EPISODE 7

1086 Words
Sa pagdaan talaga ng panahon maraming pwedeng mabago, maraming pwedeng mawala, at mayroon din maaring bumalik. Hindi natin hawak ang oras, wala tayong idea sa pwedeng mangyari. ‘Yong akala natin magtatagal ay maaring maagang magtapos. Na hanggang doon lang talaga kahit pa gaano natin ito alagaan at protektahan. We just can’t. Afterall, tao lang naman tayo. Hindi tayo Diyos para kontrolin ang sarili nating buhay o ng ibang tao. Ang kailangan lang natin ay tanggapin ang mga nawala at kailangan harapin ang bumalik. “Miss Nari?” Naramdaman ko ang bahagyang pagdiiin ni Countee sa pagkakahawak sa kamay ko dahilan ng pagkakabalik ng ulirat ko. Napansin ko ang lahat titig ng mga tao sa paligid. Mahina akong tumawa, “Haha. I’m sorry, I didn’t mean to space out. Alam mo naman, talking about our love story getting myself caught up in memories of the past.” Saglit na dumantay ako sa balikat ni Countee. Everyone smiling. Parang kilig na kilig sa narinig nilang kwento. Even Karen—the interviewer, was smiling sweetly to us. She even talk about kung paano niya naalala ang kabataan niya. Well, atleast her love story worked out. At nang masigurado ko ng nakaligtas na ako sa kahihiyan ko kanina ay umayos na ako ng upo. “By the way, uhm . .  what’s the question again?” “Oh yes, I’m asking what’s the feeling na isang Countee Lau ang magiging soon-to-be-husband mo, kasi alam mo naman everyone wishing that kind of dream right now and how did you handle seeing your fiancé having an on-screen loveteam with Fiona Valdez? And kumusta naman kayo ni Fiona after that incident?” I tucked some hair strands on my ear bago sumagot. “Well, you know, I just can’t express my words what I’m feeling right now. Parang everything I see has sparkles and rainbow. Gan’on naman ata talaga kapag mahal mo, ang cheesy right? Hahaha. And having an on-screen loveteam was okay with me, kasi every projects niya nagpapaalam siya sa’kin—well, hindi naman talaga kailangan since I know naman na it’s for work and he’s just doing his job as a professional. Pero ayon nga, he insist pa rin sa approval ko but yeah, I always approved naman.” Bahagya kong tiningnan si Countee kasabay ng pag-akbay niya sa akin. “And about Fiona, we’re good. Actually she and I we’re really friends. Alam niya ‘yong relationship namin ni Countee umpisa pa lang and sa kaniya nga namin unang in-announce ang engagement and she was so happy that day. And about what happened last week, I already send my sincere apologies to her about the incident at wala namang issue sa kaniya at naintindihan naman niya na may nagagawa talaga tayo kagagahan habang lasing.” Sagot ko kagaya ng ni-rehearse namin noong nakaraang araw. Karen nodded as she agree on what I said. “I’m really sorry especially to the fans.” Dagdag ko pa. “Afteall, naunang naging akin si Countee bago siya. Joke.” Sabay peace sign ko kahit wala ‘yon sa usapan namin. Ewan ko ba, iritang-irita talaga ako sa mukhang shrek na babaeng ‘yon. Meron siyang vibes na manggigigil ka sa kaniya. Friends my a*s. Neknek niya ‘no, and kahit pa mamatay ako never akong magso-sorry sa ginawa. Ang fulfilling kaya sa pakiramdam lalo na n’ong naiwan ‘yong marka ng kamay ko sa mukha. Hindi ko napigilan, I giggled when I remember that image. Natawa rin ang mga tao sa set dahil akala ata nila natawa ako sa huli kong statement. “And last na tanong for Countee, everyone knows that you dream to be an actor since you were a child; ilang beses mo ‘yon nasabi sa mga past interview mo and of course ne-featured din ‘yon sa life documentary mo na naipalabas kailan lang; the question is handa ka bang iwanan ang showbiz—huwag naman sana dahil malulungkot kaming mga fans mo ng sobra, to live a happy married life?” Countee cleared his throat, “Yes.” Bigla akong napalingon sa kaniya. Hindi ko kasi in-eexpect na sasagot siya ng solid yes, wala sa character niya na iwanan ang career niya because this was his first love. It caught me off guard nang bigla siyang lumingon sa akin at naglock ang aming mga mata. “Yes, I just want to live a happy married life with her. No cameras. No script. No schedules. Just me and her.” Ewan ko kung paandar lang ba niya ‘to o seryoso siya—or sadyang kapani-paniwala lang talaga ang acting niya. Afterall, siya ang artista sa aming dalawa. Natapos ang interview at agad kaming dumirtesyo sa parking lot. Hindi kami na kami nag-usap pagkalabas ng set hanggang sa makapasok na kami sa loob ng kotse. He started his engine at nagdrive na pauwi. “You did a good job.” Pagcompliment niya sa akin dahil maayos ang naging takbo ng interview. One week had already passed since our agreement. Isang linggo na rin na puro panaka-nakang interview ang ginagawa namin. Kaliwa’t kanan ang mga tanong. Everyone wants to know about our relationship. Sino nga ba naman hindi maloloka dahil ang isang sikat at pinagkakaguluhan na lalaki sa buong bansa—and take note may ka-loveteam, ay bigla na lang nagkaroon ng fiancé. Lahat sila gustong malaman kung sino ako, buti na lang at agad na na-block ng agency ang crucial information about sa’kin. I also contact Dr. Ferrer para secured na secured ang cancer information ko at baka mamaya dumagdag pa sa issue. Ayoko na maging komplikado ang komplikado. Nakarating kami sa condo niya. Pagkapasok namin sa loob agad siyang dumiretsyo sa loob ng kwarto niya habang ako naiwan dito sa sala. Isang linggo na rin namin iniiwasan na magsama sa iisang lugar kung hindi naman kinakailangan. Marahil parehas kaming nasu-suffocate sa isa’t isa. “Ugh!” Pabagsak akong umupo sa sofa at napasabunot sa buhok ko. Gusto ko na talagang matapos ‘to. “Anong ginagawa mo?” Pagsulpot niya sa likod ko. Nakasuot na siya ngayon ng t-shirt at jogging pants habang hawak-hawak ang tali ni George—ang Siberian husky na nasa tabi niya. “Arf!” Tahol ni George. “Wala nangangati lang ulo ko, bakit?” Pagdadahilan ko habang umaayos ng upo at sinusuklay ang nagulo kong buhok. “I’m gonna go for a walk with George. Magluto ka na ng dinner, nasa cabinet sa taas ‘yong mga condiments.” Sabi niya at hindi na hinintay ang sagot ko dahil dire-diretsyo na siyang lumabas ng unit ng condo. Naiwan ako mag-isa at ang ugong ng humidifier lang ang tangi kong naririnig. Hindi ko alam kung nakalimutan na ba niya pero. . . “Ako? Magluluto ng dinner, eh hindi naman ako marunong magluto?” Turo ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD