Chapter 57 Sobia's PoV Hindi ako makapaniwala sa mga sinulat ni Shobi sa diary niya. Ibang iba ang personality niya sa mga pinagsusulat niya. At mukhang totoo lahat iyon. Ang hirap lang paniwalaan na ang kambal ko ay kayang gumawa ng mga ganong bagay.Tunay ngang mapaglinlang ang itsura. Hindi lahat ng iyong nakikita ay totoo. At si Drei at Shobi ang patunay. Sino mag-aakala na sa likod ng maamo at magandang mukha ni Shobi ay isang babaeng baliw sa pag ibig na handang gawin ang lahat makuha lamang ang gusto. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa nakaka-kilabot na mga pinagsusulat niya sa kanyang diary. Sept 16 Ramdam ko ang disappointment ni Drei when he found out that I wasn't a virgin anymore. He began to be nonchalant more than ever. Sobrang cold niya sa akin. Hindi rin siya masaya

