“Nari, bumangon ka nga d’yan. Para kang hindi 25 years old sa ginagawa mo.” Pilit akong hinihila patayo ni Pele sa pagkakahiga ko sa sahig.
“Anong gagawin ko?” Pagmamaktol ko.
“Kung ako lang ang masusunod ipaalam mo sa kaniya ‘yang sakit mo at magpa-confine ka na sa hospital. Atleast d’on sigurado akong maaalagaan ka nila. At sure naman akong maiintindihan ni Countee ‘yang sitwasyon mo.” She suggested.
“Hindi pwede!” Bigla akong napabangon. “Hindi niya pwedeng malaman ‘tong sakit ko.”
“At bakit naman?” Humalikipkip si Pele at tinaasan ako ng kilay.
“Basta.” Ani ko at iniwasan ko siya ng tingin.
“Anong basta ka diyan?”
Umupo ako sa kama at napabuntong-hininga.
“I already hurt him enough. Tama na ‘yong nasaktan ko siya noon, And I know, masasaktan ko siya uli pag nalaman niya ang totoo. Hindi ba kaya nga ako lumalayo for the past five years.”
“Pero you just can’t avoid him forever, Nari. Gagawa at gagawa ang universe para magtagpo kayo.” She exclaimed.
“Hindi sa ganitong pagkakataon.”
“Edi sana hindi ka nagpakalasing at nanampal.” Pele slightly massage her temple. “You know what, kung ayaw mong ipaalam sa kaniya, puwes ako na lang magsasabi.”
She took my phone out of my pocket and dialed Countee’s number. She pressed down the loud speaker button kaya naman rinig ko ang pag-ring nito.
“No!” Agad akong tumayo at pilit na inagaw ang telepono sa kamay niya. “I-cancel mo ‘yan!”
Pele was too strong. Maraming extra fat ang katawan niya kaya naman kaya niya akong pigilan with just one arm. Napatigil ako sa pag-agaw nang tumigil ang pag-ring at muli kong narinig ang boses niya.
“Have you made up your mind?”
8 hours ago . . .
“You want me to what?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Napakunot ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
He was standing in front of me habang nakapamulsa sa itim niyang pantalon. Para akong nalulunod habang pinagmamasdan siya. Hindi ko siya nagawang titigan ng matagal kaninang umaga dahil sa pagmamadali kong umalis. At ngayon lang nagsi-sink in sa akin na with all those years, nasa harap ko na mismo ang taong iniiwasan ko.
I was hesitant kanina sa coffee shop n’ong na-receive ko ang tawag niya. Pero Pele ask me to hear his proposal, kaya naman agad kaming nagtungo sa opisina ng agency niya kung saan kami mag-uusap.
Nagbitiw si Countee ng isang malalim na paghinga at muling inulit ang kanina niyang sinasabi.
“You will be my fake fiancé.”
Napaawang ang labi ko. Ito na ata ang pinaka-absurd thing na narinig ko buong buhay ko.
“And why would I?”
Sumandal siya sa lamesang namamagitan sa’ming dalawa at bahagyang inilapit ang katawan.
“My I remind you na gumawa ka ng eskandalo at sinabit mo ang pangalan ko. So naisip ko to use this as good opportunity para mas mag-ingay ang love team namin ni Fiona and the management also agree with this plan. Unless kung gusto mo bulabugin ng press at ng fans, feel free to do so. But my I remind you that this is a win-win situation for both of us. More publicity for me and Fiona, and makakatakas ka sa issue for you. Afterall, it will just last until matapos ang shoot ng movie. After that, ipapalabas natin sa press na nagbreak tayo before the movie premier—well of course, the movie will benefit dahil sa mag-iingay ulit ang pangalan ko that time.” Mahabang paliwanag niya.
So, career pa rin ang iniisip niya sa mga oras na ‘to. Sabagay, ito ang pangarap niya noon pa man. Nasa peak na siya ng kasikatan niya. Why would I ruined his career eh simula umpisa suportado ko ang gusto niya. He always dream this since he was a child.
Hinawakan ni Pele ang kamay ko.
I composed myself, “Okay, naiintindihan ko ‘yong point mo pero bakit ko kailangan sa bahay mo tumira?”
“Para mas kapani-paniwala. Paparazzi will be following you 24/7 dahil sa ginawa mong issue. Fans are going berserk. Everyone wants to know who you are, and if ever you will agree on my proposal, press will check kung nagsasabi nga ba tayo ng totoo. And don’t forget, your landlord already kick you out. Kaya naman ipapalabas natin na you and I are decided to step up our game kasi ganoon natin kamahal ang isa’t isa.” Countee sit on the swivel chair at pinaikot-ikot yon na parang bata.
“If ever I say yes, which I’m sure I will not, pwede naman ako maki-stay kila Pele. Being quote and unquote, fake fiancé, is already too much.”
“Don’t make this hard for the both of us, Nari.”
Parang tumigil ang mundo ko ng ilang segundo nang banggitin niya ang pangalan ko.
Sa 24 hours ng buhay ko ang dami nang nangyari. At first, na-confirm ko na may taning na talaga ang buhay ko and second, nalasing na ako at nasangkot sa isang malaking eskandalo—which hindi ko naman pinagsisihan na dumapo ang kamay ko sa makapal na balat na iyon. Ang fulfilling sa pakiradam. And lastly, nagising ako sa bahay ng taong matagal at pilit kong iniiwasan and the next thing I knew his asking me na magpanggap na fiancé niya at tumira sa iisang bahay. Imagine, this happened sa loob lamang ng isang araw. Paano na mga susunod? Kakayanin ko pa ba? Baka mamaya hindi ko naman masulit ang mga natitirang araw ko sa mundo at mas maaga akong mamatay.
Ito ba talaga ang gusto ng universe na mangyari sa akin?
Present . . .
“Sure ka na ba talaga?” Tanong ni Pele sa akin habang inaabot ang bag na may lamang mga damit niyang pinahiram sa akin. Hindi pa namin nakukuha ang mga gamit ko sa apartment kaya namain no choice ako humiram muna ng damit sa kaniya. Buti na lang at hindi pa niya natatapon ang ilang damit niyang pinaglumaan dahil ‘yon lang ang kasya sa akin dahil hindi naman kami magkasing-katawan.
I smiled at her, “’Di ba ikaw na nga rin nagsabi, baka will to ni Lord.”
Narinig namin ang paghinto ng makina ng sasakyan sa harap ng pinto kaya naman agad kaming lumabas.
Naabutan namin ang isang kulay pulang kotse at inuluwa n’on si Countee.
Ngumisi siya habang papalapit sa akin at inabot ang hawak kong bag. “You made the right choice, Nari Asuncion. Welcome back to my life.”
My mind was just blank. I couldn’t take it, I can never revert my decision.
Well, I guess. Welcome back Countee Lau.