Chapter 56 Sobia’s PoV Binasa ko muli ang diary ni Shobi na nasa pangangalaga ni Drei. Hindi ko lang mapaniwalaan ang mga sinulat ni Shobi. Walang duda na si Shobi nga ang nagsulat nito dahil marami siyang love letter para kay Drei at mga documents na si Shobi mismo ang nagsulat at nakapirma. Hindi ko pa nabasa ng buo ang diary pero sapat na ang mga bagay na nabasa ko para mayanig ang tiwala ko kay Shobi at mamantsyahan ang magandang imahe niya sa publiko. January 20 Kahit siguro gaano ako ka-demonyo ang ugali, tinatablan pa rin ako ng konsensya. Lahat gagawin ko para lang mapasa-akin si Drei. Sa akin lang. I love him so much that I rather see him miserable, helpless, even dead, kung hindi rin lang siya maaangkin at sa iba siya mapupunta. Una kong nakita si Drei when we were in colle

