Subsob ngayon si Levi sa harapan ng kanyang computer. Napahilot siya sa sariling sentido. Nang pukawin siya sa tunog ng intercom. Boses iyon ni Mike. Humihingi na naman ito ng Brewed Coffee. Lihim siyang napangiti. Pero hindi niya pa rin maiiwasan ang sarili na kabahan sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin, kaya minsan ibinaling niya ang tingin sa ibang direksiyon. Dahil sa tuwing tititigan niya ang mga mata nito'y parang nahipnotismo siya. Agad siyang nagtimpla ng kape at nagmamadaling inihatid sa opisina nito. Inilapag niya ito sa mesa ng binata, nagtanong muna siya kung mayron pa ba itong ipag-uutos nang tumango ito. "Masakit ang ulo ko, marunong ka bang magmasahe?" pormal na tanong ni Mike sa kanya. "Yes sir," maagap niyang sagot. Mabilis ang kilos niya na lumapit dito. Nangingi

