Chapter 14
Third Person's POV
KASALUKUYANG nagyoyosi sa likod ng hospital ai Jeff nang may biglang tumabi sa kanya. Pagtingin niya si Zed pala ito.
"Ano'ng iniisip mo?" Tanong nito kay Jeff.
Humithit muna ito sa sigarilyo niyang hawak bago sumagot.
"Iniisip ko lang 'yung kagaguhan kong nagawa."
"Tama nga ako. So, ano ng plano mo ngayon?"
"Wala. Ewan. Hindi ko alam." Gulong gulo nitong sagot.
Inakbayan ni Zed si Jeff. "Hindi pwedeng wala kang plano p're. Ngayong kasal ka na, mas mahirap 'yan para sa side mo..sa side niyong dalawa ni Kathy."
"Oo nga..isa rin 'yon sa iniisip ko, eh..ang hirap p're. Sobra."
Naramdaman ni Zed ang paghihirap ni Jeff kaya mas lalo pa niya itong kinomfort.
"Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pare..pero 'wag ka sanang panghinaan ng loob. Nandito naman kaming mga kaibigan mo, eh..handa kaming tumulong ano mang oras."
Napatingin si Jeff sa seryosong mukha ng kaibigan.
"Alam ko naman 'yon..kaya nga ako nagpapasalamat sa diyos at binayayaan ako ng mga kaibigan na katulad niyo.."
--
"KAMUSTA pakiramdam mo?" tanong ni Jeff sa kagigising lang na si Jerome.
Hindi sumagot ang binata at dahan-dahang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Nang masagi ng mata niya ang dahilan kung bakit siya naroroon ay mabilis na kumunot ang noo nito.
"Bakit siya naririto?" Mahina at mabagal nitong tanong.
Lumapit sa kanya si Jeff at hinawakan sa kamay.
"P're, kamusta na pakiramdam mo?" Tanong muli nito upang iiwas ang usapan.
"Sagutin niyo muna ang tanong ko. BAKIT NANDITO YANG-- aahh!" Hindi na nito naituloy ang isisigaw dahil sa kirot na naramdaman niya sa ulo.
"Tumawag ka ng doktor, bilis!"
"Sige." Sagot ni Zed bago tumakbo palabas ng kwartong iyon.
Maya-maya lang ay dumating na ang doctor kasama ang dalawang nurse.
"Ano'ng masakit?"
"'Yung ulo po niya doc. Sumigaw po kasi siya kanina, eh." sagot ni Jeff.
"Kaya naman pala eh. 'Wag niyo munang bigyan ng ikaka-stress ang pasyente. Pahinga lang ang kailangan niya at pag-inom ng gamot."
"Ganun po ba, doc..sige po." Sagot ni Jeff. Napatingin ito kay Trish na ngayon ay nakaupo lang sa isang tabi. Sinenyasan niya ito na kung okay lang ba ito, sinagot naman siya nito ng isang 'thumbs up'
Makalipas ang ilang ginawa ng doctor kay Jerome ay hinarap nito sila Jeff upang kausapin.
"Wala ng malubha sa kalagayan ng inyong kaibigan. Tanging pag-alaga na lang ang kailangan niya, kaya please lang, 'wag niyo muna siyang i-stress."
"Sige po, doc..pasensya na po." tugon ni Trish.
Nagpaalam na ang doctor kasama ang dalawang nurse. Naiwan sila doon na walang kumikibo.
Bumuntong hininga si Trish dahilan para mapatingin sila Jeff sa kanya.
"Siguro mabuting mauna na 'ko.." Sabi nito.
"Kaya mo na ba umuwi mag-isa?" tanong ni Zed.
Tumungo lang si Trish bilang sagot nito.
"Sige, mag-iingat ka."
Tinignan ni Trish si Jeff na ngayon ay nakatingin kay Jerome.
"Jeff, pasensya.." bulong nito sa hangin bago tuluyang lumabas ng kwartong 'yon.
--
LUMIPAS ang ilang linggo na naging mabuti naman ang lahat. Nakalabas na ng ospital na iyon si Jerome. Si Jeff, abala sa project na na-deal niya. Habang si Trish naman at Kathy ay nagkamabutihan. Madalas na pumupunta si Trish sa bahay nito kaya naging malapit na ito sa kanya.
Kasalukuyang nagmemeryenda at naguusap sila Kathy at Trish sa salas ng biglang dumating si Jeff.
Basang basa ito ng ulan. Naunang tumayo si Kathy upang salubungin ng halik si Jeff.
"Bakit basang basa ka naman, hon?"
"Ahh, ehh..'di ko kasi nadala 'yung payong kaya eto..no choice kundi sumugod sa ulan."
"Ahh ganun ba? Sige, hubarin mo na 'yang polo mo at mag shower ka na. Baka magkasakit ka pa nyan eh." sabi ni Kathy habang isa-isang tinatanggal ang butones ng polo nito.
Sa likod nila, hindi nila namalayan na nakalapit na pala si Trish.
"Ahem.." kunwaring naubo ito upang makuha ang atensyon nila.
"Ay, hon..oo nga pala nandito nga pala si Trish."
"Nakita ko nga..ahh, hi." nahihiyang sabi nito.
Hindi sumagot si Trish bagkus at lumapit ito kay Jeff at bumeso.
"Basang basa ka naman ng ulan." sabi nito sabay ngumisi ng nakakaloko.
"O-oo nga, eh.." napakamot ito sa batok dahil sa awkward ng sitwasyon.
"A-ah, hon! Kumain na ba kayo?" Pag-iiba nito ng usapan at mabilis ito na naglakad papuntang kusina.
"Hon! Mag shower ka muna!" sigaw ni Kathy.
Hindi na sumagot si Jeff at pinagpatuloy ang pagbabasta ng makakain.
Humarap si Kathy kay Trish.
"Pagpasensyahan mo na 'yang tao na 'yan, ah..may pagka-baliw talaga 'yan."
"Nako, okay lang..sanay na 'ko d'yan." sagot nito sabay tumawa ng bahagya.
"Paanong sanay? Kay Jeff sanay ka na?"
"H-ha? Hindi..I mean, sanay na 'ko sa mga ganyang tao..you know, my work..madami akong nae-encounter na taong may pagkabaliw..hehe." palusot nito.
"Ahh.."
"Tara na dun? Mukhang naka-ready na 'yung pagkain."
"Ahh, sige.."
Sabay silang tumungo ng kitchen. Pagkarating nila nakahain na nga ang mga pagkaen.
"Tara kain na." Pag-aya ni Jeff sa dalawa.
Naunang umupo si Trish.
"Wala bang appetizer?" ngumisi ito habang nakatingin kay Jeff. Hindi kita ni Kathy ang mukha ni Trish dahil nasa likod niya ito.
"Appetizer ba? Teka, kukuha ako." sabi ni Kathy bago pumunta sa harap ng ref.
Tinignan ni Jeff ni Trish ng masama.
"Ano ba 'tong pinaggagagawa mo, ha!?" mahina pero may diin nitong tanong.
"I'm just playing my cards. Isn't amazing?"
"Magtigil ka, Trish! Hindi nakakatuwa 'yang ginagawa mo!"
"Ano 'yang pinag-uusapan niyo?" biglang dating ni Kathy habang ang isang graham cake. Nilapag niya ito at umupo sa katapat na upuan ni Trish.
"Oh, friend..parang dessert ata ang nakuha mo, hindi appetizer." puna nito sa 'kaibigan'.
Nang banggitin nito ang salitang 'appetizer' ay tumingin ito kay Jeff.
"Ay friend, wala 'konh ibang makuha eh..pasensya." hinging paunanhin nito.
"Its okay, friend. Ginanahan na naman akong kumain."
Tinignan niya muna si Kathy bago tumingin kay Jeff.
"Shall we eat?" tanong nito.
"Tara. Gutom na 'ko kanina pa." sagot ni Jeff.
Hindi na rin sumagot pa si Trish at Kathy at sinimulan na nilang kumain.
Habang kumakain sila, biglang nakaramdam ng paghipo si Jeff mula sa kanyang hita kaya agad itong napatingin kay Trish. Nakangisi lang ito habang nakatingin sa plato niya.
"May problema ba, hon?" tanong ni Kathy.
"H-ha? Wala..wala naman." sagot nito at mabilis na inalis ang kamay ni Trish sa hita niya.
Tinignan niya si Trish ba parang sinasabing "Wag mo ng uulitin 'yon"
Hindi na naman muling ginawa ni Trish iyon at pinagpatuloy na lang nila ang pagkain.
Nang matapos sila ay nagkwentuhan pa sila ng konti.
"Paano pala 'pag kinasal din ako, ako rin kaya ang gagawa ng wedding gown ko?" tanong ni Trish.
"Pwede rin naman..para ma-achieve mo 'yung dream wedding gown mo." sagot ni Kathy.
"Sabagay..tama ka d'yan."
Pagkasabi non ni Kathy ay wala ng muling nagsalita sa kanila.
"So, pano? May gusto ka pa bang kainin, ha, Trish?" tanong ni Kathy.
"Meron, eh..parang gusto kong.." hinipo muli ni Trish ang hita ni Jeff. "Kumain ng ibang dessert."
--
Itutuloy..