Chapter 13

788 Words
Chapter 13 Third Person's POV "TULUNGAN mo 'ko dalhin natin si Jerome sa ospital." Sabi ng nagmamadaling si Jeff kay Zed. Tinignan niya si Trish na ngayon ay nanginginig pa rin sa takot. "Dito ka na lang muna. Kami na lang mu--" "N-no! Sa-sama ako." Pagpuputol nito kay Jeff. "Pero..aist! Sige, bahala ka." Sabi na lang nito bago tuluyang dinala ang duguang si Jerome sa kanyang kotse.. Si Zed ang nag-maneho ng sasakyan. Nasa kanan niya si Trish habang si Jeff at Jerome ang nasa likuran ng sasakyan. Nang makarating sila ay agad na pinasok si Jerome sa operating room. Tinanong sila ng nurse kung anong nangyari, ang tanging nasagot lang nila ay naaksidente ito. Nakaupo silang tatlo sa bench sa gilid ng ospital. Tahimik. Walang umiimik. Hanggang sa mag-umpisang magsalita si Jeff. "Trish, ano ba talagang nangyari?" Tanong nito nang hindi tinitignan si Trish. Bumuntong hininga muna si Trish bago nagsalita. "Binibiro ko lang naman siya..hindi ko akalain na seseryosohin pala niya 'yung sinabi ko." Pagsisinungaling nito. Napatingin si Jeff kay Trish. "Pero, 'di ba, kakasabi mo lang na kakakilala niyo lang? Bakit ganun, parang ang laki ng hinanakit sa'yo ni Jerome? Parang may iba, eh..parang may something between the two of you." Naging uneasy bigla ang pakiramdam ni Trish. Hindi niya alam kung sasabihin na ba niya ang totoo o itatago pa rin niya ang totoong relasyon nilang dalawa ni Jerome. "Jeff, paano kung sabihin ko sa'yong may relasyon kaming dalawa ni Jerome, ano'ng gagawin mo?" Nagulat at nanlaki pareho ang mata nila Jeff at Zed sa sinabing iyon ni Trish. "A-nong ibig mong sabihing..may relasyon kayo? Eh, 'di ba, kaka-meet--" "No. Nagsinungaling ako. Matagal na kaming magkakilala ni Jerome. He's one of my toys bago kita makilala. Katulad mo, tulad natin, tanging ang kama lang ang namamagitan sa aming dalawa. Nung sinabi ko sa kanyang tigilan na namin ang kung anong meron sa amin ay, hindi siya pumayag. Na-attach na raw kasi siya sa akin. Kaya ayun, no choice kundi ang ilihim namin ang meron sa aming dalawa. Ayoko namang maging unfair sa kanya. Mabait si Jerome, sobrang bait niya. Kung hindi nga lang kita nakilala, baka nahulog na 'ko sa kanya. Pero wala eh, sadyang mapaglaro ang tadhana..tayo pa ang napaglaruan" Mahabang kwento nito. Bahagyang natahimik ang magkaibigan. Maya-maya lang ay umimik bigla si Zed. "Sasabihin natin 'to kay Jerome. Ayokong magmukhang tanga ang kaibigan namin." Napatingin pareho sila Jeff at Trish kay Zed na may gulat sa mukha. "Paano kung magalit si Jerome kay Jeff? Knowing na mahal ako ni Jerome. Baka ano'ng gawin ni Jerome kay Jeff." "Okay lang sa'kin kahit magalit o bugbugin ako ni Jerome. Deserve ko naman 'yon dahil sa ginawa ko sa kanya." Sagot ni Jeff. "Pero wala kang kasalanan dito, Jeff! Hindi mo naman alam na may nakaraan kami ni Jerome, eh! Hindi mo deserve na mabugbog o ano pa man! Dahil ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to." Pang-aako ni Trish. Tumayo si Zed at humarap sa dalawa. "Eh, paano ngayon ang gagawin natin? Itatago na lang natin 'to kay Jerome?" Tanong pa nito. "Oo. Itatago na lang natin 'to kay Jerome. Tapos tatapusin na natin ang namamagi--" "Nooo! Hindi maaari! Ayokong tapusin ang sa atin, Jeff!" Sigaw ni Trish sabay padabog na tumayo. Napatayo na rin si Jeff at hinawakan si Trish. Huminga ng malalim bago nagsalitang muli. "Trish, siguro kailangan na nating tapusin dito ang kung anong mayroon sa atin. Masyado ng nagiging kumplikado ang sitwasyon. Hihintayin pa ba nating mas lumala pa 'to bago natin itigil?" Pagmamakaawa ni Jeff. Hindi natinag si Trish at tinanggal ang pagkakahawak ni Jeff sa kanya. "Basta, ayokong itigil natin 'yon. Alam mo ang kaya kong gawin, Jeff. 'Wag mo 'kong subukan." May paninindigan sa boses nitong sabi. Hindi na muling nakapagsalita pa si Jeff at pati na rin Zed. Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor na humawak kay Jerome. Mabilis nila itong nilapitan isa-isa. "Kamusta Dok si Jerome?" Tanong ni Jeff. "Kayo ba ang guardian ng biktima? Well, medyo marami ang dugong nawala sa kanya dahil sa ulo ang sugat niya. Pero 'wag na kayong magalala, nasalinan na namin siya ng dugo. Ang medyo malala lang sa kanya ay malaki 'yung naging hiwa sa ulo niya kaya wala kaming nagawa kundi ang tahiin ito." Sagot ng doktor "Pero safe na po ngayon ang kaibigan namin?" Tanong naman ni Zed. "Yes. He's now safe." Mabilis na sagot nito. Nakahinga naman ng maluwag ang magkakaibigan dahil don. "Pero medyo matatagalan pa ang paghilom ng sugat niya. Medyo malalim din ang pagbaon ng mga bubog sa ulo niya eh.." "Ganon po ba? Sige po, Dok, salamat." Sagot ni Jeff. Tamango lang ang doktor bago tuluyang umalis.. -- Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD