EPISODE 3

1149 Words
Nakapikit pa ako habang kinakapa ang phone kong kanina pang tumutunog. Ang aga-aga ang ingay, masakit pa rin ang ulo ko at parang binibiyak na buko. Nang makapa ko na, agad kong sinagot ang tawag kahit hindi ko pa kilala kung sino ito, “Hello?” Bungad ko. “Nari, kunin mo na daw lahat gamit mo ngayong araw sabi ni Boss. Kung hindi ipapatapon na daw niya lahat ito.” Napadilat ako at tiningnan ang caller ID sa phone ko. Si Quinn pala, isa sa mga katrabaho ko. “Ha? Bakit daw?!” Napaupo ako sa kama. Feeling ko masusuka na naman ako dahil sa bigla kong pagbangon. “Anong ‘bakit daw?’ wala ka bang naaalala? Ang bali-balita rito tinanggal ka na raw sa trabaho.” Sabi niya sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, “Ha? Paano? Kailan?” Parang kahapon lang galing pa akong hospital tapos nakipagkita pa ako kay Pele. “Gising ka na ba talaga? Basta ang sabi sa akin kanina tawagan daw kita agad para makuha `yong mga gamit mo. Galit na galit si Boss pagkarating niya, ano bang ginawa mo? Si Maribeth din inis na inis sa’yo dahil napunta daw sa kaniya `yong pinapa-revise sa`yo.” Pagpapaliwanag ni Quinn. Sinubukan ko naman alalahanin kahit kumikirot pa ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tumor ‘to o napadami ‘yong inom ko. “Miss Asuncion, nasan na `yong pinapa-revise ko sa`yo?! I expected na nai-send mo na ng 10 pm pero hanggang ngayon wala pa rin! I’m giving you more or less 2 hours of deadline at ipasa mo `yan sa akin.” Utos ng kausap ko sa kabilang linya. “Gago ka ba? Diyos ka ba para sabihin kung kailan ang deadline ko? Isa ka lang matandang hukluban na manyak, so anong karapatan mong diktahan ako at bigyan ng deadline?! Deadline mo mukha mo!” Sigaw ko sa kaniya. Nag-dirty finger pa ako kahit alam kong hindi niya ito nakikita. “Excuse me? Are you drunk, Miss Asuncion?! This is my last warning, I’m giving you last chance—“ “Last chance mo mukha mo! Chance, chance ka pang nalalaman, e, chansing lang naman alam mo. Hoy! Para sabihin ko sa’yo, akala mo hindi ko napapansin `yong pag-akbay-akbay mo sa akin tapos minsan sinasadya mo pang bungguin `yong boobs ko! Natatandaan ko pa ilang beses umiyak si Shara kasi lagi mo siyang hinihipuan pag nakakasabay mo sa elevator. Mahiya ka naman, gurang ka na. May asawa at anak, feel ko nga may apo ka na tapos ganiyang iaasta mo—“ “YOU’RE FIRED!” Nasapok ko na lang ang ulo ko. Actually, tapos ko na `yong pinapa-revise niya at ise-send ko na lang sana after kong manggaling sa hospital kahapon. I sighed. Ayos na rin `yon, may plano naman talaga akong mag-resign kung sakaling hindi ko makukuha ang promotion na imposible ko naman talagang makukuha. Sasagot na sana ako kay Quinn kaso biglang namatay ang battery ng phone ko. Muli kong binalik ang telepono sa bedside table at isinubsob ang mukha sa malambot na unan. Napamulat ako nang maamoy ko ang pabango ng isang lalaki na nakadikit sa hinihigaan ko kaya naman agad akong napabangon. Kinusot-kusot kong maiigi ang mata ko at inilibot ang aking paningin. Simple lang `yong kabuoan ng kwarto—minimalist style, black and white ang tema ng mga abubot sa dingding at kurtina, may table sa magkabilang side ng kama na may nakapatong na lamp shade, may pintuan sa gawing kanan na mukhang walk-in closet at may natutulog na pinaghalong white and gray na Siberian husky sa gilid ng hinigaan ko. Nahagip naman ng mata ko ang polong puting nakapatong sa may upuan. May mantya do’n na para bang nasukahan. Nakaramdam ako ng kaba. Lalo pa nang makumpira ko kung na saan ako dahil sa picture frame nakapatong sa bedside table na katabi n’ong natutulog na aso. “You’re already awake.” Isang malalim na boses ang bumungad pagbukas ng pintuan. Napatitig ako sa kabuoan niya. Medyo magulo ang itim niyang buhok, naka-plain white shirt siya at light blue stripe na pajama. May hawak-hawak ang isa niyang kamay na spatula at ang isa naman ay nakahawak sa door knob.  “Countee...” Mahina kong bigkas. “Breakfast is ready,” malamig niyang sambit. Napatayo ako mula sa higaan at dali-daling nagsuot ng sapatos. Paranoid na kung paranoid pero kailangan ko ng makaalis dito. Parang hindi ko kakayanin kung mas magtatagal pa ako dito kung saan iisa lang ang hangin na hinihinga namin. Hinablot ko ang door knob at nilakihan ko ang pagbukas ng pinto, halatang nagulat siya sa ginawa ko at hindi agad naka-react. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko mula sa pagkakalabas ko ng kwarto ng maramdaman ko ang kamay niya sa siko ko. Ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. “Nari.” Kung kanina ilang boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko ngayon feeling ko kidlat na yata ang tumatama sa akin sa pagbanggit pa lang niya ng pangalan ko. “Uuwi na ako, pasensya na sa abala.” Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa siko ko. “Iniiwasan mo ba ako?” Bahagyang nagsalubong ang dalawa niyang makapal na kilay. “Kailangan ko ng umuwi. Baka mamaya may paparazzi rito or hidden camera, please, ayoko nang dagdagan `yong kahihiyan ko kagabi.” Malinaw na malinaw na bumalik sa isipan ko ang kagagahan na ginawa ko sa kaniya kagabi. Jusko, hindi na talaga ako iinom. Kailangan ko rin siguro mag-deactivate ng mga social media accounts at huwag manonood ng T.V. dahil panigurado viral na ang pagmumukha ko. Isang Nari Asuncion nanggulo sa taping ng isang pinakasikat na artista na Pilipinas. Swerte ko na lang kung makauwi ako ng buhay ngayon. Baka mamaya imbis na sa maging brain tumor ang dahilan ng pagkatigok ko mas maaga akong mamatay sa panggugulpi ng diehard fans niya. Nakakatakot pa naman mga fans sa panahon ngayon, para kang kakainin nila ng buhay. “Mag-almusal ka muna.” Hindi `yon pakiusap, utos `yon base sa boses niya. “Paniguradong nag-aalala na sa akin si Pele.” “I already inform her that you’re here with me and she’s okay with that.” Alam ni Pele?! Bakit hinahayaan ni Pele na mapunta ako rito? Pag nagkita kami ulit ipre-frienship over ko na talaga siya—joke. “Male-late na ako sa trabaho.” Galing mo talaga Nari magsinungaling, kaka-tanggal mo lang sa trabaho few hours ago ‘di ba? “Ihahatid na kita. Kumain ka muna.” “Kailangan ko na talaga umalis.” “Hindi ka aalis hanggang hindi ka nag-aalmusal.” Pagpupumilit niya. “May pagkain sa bahay, d’on na lang ako kakain.” “Nari.” “Kaya ko na ang sarili ko, Countee. Salamat na lang. Goodbye” Ilang minuto kaming nagtitigan hanggang sa napabuntong-hininga na lang siya at tinalikuran ako. “I guess, you’re really good at goodbyes.” Mahina niyang turan na sakto lang para marinig ko. Para akong tinusok ng isang daang karayom. Napahawak ako sa laylayan ng damit ko habang nakatingin sa kaniya na naglalakad papalayo. Gusto ko siyang sigawan, gusto kong tumakbo sa kaniya at suntukin ang mukha niya. “Wala kang alam.” Pabulong kong sabi na alam kong hindi niya maririnig. Kinuha ko na ang pagkakataon  para umalis na sa condo niya. Nagmadali akong bumaba at pumara ng taxi. And the next I knew, tinatanong na ako ni manong driver kung bakit ako umiiyak.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD