RAMDAM ni Evo ang init ng mga labi ni Serene. Kasabay ng pagkidlat ay ang pagbagsak ng napakalakas na ulan at pagsimoy ng napakalamig na hangin ngunit ang dalawa ay tila ba hindi iniinda iyon dahil sa init ng kanilang mga katawan. Sa pagkakataong iyon, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Evo. Dinama niya ang bawat saglit hanggang sa hinayaan ni Serene si Evo sakupin siya. Mainit ang palitan ng kanilang halik. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Evo sa paghaplos niya sa mukha ni Serene. Hanggang sa pumaibabaw si Evo. Saglit na pinagmasdan niya si Serene. Kitang-kita niya sa mukha nito ang takot at pag-aalinlangan. Natigilan si Evo. Nakaramdam siya ng guilt sa nakitang reaksyon ni Serene. Itutuloy pa ba niya? Pero lakas loob na hinila ni Serene ang ulo ni Evo at ibinalik ang maiinit na halik sa

