“Wala kang alam, Countee. Wala kang alam.” Paulit-ulit na bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko sa loob ng taxi. Buti na lang hindi na muling nagtanong si Manong at hinayaan akong magdrama rito sa likod ng sasakyan.
I wasn’t prepared when I met him.
No. I will never be. Hindi ako magiging handang harapin siya. Kahit pa nga siguro dumating sa puntong nasa kabaong na ako at nakahiga, hindi ko kaya. Baka bigla akong bumangon at kusang pumunta sa lupang hinukay para sa akin.
But alcohol happened. Sinusumpa ko sa mga oras na ‘to hinding-hindi na ako iinom.
“I guess, you’re really good at goodbyes.” Naalala ko na naman ang mga salitang binitawan niya.
The way his words used to cut me still send shivers up to my spine. Pakiramdam ko binabalatan ako ng buhay. If only he knew. . . but will it make a difference kung malaman niya ang totoo?
I’m still crying when the taxi suddenly stop. Kamuntik na akong mapasubsob sa likod ng upuan. Nasa paliko na kami nang street ng apartment ko nang biglang tumigil ang sasakyan.
“Manong, bakit ka po tumigil?” Tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang unti-unti nang natutuyo sa pisngi ko.
“Ma’am, madami pong nakaharang.” Napakamot sa batok si Manok.
“Ha?”
Being curious, binuksan ko ang binatana at bahagyang inilabas ang ulo ko roon para masilip kung anong harang ang sinasabi ni Manong driver.
Pero laking gulat ko nang mga grupo ng babae ang makita ko. They we’re all screaming.
“Ilabas niyo siya! Alam namin nandiyan yang babaeng yan!” Sigaw ng isang babae na may hawak na megaphone. I guess, siya ang leader ng grupo nila.
“Umalis na kayo! Ilang beses ko na bang uulitin na wala nga ‘yong hinahanap niyo.” Sagot ng Landlord ko. She was wearing her usual rollers at may hawak na walis tingting.
“Huwag niyo na siyang itago!” Sigaw muli ng babaeng naka-megaphone.
“Oo nga! Ilabas niyo siya!” Sabay-sabay na sigaw ng mga kasamahan nila.
Tinututok ng Landlord ko ang walis tingting, “gusto niyo ba ipakaladkad ko ulit kayo sa barangay kagaya kagabi—” Hindi natapos ang sinasabi niya nang bigla siyang batuhin ng itlog at tumama sa mukha.
Napasinghap ako. “Baliw na nga ata sila.”
Nahigip ng mata ko sa rearview mirror ng taxi may paparating na limang mga babae, halatang kasamahan nila ‘yong mga nagwawala sa tapat ng apartment ko dahil napansin ko ang hawak nilang supot na may lamang tray ng itlog.
Kaya naman agad kong ibinalik ang ulo ko sa loob ng sasakyan at itinaas agad ang salamin ng pinto. Siniksik ko rin ang sarili ko sa gilid para hindi nila ako ganoong mapansin.
“Maam, ayos lang po ba kayo?”
“Ayos lang ako, Manong.” Kahit hindi. Sino bang magiging maayos kung may grupo ng babae sa tapat ng apartment mo at ngayo’y nambabato ng itlog.
“Uhm, sige manong sa coffee shop sa kabilang kanto mo na lang po ako ibaba.” Sabi ko.
Agad namang nagmaniobra si Manong at dumiretsyo na sa tinutukoy kong coffee shop.
--***--
WHO’s that Girl: Drunk Girl Slaps An Actress
MANILA—Last night was a shocking moment to all of Fiona-Countee fans. While filming their latest movie SIX directed by Joel Molina, it was said that is the most crucial part of the movie but a drunk girl, in mid 20’s, suddenly appear and sabotage the scene. This mysterious girl, allegedly an obsess fan of Countee Lau, went ballistic and slaps the actor on-screen partner, Fiona Valdez. Director Joel Molina was devasted—
Hindi ko natapos ang pagbabasa ng article at in-scroll ko na ito pababa. May naka-attached na clip ng pagsampal ko kay Fiona. Sa ibaba n’on ay ang galit na comment section.
@Creampangs: OMG ang kapal naman ng mukha niya para manggulo
@Pwidipie: Super true! Balita ko nga galit daw yan sa mental eh. Kakalabas lang.
@Anne3k: Ang sabi nila may lahi daw yang mangkukulam.
@CounteeMyLabsSoSweet: Nahanap na namin account niya, Nari Asuncion name niya.
“Grabe, ang scary nahanap nila yong name at bahay mo. Pwede na silang magtrabaho sa FBI.” Sabi ni Pele.
Agad ko siyang tinawagan at pinapunta sa coffee shop. Nasa bandang dulo kami umupo para hindi masyadong mapansin. Mahirap na at baka may mga fangirls din dito.
Sinubsob ko ang mukha ko sa lamesa. “Ano nang gagawin ko?”
“Uhm, ano, huwag ka na lang muna mag-social media. Kusa naman ‘yan mawawala. Ganyang mga showbiz issue di namang nagtatagal. Huwag mo masyadong stress-in sarili mo kasi hindi ‘yan makakatulong sa health mo.” Pagpapakalma sa akin ni Pele.
“JUST IN: Nasa tapat kami ngayon ng bahay ng babaeng nagviral dahil sa p********l sa aktres na si Fiona Valdez. May nagaganap na pagprotesta mula sa fans ng nasabing love team. Narito ang kanilang pahayag.” Sabay kaming napatingin ni Pele sa TV ng coffee shop.
“Alam naming ilabas nandiyan ka, Nari Asuncion. Hindi kami aalis dito hanggang di ka nagpapakita!” Interview n’ong babaeng naka-megaphone kanina.
“Nari, kung nanonood ka man ngayon. Kunin mo na ang mga gamit mo rito at ibalik mo na ang susi sa akin. Pasensya ka na pero nagrereklamo na ang mga taga-ibang unit. Ayaw namin madamay sa g**o mo.” Pahayag ng Landlord ko.
Muling bumalik ang camera sa lalaking reporter, “Miss Nari Asuncion, kung nasaan ka man, bukas ang aming programa para pakinggan ang iyong panig. Maari lamang magtungo sa aming opisina o tumawag sa number na 876-5432. Muli, ito si Larz Dee, para sa showbiz balita.”
Ano ba ‘tong gulong pinasok ko? Bakit puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin? Hindi pa ba sapat na may taning ang buhay ko. Bakit kailangan pa maging komplikado ng lahat.
“Nari. . .”
Hinawakan ni Pele ang kamay ko.
Pilit akong ngumiti, “I’m okay.”
“Sa bahay ko na ikaw muna mag-stay. Ako na bahala kumuha ng gamit mo, okay?”
Bahagya akong tumango. Ano pa bang magagawa ko?
Nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Unknown number. Sino naman kaya ‘to?
Nagkatinginan kami ni Pele.
“Hala, hindi kaya nalaman na rin ng fangirls ‘yong cellphone number mo? Teka. Ako na ang sasagot niyan.”
Kinuha ni Pele ang phone ko at sinagot ang tawag. Napansin ko naman ang gulat sa mukha niya at agad napalitan ito ng ngiti.
“Sino raw?” Tanong ko.
Sa halip na sagutin niya ako ay ibinigay niya ang phone sa akin.
“Hello?” Ani ko.
“I have a proposal for you.” Sagot ng kabilang linya.