Chapter 45 Paloma's Pov Bagamat mugto ang mga mata ni Sobia sa kakaiyak, hindi niya mapigilan ang tawa niya nang magkita kami sa bahay ni Dr. Chad para mag report ako sa kanya. “That was so funny, Pam. Thank you pinasaya mo 'ko.” Napa-irap na lang ako. “Tuwang-tuwa ka na sinabihan ako ng damuhong ‘yon na tita.” “Hindi naman-- “ “Yeah, I get it. I get it. Masayang masaya ka kasi kilig na kilig ka–” “Pam! Hell no!” Humagikgik na lang ako dahil ang sarap niyang asarin. “Naawa talaga ako sa ‘yo, Boss. Pero 'di ba dapat talaga maging masaya ka na? Hindi mo lang napatunayan na hindi ka lang basta mahal ni Drei, kundi loyal pa siya sa'yo.” Tanging tipid na ngiti lang ang sagot niya. Inutusan niya akong tuksuhin si Drei. Ayoko sana dahil sobrang hottie naman talaga ni Sir Drei baka makali

