Chapter 12

1743 Words
ONE WEEK LATER: MABILIS lumipas ang mga araw. Mabilis kumalat sa internet na nakabalik na ng bansa ang isang run-away tycoon billionaire na si Tiger Madrigal! Kaliwa't kanan ang tumatawag na network para kunin ito pero– wala sa mga iyon ang tinanggap niya. Not even his old network. Naka-focus ito sa isang bagay– sa isang tao. Kay Katelyn. “See? Si Tiger ang hinihintay ng kapatid mo, son. Look at her progress now,” naluluha at nakangiting saad ni Mrs Dolores. Napangiti din si Heath na tumango-tango. Iniabot sa kanyang ina ang result ni Katelyn at nakumpirma nilang malaki na nga ang progress ng dalaga. She's stable now. Hindi na rin nagfaflat ang heartbeat nito sa monitor. She's no longer in danger. Hinihintay na lamang nilang magising ito, one of these days. “Nagalit lang naman po ako kay Tiger dahil sa sinapit ni Kate, Mommy. But after all, it's not his fault anyway. It's Kate's choice. Hindi na kasalanan ni Tiger na naging miserable si Kate sa pag-alis niya. Lalo na nang malaman nitong may asawa na si Tiger. Good thing, Tiger divorced his ex-wife. Malaking pag-asa na kakapit si Katelyn at makakayang bumangon because she still has a reason to fight for.” Sagot ni Heath sa ina nito. “Look at him. Do you think he's not in love with your younger sister, Heath? You're a man too. Ikaw ang makakapagsabi sa atin kung may gusto din ba si Tiger kay Kate. Kasi kung pagbabasehan ko ang mga kilos and the way he stares to your sister? I can say that he loves your sister too.” Wika ng ginang na nakamata kay Tiger. Magmula dumating ito ng bansa, halos hindi ito umaalis sa tabi ni Katelyn. Ito na rin ang nagpapalit sa dalaga at nagpupunas araw-araw kay Katelyn. Palagi din nitong kinakausap si Katelyn, hawak-hawak ang kamay nito at doon na sa tabi ni Katelyn natutulog kahit nakaupo siya sa silya. He don't mind even his back aches. “I'm not that sure, Mom. Mahal naman po talaga ni Tiger si Kate. Hindi lang ako sigurado kung bilang matalik na kaibigan ang pagmamahal na iyon. . . or something more.” Sagot ni Heath na ikinailing ng ina nito. “Haist. Bakit sa'yo pa kasi ako nagtanong e. Wala ka namang niligawan ni minsan. I better ask Tiger than asking someone that NGSB person like you,” naiiling saad ng ina nito. Mahinang natawa si Heath at napailing. “Mommy, ako po kasi ang nililigawan ng mga girls,” bulong nitong nakurot ng kanyang ina sa tagiliran. “You silly brat. Manang-mana ka ng kahanginan sa ama niyo. Mabuti na lang, namana niyo ang genes ko,” ingos ng ginang dito. Natawa naman ito na inakbayan ang kanyang ina. Pinagmamasdan si Tiger at Kate sa kama. Kakatapos lang punasan at bihisan ni Tiger ang dalaga. Ngayon naman, he's reading books for her just like the old days. Gustong-gusto kasi ni Katelyn ng mga libro– romance book to be exact. Kaya nadadamay si Tiger dahil gusto ng dalaga na si Tiger ang nagbabasa at nakikinig ito. Tiger has a deep and soft voice. He can sing very well and known as the heartstoler balladeer of the country. Wala lang sa vocabulary nito ang maging professional singer dahil hobby niya lang iyon. Lahat naman sila sa pamilya ay marunong kumanta. Talents, looks, charisma, dignity, brains--they have it all. There's nothing else you could ask for. ISANG umaga, habang binabasahan ng romantic book ni Tiger si Katelyn, naagaw ng pansin nito ang kamay ng dalaga. Napalunok si Tiger na bumilis ang t***k ng puso! Nakita kasi nitong. . . gumalaw ang daliri ni Katelyn! “K-kate,” nauutal niyang sambit na napatayo at ibinaba ng hawak na libro sa gilid ng mesa. “Tiger anak, what's wrong?” tanong ni Mrs Dolores na malingunan si Tiger na namumutla at sinusuri si Katelyn! Nagmamadali itong lumapit sa gawi ng dalawa. “T-tita, I saw it po. G-gumalaw ang daliri niya kanina,” nauutal na wika ni Tiger! “Ano?! Gumalaw na ang anak ko?!” bulalas ng ginang na kaagad tumawag sa nurse station! Ilang segundo lang, dumating ang mga nurses at si Heath na patakbong lumapit kina Katelyn! “Ano'ng nangyayari dito?” tanong ni Heath na kaagad sinuri ang kapatid niya. “G-gumalaw kasi ang kamay niya, Hea–doc. How is she? Maayos naman ang vital signs niya, right?” tugon ni Tiger dito na tumango. Matapos masuri si Katelyn, pinalabas na ni Heath ang mga nurses. Nagpaiwan na muna siya sa silid dahil alam niyang ilang segundo na lamang. . . magigising na si Katelyn! “Kate, do you hear me? Ako ito, ang kuya mo. Alam mo bang more than a month ka nang walang malay? Hindi pa ba masakit ang katawan mo na nakahiga sa kama, hmm?” pagkausap ni Heath sa kapatid nito. Ginagap nito ang palad ng dalaga at mariing hinagkan iyon. “Wake-up, Kate. Nandito ang mga taong nagmamahal sa'yo. Nandito kaming pamilya mo na naghihintay na magising ka na. Ako, si mommy– at si Tiger. Kapag hindi ka pa gumising. . . palalayasin ko na si Tigre dito, sige ka. Kasi– patunay lang iyon na wala siyang maitutulong sa pag-recover mo,” saad pa nito. “Teka lang naman, dude. Maayos tayo a. You're not serious about that, right?” apila ni Tiger sa tinuran nito. “C'mon, doc. Kaya kong alagaan si Kate–” Natigil ang pagsasalita ni Tiger nang makita ng kanyang mga mata. . . na gumalaw ang talukap ng mga mata ni Katelyn! “Oh God! Katelyn!?” bulalas ng ginang na napaupo sa gilid ng kama at ginagap ang isang kamay ni Katelyn. “K-kate,” nauutal na sambit ni Tiger na namumutla habang nakatulala sa dalaga. Para silang nabunutan ng malaking tinik na nakatarak sa dibdib nila nang tuluyang nagising ang dalaga! Dahan-dahang nagdilat ng mga mata si Katelyn na pinoproseso pa ng isipan ang mga nangyayari! “Anak ko! Gising ka na nga! Salamat sa Diyos dahil ibinalik ka niya sa amin!” bulalas ng ginang na napahagulhol na niyakap si Katelyn! Natuod sa kinatatayuan si Tiger na tuluyang nagising na nga si Katelyn! Kahit iyon naman talaga ang ipinagdarasal nilang lahat– na-shocked ito na hindi kaagad nakabawi na makitang nagdilat na ng mga mata ang dalaga! “I know you can, sweetie. Salamat at lumaban ka. We can't afford to lose you, Kate. Hwag mo kaming iiwan ni mommy, okay?” naluluhang saad ni Heath na niyakap din ito. Naguguluhan man, natigilan si Katelyn nang magsalubong ang mga mata nila ni Tiger! Akala niya ay namamalikmata lang siya na nasa harapan niya si Tiger kaya nakatitig lang siya sa binata at pinagmamasdan itong maigi. “Uhm, Mom, sa tabi muna tayo.” Bulong ni Heath sa ina nila na mapansing nakatitig si Katelyn kay Tiger. Nagpahid ng luha ang mga ito at hinagkan pa sa noo si Katelyn bago sila tumabi para bigyan ng moment ang dalawa. “H-hi,” nauutal na pagbati ni Tiger dito. Para itong maamong tuta na dahan-dahang naupo sa gilid ng kama at lakas loob na hinaplos sa ulo si Katelyn. “W-who are you? Sino kayo? Bakit kayo nandidito?” naguguluhang tanong ni Katelyn na ikinatigil ng mga ito! Nagkatingan silang tatlo na nagulat sa narinig mula sa dalaga! Kahit mahina lang ang pagkakasabi no'n– malinaw nilang narinig ang sinabi nito! “W-what do you mean– who am I, Kate? Hindi mo ako natatandaan?” nakatulalang tanong ni Tiger dito na marahang tumango! Kaagad namang pumagitna sina Heath at Dolores sa dalawa. “Teka– ako, natatandaan mo ba ako, Kate?” namumutlang tanong ni Heath dito! Naipilig nito ang ulo na matiim na nakatitig sa binatang doctor na kausap niya. Naguguluhan pa rin at hindi malaman kung ano ang dapat gawin lalo na't. . . wala siyang maalala! “H-hindi. Do I know you?” balik tanong ni Katelyn dito na nanigas sa narinig at tumulo ang luha! “This can't be. S-she has. . . a temporary amnesia?” usal ni Heath na ikinasinghap ng ina nila! “Ano? Amnesia? No! No! No! No! Hindi ito maaari, Heath! Hindi tayo pwedeng makalimutan ng kapatid mo!” hysterical na sigaw ng ginang at hinawakan sa kamay ang anak nito. “A-anak, tignan mo akong maigi. Ako ito– ang Mommy Dolores mo. Itong katabi nating doctor? Siya ang Kuya Heath mo. Kapatid mo siya, okay?” pagkausap nito sa dalaga. Hindi man sigurado, marahang tumango si Katelyn at dama niyang hindi nagsisinungaling ang mga kaharap niya. “Oh God! What's this? Gagaling ka, anak ko. Gagaling ka.” Usal ng ginang na mahigpit itong niyakap. “H-how about him? Who is he?” mahinang tanong ni Katelyn na nakamata kay Tiger! Kumalas ang ginang sa pagkakayakap dito. Hinaplos sa ulo ang anak nito at pilit na ngumiti sa dalaga. “Uhm, be–” “Baby mo,” tuloy ni Tiger sa sasabihin ni Heath na ikinatigil ng mag-iinang napalingon sa kanya! Maging si Heath ay napakurap-kurap na namimilog ang mga mata kay Tiger! “H-hoy, siraulo ka, Madrigal. Ano'ng baby?” pabulong sikmat ni Heath ditong napangisi. “Why? Did I say something wrong, dude?” nakangisi nitong tanong sa binata. “Baby niya naman talaga ako, hindi ba?” tukso pa nito na pabirong sinukmuraan ni Heath! Impit namang napadaing si Tiger na napahawak sa tyan niya. Idinaan niya lang sa tawa dahil nakamata si Katelyn sa kanilang dalawa ni Heath. "Baby kita? How? Paano kita naging anak ang laki mo na," nalilitong tanong ni Katelyn ditong ngumiti na naupo sa tabi ng dalaga. "Oh, you got it wrong, Kate. What I mean is. . . I'm your baby. Hindi mo ako anak pero--pwede tayong magkaanak. What do you think, baby? Kaya mo na ba?" pabirong sagot ni Tiger na ikinamula ng mukha nito! "Hoy, Madrigal, magdahan-dahan ka naman!" sikmat ni Heath na binatukan itong napahalakhak! "Teka, kuya, don't hit him," nag-aalalang wika ni Katelyn na ikinanguso nitong inirapan si Tiger na pangiti-ngiti. "Don't mind him, baby. Gano'n kami maglambingan ng kuya mo." Kindat ni Tiger na ngumiti dito. "Come here, I want to hug you tight. I miss you so much, Kate. Napakasaya kong. . . nagising ka na." Wika ni Tiger na maingat itong niyakap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD