Mula sa kotse ay umibis si Levi. Pinindot niya ang doorbell ng gate at hinintay na pagbuksan siya ng kaibigan. Mga ilang minuto rin siyang naghintay bago lumabas si Tessa. Kumunot ang noo ni Tessa, wala naman siyang inaasahang bisita. Napansin niya ang isang magandang babae na nakasilip sa kanyang apartment. Napanguso si Tessa. Hindi naman niya kilala ito. Naisip din niya, baka siguro naghahanap ito ng apartment na matutuluyan. "Hello, ano'ng atin Ms.?" masiglang tanong ni Tessa habang binubuksan ang gate para makapasok ang magandang panauhin. "Ahm, gusto ko sanang magtanong kung may bakante pa kayong apartment," sagot ni Levi. Medyo nagulat si Tessa sa boses na iyon ng babae, her voice sounds familiar, pero agad din niyang iwinaksi iyon sa kanyang isipan at hinarap ang kanyang panauh

