ISANG linggo rin ang dumaan ng pagbabakasyon nila sa resort na iyon. Nag-enjoy naman sila ngunit kinailangan nilang umalis na dahil pabalik na si Lucille sa US. May mga dapat pa siyang ayusin sa kumpanya nila. Nagsimula na ring gawin ang mga establisyimento na nakaplanong itayo sa lugar na iyon. Isa sa mga tao ni Lucille ang pinauwi niya sa Pilipinas upang siya ang magpatuloy sa pag-aasikaso sa tumatakbong konstruksyon sa resort ni Mister Muñoz. “I am so sad na uuwi ka na, but I feel so grateful that you made this project happen,” wika ni Mister Muñoz kay Lucille. “Alam mo naman ako, Mister Muñoz. Ayaw ko ng nadi-disappoint ang mga kliyente kaya hangga’t kaya ko gagawin ko ang lahat para makuha ang gusto ng mga clients namin,” pagmamalaki ni Lucille. “I know . . . I know . . . para maka

