong mga nakaraan araw. Damn. I’m still having a mental breakdown. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” Natatarantang inabutan niya ako ng tissue. I declined the offer. Kumuha ako ng tip sa wallet and gave it to her, “Thanks.” Hindi pa rin tumitigil ang luha ko hanggang sa makabayad at makaalis ng salon. Dinukot ko ang phone sa bag and I dialed Pele’s number. Nakatatlong ring pa bago niya sagutin, “Oh? Bakit ka napatawag? Ugh! Alam mo naman ngayon pa lang ako bumabawi ng tulog, e. Nakakainis ka talaga, Nari!” She groaned. I suddenly miss this girl. Dalawang linggo na rin kaming hindi nagkikita. She was too busy sa pagiging editor niya sa isang magazine, while the past two weeks was a hell out of me. Alam kong hindi pa siya nakakabawi ng tulog pero kailangan ko ng makakausap. Pakiramdam ko kasi anytime sasabog na ako, hanggang ngayon hindi pa rin nagsa-subside `yong fact that I’m dying soon. Kaya nga hanggang ngayon hindi ko pa rin nabo-brought up kay Pele ang kondisyon ko, gusto ko munang makasigurado noong una kung totoo nga pero ito na nga—this is real. “Hey, bakit hindi ka nagsasalita—Oh my god, Nari, umiiyak ka ba?!” Narinig ko na parang nahulog siya sa higaan. “Pele, I need you.” “I’m on my way!” Nagkita kami sa isang resto bar around Makati, nakaka-limang bote na ako ng alak nang dumating ang babaeng may buhok na milk blonde at green sa bandang ibaba. I burst out of laughter nang makita ko ang naghe-hello niyang mga eyebags sa itaas ng matambok niyang pisngi. “Hahaha. Oh my god, mukha kang Panda, Pele!” Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko sa kaniya at umupo siya sa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin, she’s intimidating yet I feel comfort dahil nandyan na siya sa tabi ko. I pinched her chubby cheeks and poked her belly, “Akala ko ba dalawang linggong wala kang kain at tulog? Eh, ba’t parang hindi naman?” Hagikhik ko. Medyo tinatamaan na ako dahil kanina pa ako umiinom ng beer habang naghihintay sa kaniya. Kailangan ko ng lakas ng loob. “Nari.” Sambit niya sa pangalan ko. “Hmm. Ano gusto mong order-in? Libre ko, promise.” Tinaas ko ang kanang braso ko na parang namamanata. “Busog pa ako.” “Ay, busog ka? Bago ‘yon, ah.” Kinulong ko siya sa yakap ko kahit mas malaki pa ang katawan niya sa akin, “Bakit ang fluffy, fluffy mo?” “Na...ri.” “Na-miss kita, Pele!” While I’m hugging her hindi ko na napigilang umiyak. Pele’s my bestfriend since we were kids. Para ko na siyang kapatid. She’s always there especially through the hard times. She helps me recovered when my parents both died. Nand’yan siya palagi sa akin. Gusto ko mang itago sa kaniya dahil alam kong masasaktan siya but I need to tell her the truth, “I’m dying.” “Ha?!” Lumayo ako sa kaniya at pinahiran ang luha sa pisngi ko, I smiled at her, “Pele, I’m dying.” Sinaaman niya ako ng tingin. “Hindi magandang biro `yan, Nari. Kulang ako sa tulog kaya anytime pwede kitang masapak.” “I’m serious, Pele.” “W-What? H-How? I mean paano? Bakit? W-Wala akong maintindihan.” Nagsimulang magtubig ang mga mata niya. I hate when I see her crying. If I could take back my words gagawin ko, pero hindi. She’s my only family and I should cherish every moment with her. I explained everything, I even gave her my medical records para mas maintindihan niya. And the next thing I knew, parehas na kaming mugto ang mga mata. May mga taong pinagtitinginan kami dahil sino bang hindi magtataka, may dalawang babaeng humahagulgol sa gitna ng mga nagkakasayahan na mga tao. Maybe some people will think na dalawa kaming broken hearted kaya naman nandito kami para uminom. “Pakshet ka, Nari! Alam mong may sakit ka tapos nagpapakalasing ka!” Paggalit niyang turan. Pinapalo-palo niya pa ako sa dibdib kaya naman medyo masakit pag tumatama yong malapad niyang kamay sa boobs ko. Hindi pa rin tumitigil ang paghagulgol niya. “I need to forget, Pele.” Pasinghot-singhot kong sabi.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
57.7K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K
bc

His Property

read
955.6K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

The Ex-wife

read
232.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook