Chapter 50 Sobia's PoV Hindi talaga ako makatulog, ang daming bumabagabag sa puso at isip ko. Narito nga ako sa bahay ni Chad pero ang isip at puso ko ay naroon sa mansyon, sa master's bedroom, doon sa kama namin ni Drei. Pilit kong winawasiwas ang alaala ni Drei, kailangan huwag ko siyang isipin kung gusto ko siyang makalimutan. Si Chad… Should I give him a chance? Pero hindi naman talaga ako ang gusto niya, kundi si Shobi. Ang daming nagmamahal sa kambal ko. Kahit na wala na siya, nananatili pa rin ang alaala niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil bakit parang naiinggit ako sa kambal ko? Bakit kung kailan wala na siya ay saka ko ito nararamdaman? Muling naglakbay ang alaala ko sa nakaraan, sa panahong nasa ampunan kami. FLASHBACK. . . Dalawang taon matapos ampunin si S

