“Gising ka pa ba?” “Naiwan mong nakabukas ‘yong T.V. at mga pinagkainan mo sa lamesa.” “Arf! Arf!” “George, stop. She’s already sleeping.” Kung pwede ko nga lang patigilin ang oras o kaya naman ibalik ang nakaraan at baguhin lahat ng naging desisyon ko sana ginawa ko na. Subalit gan’on nga talaga siguro ang buhay ng tao, hindi natin pwedeng pakialaman ang mga nagawa na nating pagkakamali. Minsan tinatanong ko ang Diyos sa pagiging hindi patas sa’kin. Bakit niya binabawi ang lahat sa akin? Hindi naman ako masamang tao. Kahit kailan hindi ko nagawang mantampak ng iba. Pero gan’on nga siguro, lahat ng bagay may limitasyon, kasama na ang buhay ko. Sinbukan kong sumingap ng hangin paulit-ulit, umaasang maging sapat ang oxygen sa buong katawan ko. Sabi nila pag malapit ka na raw kunin ng

