Chapter 48 Masinsinan ang pag-uusap namin ni Paloma nang bigla na lang bumukas ang pinto at nakisabat sa usapan namin si Chad. “Anong nararamdaman mo sa akin, Bia?” Natuod ako sa kinauupuan ko. Napahawak na lang ako kay Paloma. Bigla kasi akong nakaramdam ng tensyon. Hindi siguro ramdam ni Paloma ang bigat ng paligid nang biglang dumating si Chad pero iba ang impact nito sa akin. Sasabihin ko sana kay Paloma kung ano ang masamang kutob ko kay Chad nang heto naman biglang sumulpot. Kaya ganun na lang ang kaba na nararamdaman ko. Hinihintay ni Chad ang sagot ko. Simula nang matuklasan ko ang secret room niya at misteryosong babae na nakahiga sa kwartong iyon, iba na ang kutob ko kay Chad. Parang sa maamo niyang ngiti ay nakakubli ang isang madilim na awra. Dati kaming magkasama sa am

