Napatakip ako ng ilong dahil mabahong amoy ng sunog na manok. Technically, ‘yong labas lang naman ang sunog. Paghinawa ko naman ay makikitang saktong pagkakaluto lang ang laman nito. Hindi ko kasi agad nailabas sa oven dahil busy ako sundan ang tutorial kung paano magluto ng sinigang na baboy sa youtube.
Lumapit ako sa kasirola at tinikpan ang sabaw nito.
“Pwe!” Agad kong dinura sa lababo at nagmumug ng tubig. “Bakit ang alat? Sinunod ko naman ‘yong tutorial ah.” Wala akong ideya kung bakit naging ganito ang las anito dahil sa pagkakatanda ko sinunod ko lahat ng instruction, ultimo ang tamang paghiwa ng bawang at sibuyas ay sinunod ko.
“Nahiwa pa nga ako oh.” Ani ko habang binabaling ang atensyon sa hintuturong may maliit na hiwa.
“Ah, bahala siya diyan kung kakainin niya or itatapon.” Kasalanan na niya kung magkasakit siya sa bato, hindi ko naman siya pipiliting kainin iyan. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ni Countee at bigla akong pinagluto, sa isang linggo kong pag-i-stay rito ay lagi lang naman siyang nagpapadeliver ng pagkain. Minsan may mg aumaga na siya ang nagluluto. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinagluluto at bakit ko naman siya sinunod? Wala naman sa usapan namin na magluluto ako. Ang naalala ko lang na napagkasunduan namin ay ako ang bahala sa gawaing bahay—katulad ng paglilinis at paglalaba.
Nawala ba sa isip niya na hindi ako marunong magluto? O baka akala niya marunong na ako dahil maraming pwedeng mangyari sa nagdaang panahon? Oo, natuto akong magsaing at magprito pero hanggang doon lang. Saka kahit papaano may hiya naman ako sa katawan at utang na loob na rin sa pagpapatuloy sa akin—kung pwede nga lang siya bayaran for compensation sa gulong ginawa ko, bakit hindi? Eh kaso hello, di na niya kailangan ng pera sa yaman niya at kung magpapabayad nga siya, saan naman ako kukuha ng pera eh mas mahirap pa ako daga? Wala nang laman ang atm ko maliban sa separation pay na natanggap ko sa last kong trabaho.
Buti nga at may youtube na para mas madaling sundan na instruction. Kaso hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nanyari. Remedyuhin na lang niya kung kaya niya, marunong naman siya magluto eh. Basta ako solve na ako rito sa manok, pwede nang pagtyagaan.
Naghain na ako ng kanin at ulam sa plato ko. Hindi naman kasi talaga kaming nagsasabay kumain, minsan sa kwarto niya siya kumakain o kung hindi naman pinapauna ko siyang matapos kumain saka ako lalabas ng kwarto ko. Ganoon ang routine namin dalawa, nasa loob kami ng iisang bahay pero parang maglayo ang pakiramdam.
“Oh, sabi na edible naman eh!” React ko pagkanguya ng manok. Sadyang nasunog lang talaga yong balat, pero ‘yong loob? Malinamnam, nanonoot ‘yong mga spices na nilagay ko.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding, ang mahabang kamay nito ay nakaturo sa itaas at ang maliit ay nakapwesto naman sa number 8. “Bakit kaya hindi pa rin siya umuuwi?” Apat na oras na ang nakakalipas nang lumabas siya kasama si George. Sa pagkakaalam ko, isang oras o dalawa lang pagnilalakad ang aso sa labas di ba? Bakit sobrang tagal naman niya at inabot na sila ng dilim sa labas.
Napatigil ako sa pagkagat ng legs ng manok, “Hala, hindi kaya may nangyari sa kanilang masama? Na-kidn*pped? O kaya nasaksak na siya at tinapon sa bukod? Hindi, hindi.” Iling ko. Si Countee Lau ang pinag-uusapan dito. Kung may nangyari man sa kaniyang masama ay ibabalita agad ‘yon sa news at magte-trending sa social media. Pero nakabukas naman ang T.V. at wala pa namang flash report na nangyayari. Kanina pa rin ako nag-scroll sa f*******: pero puro interview lang namin sa BuzzTalk ang nakikita ko.
“Bakit ba ako nag-aalala? Malaki na siya, kaya na niya sarili niya. Saka may dala kaya siyang malaking aso, kung may magtangkang mag-holdap sa kaniya nalapa na agad ‘yon ni George.” Pag-a-assure ko sa sarili ko.
Napatigil ako sa pagkutsara ng kanin nang bigla ako nahilo. Parang umiikot ang pailigid. Ang mga sagutan ng dalawang bida sa T.V. ay hindi ko na maintindihan. Para bang maliliit na bubuyog lang sila sa pandinig ko. Pakiramdam ko rin umaakyat muli ang lahat ng kinain ko sa lalamunan na pinipigilan ng katawan ko. ‘Yong pakiramdma na gusto mong sumuka pero hindi ka masuka. Nagsimula na rin sumikip ang dibdib ko, parang bumabara ang amoy humidifier sa ilong ko na imbis makatulong sa pagre-relax ay para akong sinasakal nito sa leeg.
Ngayon ko lang ulit ito naramdaman.
Pinilit kong tumayo kahit mitumba-tumba na ako at pumunta sa lababo. At walang ano-ano’y isinuka ko ang kakakain ko pa lang na kanin at manok. Nagmumog ako pagkatapos. Medyo nahimasmasan ako dahil sa nangyaring iyon ngunit patuloy pa rin ang pagkirot ng ulo ko.
“’Yong gamot ko . . .” Pinilit kong maglakad papuntang kwarto, mitumba-tumba ako at tanging pader lang umaalalay sa akin sa paglalakad. Halos paggapang na akong nakapasok ng loob ng kwarto, patuloy pa rin ang pagkirot ng ulo ko. “A-Aray. . . .” Sapo ko sa ulo ko.
Agad kong hinahaluglog ang maletang dala-dala ko noon. Halos nagkalat na ang mga damit sa sahig, “N-nasaan. . . na ‘yong. . . g-gamot?” Naiwan ko ba sa apartment ‘yong painkiller na nireseta ni Dr. Ferrer? Kung hindi ka naman minamalas oh.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mangiyak-ngiyak na ako sa sakit. Hindi ko na kaya. “P-Pele . . .” Kailangan kong humingi ng tulong. Kailangan ko matawagan si Pele bago dumating si Countee. Hindi niya ako pwedeng abutan nang ganito.
Pinilit kong gumapang palabas ng kwarto. Nasa may pintuan na ako ng . . .
“Arf!” Rinig kong tahol na nanggaling sa front door ng condo.
Agad akong umatras at ni-lock ang pinto. Malabo man ay narinig ko ang pagpasok ni Countee at George sa loob ng sala.
Napasandal na lang ako sa pinto at nakaposisyon na parang sanggol. Napasabunot ako sa buhok ko sakaling mawala ang kirot na nararamdaman nito. Para bang binibiyak ang bungo ko at para bang may napupunot sa loob. Sobrang sakit.
“Gising ka pa ba?” Katok niya sa pinto. “Naiwan mong nakabukas ‘yong T.V. at mga pinagkainan mo sa lamesa.”
Hindi ko siya sinagot sa halip ay pinigilan kong gumawa ng ingay kahit pa gustong-gusto ko ng sumigaw sa mga oras na ito. Napakagat ako sa labi ko habang dinidiinan ang paghila ng buhok ko sa anit kahit pa ngayo’y nanginginig na ang mga daliri ko.
Nagulat ako nang bahagyang kumalabog ang pinto. “Arf! Arf!” Ilang beses pang natamaan ng pinto ang likod ko dahil sa malakas na impact kaya naman napasalampak na lang ako sa sahig. “Arf! Arf!”
“George, stop. She’s already sleeping.” Rinig ko sa labas ng pinto.
Nakasilip lang ako sa ilalim ng pintuan, pinagmamasdan ang paglayo ng mga paa nila sa kwarto ko. Pakiramdam ko nasa loob ako ng freezer, sobrang lamig ng pakiramdam ko pero ramdam na ramdam ko ang tagaktak ng pawis ko na kanina pang tumutulo. Basang-basa na ang likod ng t-shirt kong suot.
“C-Counte . . .” bulong ko hanggang sa magdilim ang paningin ko.