“TANG*INA! Napakalandi talaga ng Serene na ’yon. Sa harap ko pa talaga?!” Halos mawala sa balanse si Stella sa kalasingan. Nasa isang bar siya kasama ang kaibigang si Lindsay. Gabi-gabing nilalasing ni Stella ang sarili upang mawala ang sakit na nararamdaman dahil sa nalamang magkarelasyon na si Serene at si Evo. Kasabay ng malakas na tugtog ng musika ay ang sunod-sunod niyang pagsigaw na tanging si Lindsay lang ang nakapapansin. Walang pakialam ang ibang taong nasa loob ng bar dahil nga naman sa kalasingan ni Stella. Pero si Lindsay ay para bang hindi mapakali sa mga ginagawa ni Stella. “Girl, stop it! Nakakahiya!” awat ni Lindsay sa kanya nang ipagtatapon niya ang mga bote ng alak na nasa mesa. Stella got herself wasted. “Huwag mo akong pigilan! I can do whatever I want!” buntal ni

