“Ma, Pa, sa tingin niyo tama ba ang naging desisyon ko?” Ani ko sabay buntong-hininga. “Isang linggo pa lang ang nakakalipas pero parang gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin kung mas magtatagal pa na nasa iisang lugar kami ni Countee. Para akong hindi makahinga sa tuwing nakikita ko siya at gustong bumigay ng mga tuhod ko sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatiis. Eh hindi naman ako malakas, alam niyo namang duwag ang anak niyo. Hindi ako marunong lumaban.” Muli kong sinindihan ang dalawang kandila na namatay dahil sa biglang pag-ihip ng hangin. Napatitig ako sa isang lapida na may dalawang pangalan; Narciso Asuncion December 2, 19xx – March 1, 20xx Ricalina Asuncion February 12, 19xx – June 16, 20xx “’De bali malapit niy

