TAHIMIK si Mrs Dolores habang nasa balcony ng silid at iniwan na muna ang dalawa sa loob para bigyan privacy si Tiger. Sa loob niya, galit siya sa binata dahil si Tiger ang dahilan ng paghihirap ng kanyang dalaga. Maging kung bakit ito comatose ngayon. Pero alam niya rin, na malaki ang maitutulong ni Tiger para sa pag-recover ng anak niya. Alam niyang mahal na mahal ni Katelyn si Tiger at tiyak na magiging masaya ang anak niya na nandidito si Tiger sa tabi niya. Because that is what all she wanted. To be with her bestfriend– with Tiger.
“Fight for us, Kate sweetie. I promise you, if you'll come back? I will support you and give everything that you wanted. Gumising ka na, anak ko. Kayo na lang ni Heath ang meron ako. I already lost your dad, I can't afford to lose a daughter. You are my only princess, Katelyn. You are my treasure. Mahal na mahal kita, anak ko. And I'm so sorry for not understanding you,” usal nito sa isipan na naaalala ang pagtatalo nila ni Katelyn noong huling nagkausap sila.
Pinalayas niya pa ang dalaga at pinagsalitaan ng mga masasakit na salita. Pero ngayon na nag-aagaw buhay ang anak niya, wala siyang ibang hiling kundi ang gumaling na ito at makabalik sa kanila. Alam niyang napasobra ang mga naisatinig niya sa anak niya. Pero dala lang iyon ng pag-aalala niya dahil sa palaging paglalasing ni Katelyn. Ni hindi na nga ito kumakain nang maayos dala ng pagmumokmok nito.
Lumingon siya sa loob ng silid at napangiti na makitang yakap-yakap pa rin ni Tiger si Katelyn at kitang umiiyak ang binata habang kinakausap ang anak niya. Nagpahid ito ng luha na yumuko at piping nagdasal. Nagdasal sa Maykapal na bigyan pa ng Diyos ng isa pang pagkakataon ang anak niya para mabuhay nang masaya kasama ang mga mahal niya.
****
"I'm so sorry for abandoning you, Kate. But it doesn't mean that I already forgot you. I was wrong. Nagkamali ako na lumayo pa ako para magpahilom. Ang dami kong gustong ikwento sa'yo. Kaya gumising ka na, hmm? This time, ako naman ang mag-aalaga sa'yo, I promise," umiiyak na pakiusap ni Tiger sa dalagang wala pa ring malay.
Napasuri siya sa kabuoan ni Katelyn at lalo siyang nadudurog na makita ang malaking pagbabago sa dalaga. Pumayat na ito. Napakaputla ng kulay. Nanlalalim ang mga mata at wala na din laman ang pisngi nitong humumpak na.
"Please, comeback. I promise you this time. . . I will make you the happiest woman every single day on this planet. Nandito na ako, Kate. You can do it, right? Kaya mo namang lumaban para sa akin, 'di ba? You are the most bravest person I have ever known. I know you can. Ikaw pa ba? Malakas ka at naniniwala akong hindi mo kami iiwanan," wika nito na patuloy ang pagtulo ng luha habang nakamata sa dalaga.
Bumukas ang pintuan pero hindi ito nag-atubiling lumingon. Kahit kasi hindi siya lumingon, alam na niya kung sino ang pumasok.
"Your time is up, Tigre. Umalis ka na-- at hwag nang babalik dito," malamig na wika ni Heath.
Nagpahid ito ng luha na mapait na napangiti. Kahit ayaw niya pang iwanan ang dalaga, ayaw naman niyang magalit si Heath at lalo siyang pagbawalan na dalawin si Katelyn.
"I'll go ahead, sweetheart. Magpalakas ka ha? Babalik ako mamaya," pamamaalam nito sa dalaga at magaang hinalikan sa noo si Katelyn.
"Umalis ka na nga! Hwag ka nang babalik ha? Pinagbigyan na kitang makita siya, Tiger." Pagtataboy ni Heath dito.
Hinarap niya si Heath at sinalubong ang mga mata nito. Maging si Heath, malaki na sin ang ipinagbago. Katulad kasi ni Katelyn, masayahin itong tao at makulit din. Pero ngayon? Walang mababakas na emosyon sa mga mata nito. Napakalamig niyang tumitig at walang kangiti-ngiti sa mga labi.
"We own this hospital, Heath. Alam kong galit ka sa akin. Pero kailangan ako ng kapatid mo. She wants me here. Please, hwag mo naman akong ipagtabuyan oh?" pakiusap ni Tiger dito na nag-igting ang panga.
"Yeah, sa inyo ang hospital na ito. But this is not just the only famous hospital here in the city. Kaya kong ilipat ang kapatid ko sa ibang hospital para lang mailayo sa'yo. I can even resign here, Tiger. Kaya hwag mong gamitin na dahil sa inyo ang hospital na ito-- ikaw na ang masusunod dito. Let me just remind you," madiin at malamig na wika ni Heath saka ito hinawakan sa balikat na may diin. "You are just one of her friends. Wala kang karapatan sa kapatid ko. Ako ang masusunod dito. Naiintindihan mo?"
Napailing si Tiger na nagpipigil sa pangingilid ng luha. "I'm not just one of her friends, Heath, you know that. Alam kong galit ka sa akin at oo, kahit isisi mo sa akin ang nangyari kay Kate? Tatanggapin ko. Gusto mo akong sapakin? Gawin mo. Magpapabugbog ako sa'yo, Heath. Para maibsan 'yang galit sa puso mo. Lahat gagawin ko. . . hayaan mo lang akong makalapit kay Katelyn." Naluluhang sagot ni Tiger dito na naikuyom ang kamao.
"You asked for it, Tiger. Okay, I'll do you a favor." Wika ni Heath at malakas itong sinapak sa mukha!
"Tiger!" sigaw ni Lewis na tinakbo ang kapatid nito!
Muntik pang sumubsob sa sahig si Tiger sa lakas ng pagkasuntok sa kanya sa mukha ni Heath! Idagdag pang hilong-hilo pa siya sa mahabang byahe. Pumasok na rin ang ina ni Heath na marinig si Lewis!
"I'm okay, dude. Let him hit me." Wika ni Tiger na pinahid ang tumulong dugo sa kanyang ilong!
Napangisi si Heath na kinabig ito at muling sinapak sa mukha!
"Heath, that's enough, anak!" sigaw ng ginang na kaagad niyakap ang binata nito!
"He asked for it, Mommy. Binibigyan ko lang siya ng pabor total gusto niya namang ipabasag ang pagmumukha niya sa akin. Saktong sakto, dahil gustong-gusto kong basagin ang pagmumukha ng gagong 'to sa pagpapahirap kay Katelyn!" galit na sigaw ni Heath at muling sinugod na sinapak si Tiger!
"Anak, tama na! Hindi magugustuhan ni Katelyn na sinasaktan mo ang lalakeng pinakamamahal niya! Si Tiger, kailangan siya ng kapatid mo, anak. Hwag kang magpadala sa emosyon mo. Tama na, please? Hindi ito makakatulong sa kapatid mo," pakiusap ng ginang sa anak nitong napasigaw sa inis na sinipa ang isang silya doon!
"Lumabas na kayong dalawa dito! Layas!" sigaw ni Heath na itinuro ang magkapatid!
Umiling-iling si Tiger na tumulo ang luha at kahit hilong-hilo pa ito, bumitaw siya sa pagkakahawak kay Lewis na nakaalalay sa kanya. . . saka dahan-dahang lumuhod sa harapan ng mag-ina!
"Nakikiusap ako, hayaan niyo akong dalawin siya. Hindi ko talaga alam ang nangyari sa kanya. Kung alam ko lang ang mga pinagdadaanan niya dito? Matagal na akong bumalik. Bakit ko naman pahihirapan ang bestfriend ko, 'di ba?" luhaang pakiusap ni Heath sa mag-ina.
"May asawa ka na, Tiger. Madudurog lang ulit si Kate kapag magising siya at makita ka dito!" madiing asik ni Heath dito na kaagad umiling-iling!
"I already divorced her. It's a long story pero-- wala ng bisa ang kasal ko kay Jade. Hindi ko na siya asawa ngayon." Agarang sagot ni Tiger.
Natigilan ang mag-ina na nagkatinginan. Unti-unti ding lumambot ang facial expressions ni Heath at umamo ang mukha nito na kanina lang ay galit na galit na parang isang mabangis na lobo! Inabot naman ng ginang si Tiger na pinatayo ito at hinawakan sa kamay. Naluluha na nakatingala sa binata at mababakas ang bagong pag-asa sa mga mata ni Dolores.
"W-wala ka ng asawa, anak? H-hindi mo naman kami niloloko, 'di ba?" naluluhang tanong nito kay Tiger.
Ngumiti at tumango si Tiger na ikinatulo ng luha ng ginang. "Opo, tita. Bakit ko naman po kayo lolokohin? Naghiwalay na po kami ng asawa ko. Mahabang storya ho pero--iyon po ang mahalaga. Hindi na po valid ang kasal namin dahil nag-devorced na kami ng dating asawa ko." Mababa at magalang na sagot ni Tiger dito.
Napalingon ito sa kanyang binata. Pinandilatan niya ng mga mata si Heath na napakamot sa ulo at napahingang malalim.
"Fine. You can stay here as much as you want, Tigre." Kunwari'y ismid ni Heath dito. "Kung sana kasi sinabi mo kaagad e."
Napangiti si Tiger na makitang hindi na nga galit ang binata sa kanya. "Ikaw itong hindi nagtatanong e."
Napailing si Heath na hindi na ito napigilan nang sugurin siya at niyakap!
"Eww, ano ba? Get off me. Baka mabakla ka pa niya'n sa akin," reklamo ni Heath na tinawanan lang nito.
"Gago, ako pa talaga ang sasabihan mo niya'n e ikaw itong hindi nagkakagusto sa mga babae. Anyway, I miss you, dude. Salamat sa pagpayag na manatili ako dito," masayang saad ni Tiger ditong nakaismid ang itsura.
"Tsk, I don't miss you at bumili ka ng mga pagkain mo. Isa pa, matagal na akong may kursunada. . . nasa pamilya mo pa nga e." Ismid ni Heath saka itinulak na ito.
Nagulat pa ang mga kasama niya sa narinig mula kay Heath! "Weh, 'di nga, doc? Sino?" bulalas at hindi makapaniwalang tanong ni Tiger ditong napailing.
"Wala ka na doon. Halika dito, gamutin ko 'yang pangit mong mukha," ingos ni Heath ditong napahalakhak na kaagad sumunod kay Heath sa sofa.
"Siraulo. Pangit e ang gwapo ng pagmumukha kong 'to." Mayabang sagot ni Tiger ditong napailing na nagsimulang gamutin ang mga sugat nito sa mukha.
"Tss. Mas gwapo pa nga ang aso sa'yo e," ismid ni Heath na ginagamot itong napahagikhik.
"Grabe ka naman sa akin, doc. Mukhang taong grasa lang ako ngayon pero makikita mo. Bukas. . . nagbabalik na ang isang Tiger Madrigal," nakangising sagot ni Tiger ditong sinadyang diinan ang pasa nito. "Aww, masakit."
"Tss. Hwag kang magyabang sa akin. Ikaw ang pinakapangit sa inyong mga Madrigal."
"Ikaw--"
"O, bakit? May angal ka?" putol ni Heath na ikinatikhim nito.
"Ahem! Grabe ka naman sa akin. Hindi kita tutulungan sa pinsan namin, sige ka." Pananakot ni Tiger ditong napangisi.
"Hwag kang mag-alala, Tigre. I don't need your help thou, iyong pinsan niyo kasi. . . ang nanliligaw sa akin." Nakangising saad ni Heath na ikinamilog ng mga mata nito!
"Hoy! That's not true!"
Napakibit balikat naman si Heath na naka-focus sa paggamot sa mukha nito.
"Then ask your cousin."
"Sino sa kanila?"
"Why would I tell you, hmm?"
"Tsk, malalaman ko rin, doc. Sino lang ba ang single sa mga dalaga namin?" ingos ni Tiger ditong napangisi at taas kilay lang. "I knew it, doc. Isa sa mga dalaga ni Tito Delta, right?"
"Paano mo naman nasabi?" sagot ni Heath na hindi nagpahalata at maingat tinapos ang paggamot sa mukha ni Tiger.
"Imposible kasing si Hazel ang manliligaw sa'yo dahil mahinhin iyong dalaga ni Tito Haden. Si Cherry naman ay malabo din dahil ang balita ko-- may nobyo na siya. Kung nanliligaw sa'yo kamo, ibig sabihin, nasa mga dalaga ni Tito Delta dahil kasal naman na ang dalawang dalaga ni Tito Noah. Hindi naman pwedeng si Mitchel o Mira dahil parehong kasal na sila." Sagot ni Tiger ditong napailing na naupo sa tabi nito.
Hindi sumagot si Heath na ikinangisi nito saka kinalabit ang katabi. Nakatitiyak kasi siyang isa sa mga anak ng Tito Delta niya ang tinutukoy ni Heath. Kaya hindi niya ito tatantanan hanggang malaman niya kung sino ang dalagang napupusuan ni Heath!
"Tama ako, 'di ba?" anito na ikinataas kilay ni Heath.
"Tss. So?"
"Got it, dude! Don't worry, I'll help you with that." Tugon ni Tiger na tinapik ito sa balikat.
"Tss. Umalis ka na nga at ayusin ang sarili mo. Kinikilabutan ako sa itsura mo," ingos ni Heath para makaiwas ditong napaubo na nasamid!
"What the heck!?"
Nangingiti naman si Lewis at ginang Dolores na nakamata sa dalawa. Sa nakikita kasi nila-- napatawad na ni Heath si Tiger sa pagbabalewala nito kay Katelyn nang mahigit isang taon!