Pinaimbestigahan ni Mike si Elvie sa private investigator na kinontak niya, batid niyang may itinatago ang babae, para sa kanya napaka-misteryoso nito, hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto lang niyang makasiguro. Naging malapit kase ang anak niya dito na lubos niyang ipinagtaka. Ano'ng meron sa babaeng 'yon at gano'n na lang ka bibo ang anak niya dito? Hindi ugali ni Lucas na makipag-usap sa mga taong hindi nito lubos na kilala. "Lucas, come on," tawag niya sa anak. Napasulyap ang dalawa sa kanya. Nagmamadaling hinila naman ng bata si Levi at nagpatianod dito. "Isasama na ba natin si Elvie, Papa?" masiglang tanong nito sa kanya. Tumango siya sa anak, ni hindi man lamang niya sinulyapan ang dalaga. Sanay na si Levi sa pabago-bagong mood ng asawa. Hindi na iyon bago sa kanya. Suma

