“Forget, forget ka d’yan.” Tumigil si Pele para suminga sa panyo. “ First of all, hindi ka naman magkakaroon bigla ng amnesia sa paglalasing. Second, lalo mo lang binabawasan ‘yong chance of winning mong gumaling. And lastly, iuuwi na kita.” She demand. Buti na lang tumigil na siya sa kakaiyak.
“Pero—“ Gusto ko magprotesta.
“Wala ng pero, pero, kung ayaw mong mag-friendship over tayo.”
I pouted.
She sighed. Binigyan niya ako ng isang baso ng beer, “Last mo na ‘yan. Magsi-CR lang ako, pagbalik ko uuwi na tayo.”
Para akong tangang tumango-tango, I even gave her a salute bago siya nagtungo ng banyo. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng resto bar. Mula sa malawak na glass wall napukaw ang atensyon ko ng isang malaking LED billboard sa labas. Sinubukan kong aninagin dahil parang pamilyar pero dahil sa kalasingan hindi ko masyadong makita ‘yong mukha ng nasa billboard, so I ended up stepping outside the resto bar para makalapit kahit paano sa LED billboard.
The advertisement says “I’ll be right here waiting for you, my love.” Tapos may naka-attach na nakangiting lalaki sa gilid. Tinitigan ko ng mabuti ang facial features n’ong lalaki. He has a porcelain perfect white skin, his chubby pinchable cheeks, flat cute nose, and nonexistent eyes just make him one of the cutest human beings on Earth. And his rosy pink lips, in such contrast to his ivory skin, create a strikingly beautiful coloring. His bright smile is so full of genuine happiness and never fails to bring not only his fans but the whole world equal joy.
Who could possibly resist Countee Lau—indubitably one of the best looking Chinese-Filipino sa industriya ng showbiz.
Mapakla akong napangiti at dinuro-duro `yong mukha niya sa langit, “Waiting. . . hik, waiting ka pa d’yang nalalaman! Pare-parehas lang. . . hik. . . kayong mga lalaki!” Bigla naman akong napakagat sa ibabang labi ko nang mapansin kong nakikipagtitigan ang nakakaakit niyang mga mata sa akin, “Pero sige na, gwapo ka na. . . hik”
Muli ko siyang dinuro, “pero hik. . . hindi porket gwapo ka, hindi ka na hik. . . pakshet! Dahil isa kang. . . malaking pakshet!!!” Sigaw ko.
Wala na yata ako sa sarili kong katinuan dahil sa pinaghalong alak at kalungkutan. People might think I’m crazy, but who cares? Di naman nila ako kilala. At after a year hindi ko na rin naman sila makikita.
Napansin ko namang may nagkukumpulan sa kabilang kalye, out of curiosity lumapit ako at nakipagsiksikan hanggang sa makarating sa unahan. May na-tokhang na naman ba? Pero imbis na duguang bangkay ang makita ko, bumungad sa akin ang isang eksena ng isang babae at isang lalaki.
“I’m sorry.” Paghingi ng tawad n’ong lalaki. He tried helding the girl’s hand pero tinabig lang siya nito.
Isang malutong na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi n’ong lalaki, “Sorry?! Sa tingin mo ganoong kadali lang ‘yon?!” Muli na naman siyang sinampal ng babae, “Para ‘yan sa lahat ng ginawa mong panloloko sa akin!”
The guy started to cry heavily. Pabalik-balik kong tiningnan ‘yong tinitingnan kong LED billboard kanina at ang lalaki sa harap ko. “Paano ka. . . hik napunta diyan. . . hik eh kinakausap pa kita kanina doon hik. . .” At doon ko na-realize kung sino siya base on his perfect body proportions, creating a long and lean appearance while still maintaining his plushy and huggable exterior. “Haha. . . hik ang galing.”
Nang akmang sasampalin na siya ulit agad na akong pumagitna at pinigilan ang kamay n’ong babae.
I manage to slap her face. “Anong. . . hik karapatan mo para sampalin. . . hik si Tee?!” Bulyaw ko sa pagmumukha niya.
Hindi siya makapaniwalang nasampal ko ang walang pores niyang pagmumukha, hawak-hawak niya ang kaniyang pisngi at tinanong ako, “At sino ka naman?!” Mataray niyang sabi habang pinagtataasan ako ng kilay.
I smirked. Pagewang-gewang akong lumapit sa kaniya at dinuro-duro siya sa balikat, “Sino ako? Hah! Hik. . . Gusto mo. . . hik. . . talagang malaman?”
She’s looking at me furiously. Para siyang leon na bigla na lang akong susugurin at walang ititira sa katawan ko ng buo.
Hahakbang na sana ako ulit papunta sa kaniya pero naramdaman kong may brasong yumakap sa akin, “Lasing ka ba?” He whisper to my ear. Bahagya akong nakaramdam ng boltahe dahil sa pagdikit ng aming mga balat.
“Hindi ako . . . hik. . . lasing ‘no! Bitawan mo nga ako!” Pagwawala ko.
“Stop.” Hindi pa rin niya ako binibitawang sa pagkakayakap.
“Sino ako? Hik. . . hoy asawa ni shrek! Ako lang naman ang girlfriend ni Tee!” Hinakawan ko ang magkabilang pisngi ni Countee at pinanlisikan ng mata ‘yong babae sa harap ko, “At wala kang karapatan para sampalin ang gwapong mukha ng boyfriend ko!”
Shock registered on Tee’s face habang si Ate Girl naman napaawang bibig. Hah! Serves you right!
“Cut! Cut! Cut! Bakit may nakalapit na ibang tao dito?! This is the most crucial part at kailangan na natin matapos ‘to ngayong gabi and you let someone para guluhin ‘to?! Staff!” Galit na gagalit na lumapit sa amin ang isang matabang bakla.
Ngayon ko lang napansin na may mga ilaw ang nakapaligid sa’min at may dalawang camera ang nakatapat sa magkabilang side. Ngayon ko lang din na-realize na ang daming tao ang nakapaikot kaya naman mas lalo akong nahilo.
“I’m sorry, Direk, ako na pong bahala sa kaniya.” Paghingi ng tawad ni Tee.
“Kilala mo, Countee?” Eksena ni Ate Girl.
Saglit niya akong tinapunan ng tingin at muling nagsalita, “A friend of someone I know. Sorry for the scandalous act of her, I will take the full responsibility of this.”
Umismid lang `yong baklang mataba, “Nakakaloka! Break muna tayo ng 10 minutes!”
“Okay, Direk!” Sabay-sabay na sigaw ng lahat.
“Are you okay?” Lumapit si Tee at hinaplos ang pisnging nasampal ko, “I’m so sorry, Fiona.”
Hinawakan ni Fiona na mukha naman shrek ang kamay ng boyfriend ko, “I’m okay, Tee. Don’t worry, actually hindi naman siya masakit manampal.” She smiled sweetly.
Anong hindi masakit manampal?! E, hanggang ngayon nakabakat pa rin `yong kamay ko sa pagmumukha niyang maliit. Pasalamat siya hindi nasakop ng buong kamay ko `yong pagmumukha niya.
Tee dragged me around the corner, “Umuwi ka na sa inyo. Saglit lang at tatawag ako ng taxi.”
Before pang maalis si Tee agad kong hinila ang kamay niya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya, Sininghot ko ang amoy niya, gan’on pa rin. Hindi nagbabago. “Na-miss kita.”
And the last thing I knew may suka na ang puting polo niya.