Chapter 58 Sobia's PoV “Tingin ko ay may idea na ako kung sino. Kung sino ang gumugulo sa atin. Kung sino ang gustong pabagsakin ka.” Nakakuyom ang kamao ni Drei habang hawak ang huwad na diary ni Shobi. Parang dudurugin niya na ang notebook. Galit na siya. Kahit wala siyang sabihin, sa pag kunot pa lang ng noo niya ay alam mo na. “Sino sa tingin mo?” tanong niya na bagamat hindi tonong galit pero nakakatakot. Parang nagbababala. “Wala pala akong idea,” sagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung sino ang pinaghihinalaan ko. Baka kasi mali ako. Hindi ako sigurado at wala akong ebidensya. Saka ang hirap tanggapin kung siya nga ang nasa likod ng lahat ng panlolokong ito. Kaya mas mainam na nga siguro kung huwag ko munang sasabihin sa kanya hanggat wala pa akong malakas na ebidens

