“So paano nag-start ang love story niyong dalawa? Sino ang unang gumawa ng move or sino ang unang na-fall sa inyong dalawa? I heard you started dating before pa maging artista si Countee Lau.” Basa ng babaeng interviewer sa cue card na hawak. Ang mahaba niyang buhok ay bumabagsak sa balikat niyang exposed dahil sa itim na off shoulder na suot. She was sitting firm while having her bright smile na para bang nanalo siya ng jackpot ngayong araw.
While me, I was wearing a peach floral dress to much our scenery na inside garden or green house kung saan ginaganap ang exclusive namin sa Buzztalk. On the other hand, Countee wear a baby blue polo na hindi nakasara ang tatlong butones sa itaas na nagbibigay sa amin ng malamig at preskong itsura.
Countee slightly squished my hand and smile on the camera.
“Well,” bahagya siyang natawa at napakamot sa kaniyang batok.
--***--
I was seventeen back then.
"Oo grabe, Nari! Akala ko nakakita na ko ng anghel na bumaba sa langit. Sobrang gwapo talaga niya. Kamukha niya ‘yong mga nakikita natin sa mga magazine. Hindi kaya model siya? OMG" Sagot ni Pele kahit ang tanong ko sa kanya ay kung anong year n’ong lalaking sinasabi niya. She was too excited bringing up the guy he saw yesterday. Dagdag na naman ‘to sa napakahabang crush list niya.
Pumangalumbaba na lang ako sa lamesang na nasa harap namin. Kanina pa siya nagkukwento sa akin simula n’ong magkasabay kami sa jeep hanggang sa sumakay kami ng LRT. Ang naintindihan ko lang naman ay “may itsura” ‘yong kinukwento niya.
"Ta's mukhang sa College of Arts and Letters si kuya, iyon kasi ‘yong nakalagay sa likod ng suot niyang t-s**t," dagdag pa niya ulit.
I just rolled my eyes at 360 degrees. Wala kasi akong panahon sa mga crush-crush na ‘yan. Goal ko is makapagtapos ng pag-aaral para makatulong agad sa mga magulang ko. I looked at Pele squeaking over the pictures she’s scrolling though her phone, nasa page na naman siya kung saan ang laman ay mga cute boys dito sa university, hindi ko pa rin talaga mapagtanto kung paano kami naging magkaibigan. Kahit kailan kasi hindi mo maiimagine na magkiclick ang personalities namin. Mahilig siya sa mga boys, lalo na sa gwapo. Ako naman, wala. Wala akong gusto kundi katahimikan.
"Wala ka bang next class?" Pinutol ko siya sa pagdi-daydream.
"Ha? Meron sana after lunch kaso wala raw kaming prof eh, kaya di na lang ako papasok wala namang gagawin. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Ilibre mo na kaya ako. Sabi mo ikaw manlilibre ngayon kasi ako ang nanlibre kahapon." Pagpapapaalala ko sa kasunduan namin.
"Ay, oo nga buti pinaalala mo. ‘O sige, oorder muna ko. Ano bang gusto mo?" Tumayo na siya sa upuan.
Nagpaorder lang ako ng isang carbonara dahil wala akong ganang kumain ng kanin ngayon. Umalis na si Pele sa harap ko at nagpunta na sa counter ng canteen. Nilingon ko ang buong paligid saka ko napansin na kokonti lang ang mga tao ngayon kahit alas-dose na ng tanghali at ito ang kadalasan na lunch time. Pero dahil siguro kokonti lang ang may Saturday class at halos busy ang mga tao sa gaganaping foundation day kaya naman walang masyadong tao sa canteen.
Halos tahimik ang paligid at kokonti lang ang maririnig mong ingay sinabayan pa ng nakakarelax lang na music ang maririnig. Ngayon ko lang na-experience na ganito ka-peaceful dito. Napaigtad naman ako nang biglang may umupo sa kinauupuan ni Pele kanina. Isang lalaki ang nakaupo habang nakangiti sa akin.
Pero anong ginagawa niya rito? Makikiupo ba siya? Pero marami pa namang bakanteng lamesa ah. Hindi kaya taga-org ‘to? Kasi naka-t-shirt lang siyang dilaw at hindi naka-unform.
"Miss, panagutan mo 'ko." Seryoso niyang sabi. Tinitigan niya ako at para akong hinihigop ng mga mata niya.
"Ha? Anong panagutan?" Takang tanong ko habang iniiwas ko ang mga mata ko sa kaniya.
Sinilip ko si Pele na ngayon ay hawak na ang tray ng pagkain namin at naglalakad na pabalik sa aming upuan.
"Nahulog mo kasi itong puso. Nahulog na sa’yo. Kaya sana panagutan mo ko." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Kuya, tigilan mo nga ‘yang punch line mo. Kung magyaya ka ng member sa org niyo, wala po akong balak sumali kahit saan.” Pagtatanggi ko sa ‘modus’ niya.
“Eh, sumama sa akin harap ng simabahan at magsabi ng I do, pwede ba?” Muling hirit niya. Inilapit ang mukha niya sa'kin kaya naman automatic ko itong nilayo.
"Oh. My. God." Nilingon ko ang gulat na gulat na si Pele. Laglag ang panga niya habang nakatingin sa lalaki sa harap ko. Oo na, dagdag na naman ‘to sa mga crush niya. Cute nga naman talaga si kuyang taga-org. Kung may nag-eexist na singkit na anghel, siya na ‘yon. "Nari! Oh my god!" Nilapag niya ‘yong tray ng pagkain namin at umupo sa katapat kong upuan.
"Bakit?” Tanong ko.
"Nari! Siya 'yun! Siya 'yun!" Sigaw niya at tinuro-turo pa ang lalaking katabi ko. Muntik pang matapos ‘yong ice tea sa lamesa dahil sa bahagyang pagyugyog nito.
"Sinong 'yun'?! Kilala mo ba siya?” Tukoy ko sa katabi ko.
"’Yong lalaki sa National Book Store! Siya ‘yong kinukwento ko kanina na College Arts and Letters student! Oh my god! Hi!" Sabay wave niya sa katabi ko.
“Hello!” Balik naman ng katabi ko.
"Magkakilala kayo, Nari! Huhu, hindi mo sinabi sa’kin! Anong name niya?!" Parang naka-megaphone ang boses ni Pele
"Hindi ko alam. At hindi ko siya kilala." Pagtatanggi ko.
“Aww.” Napahawak naman ‘yong lalaki sa dibdib niya at um-acting na parang pinana ko siya ng masakit na salita.
"Ano ba Nari Asuncion?! Ang damot mo naman, parang hindi tayo best friends hmp!" Eh ni hindi ko nga ‘to kilala at hindi ko alam kung bakit niya ako kinakausap. Bumaling si Pele sa katabi ko at nilahad ang kamay, “Hi, cutie, I’m Pele.” Pagpapakilala niya.
He smiled and grab Pele’s hand, “I’m Countee and I think I already fall for her.” Sabay lingon niya sa akin at kindat.
Nang gabi din ‘yon. Naka-recieve akong text galing sa kanya.
Hey, this is Countee. Please do saved my number, I’m not a creep. Promise. :>
Paano niya nakuha ‘yong number ko? Sa pagkakantanda ko ni hindi ko naman binigay number ko dahil tinawag na siya agad ng mga kaklase niya after niya makipagshake-hands kay Pele—speaking of! Mukhang siya ang nagbigay. Pele naman!
I saved his number at nagreply sa kanya ng “Saved”.
And the entire night I caught myself smiling dahil sa palitan namin ng mga text.
Ito pa lang ang unang beses na may mag-initiate sa’kin na lalaki. Paglalandi na ba ‘tong ginagawa ko? Pero ganitong age naman talaga uso lumandi ‘di ba? Ano gagawin ko? Agad kong tinext si Pele para manghingi ng advice. But she keep teasing me at walang matinong sinasabi.
The next few weeks went normal—or I mean new normal for me. Lagi niya akong sinusundo pag may chance, lagi na rin siyang sumama sa mga lakad namin. I discovered he’s a theater student. Kaya naman mas busy siya sa akin at hindi kami ganoon masyadong nagkikita.
But two months had passed.
Biglang parang walang nangyari, hindi naman na siya nagtext ulit after at hindi naman kami nagkikita pag pumupunta kami sa college nila. Is this ghosting? Binalewala ko na lang since malapit na ang hell week.
Nag-aayos kami ng classroom para sa intrams nang biglang magkagulo ang mga kaklase ko sa pintuan. Parang may tiningnan sila at panay tili ng mga babae. Hahayaan ko na lang sana sila kaso hinila ako ni Pele at tinulak palabas ng pintuan. Kamuntik pa nga akong matumba buti na lang maayos ang balanse ko.
Nasa harap ko ang mga lalaking nakatalikod, nakasuot sila ng yellow na sweater. Ano meron? Tapos may balloon at flowers na nakakalat. Valentine’s Day ba ngayon? Pero ang alam ko October pa lang, ang advance ng mga taong ‘to. Isa-isang humarap ‘yung mga lalaking naka-sweater, may malaking letter na nakadikit sa harapan.
Letter I ‘yung una, sumunod naman ay L tapos O, V, E, Y, O, U.
Ano ‘to? Intermission? Pagkaharap nung pinakadulong lalaki, nagulat ako ng makita ko ang isang singkit na anghel sa dulo.
May hawak-hawak siyang bouquet ng red rose at tatlong heart shape na balloon.
Lumapit siya sa’kin sabay sabing, “I really like you, Nari Asuncion. Will you be my girlfriend?”
Narinig ko naman ‘yung sigaw ni Pele, “Go girl! Mag-Oo ka na kung hindi ako na lang!” Nagtawanan naman ang mga estudyante sa paligid.
This is the most cliché thing that I didn’t expect. Matapos di magparamdam may pa-surprise. Mga theater students talaga ang da-drama.
I smiled at him finally said, “Yes.”