Chapter 46 Paloma’s PoV “Kahit pa tignan mo, virgin pa 'ko!” bulalas ko habang naka kuyom ang aking mga kamao nang napikon ako kay Rene. Mukha lang akong malandi pero virgin pa ako. Kung hindi lang niya ako nahuli kanina sa paglabas ng master’s bedroom ay hinding hindi ko ito gagawin. "Sure, patingin.” Napa pigil na lang ako ng hininga nang sinabi ni Rene na gusto niya makita na virgin pa ‘ko? Napa atras ako ng hakbang nang lumakad siya papunta sa akin. Napa upo tuloy ako sa gilid ng kama nang narating ko na ang hangganan ng espasyong pwede kong atrasan. Biglang bumilis ang dagundong ng dibdib ko. Mukhang na-init siya nang sinabi kong birhen pa ako. Mali yatang sabihin ko ‘yun. “Ahm, nag jo-joke lang po ako Manong Rene,” nanginginig kong sabi pero patuloy lang siyang humakbang palapi

