“What are you doing out there?” Seryosong tanong ni Countee pagkapasok ko ng unit ng condo niya. Akala ko mauunahan ko siyang umuwi pero nang dahil nangyari kanina sa sementeryo, nahirapan kami makaalis agad. “A-Ano… May d-dinalaw lang.” “Who?” “A-Ano… Basta!” Hindi ko masabing mga magulang ko dahil ang alam ni Countee nasa probinsya lang sila. Wala siyang kalaam-alam sa mga nangyari nang nagdaang taon. Naalala ko pa he even mentioned kung ayos lang ba sa mga magulang ko ang magiging set up naming dalawa. As if naman na makakapagrelamo pa sila unless na lang kung bigla silang dumalaw sa panaginip ni Countee. “Gaano ba ‘yan ka-importante at hindi mo magawang pumirmi sa bahay? You didn’t even bother telling me na lalabas ka. ‘Di ba pinag-usapan natin na kung may plano kang lumabas ay ipa

