Chapter 9

1196 Words
"Oy, nandiyan na pala si Jeff, oh! Kumpleto na ang barkada!" Sigaw ni Jerome sa paparating na si Jeff. Nasa isang bar sila ngayon na pagmamay-ari ni Renzo. Patakbong pumunta si Jeff sa nagkukumpulang barkada niya. Isa-isa niya itong inapiran bago umupo. "Oh, buti pwede kayong lahat?" Umupo si Jeff at humarap kay Ace. "Ikaw, Ace, buti pinayagan ka ni Mitch? Balita ko under desaya ka, ah?" Biro ni Jeff sa barkada niyang si Ace. "Siraulo! Ako maa-under?! Ako?! Isang Ace Marqus maa-under? Psh! Pare, parang hindi mo naman ako kilala niyan." Kumindat pa ito kay Jeff. "Sus! Anong kindat-kindat 'yan, Ace? May lihim na pagtingin ka kay Jeff, 'no? Uy!" Pagbibirong sumingit si Kris. Tinignan ng masama ni Ace si Kris. "Gusto mong ingudngod ko 'yang mukha mong puro tagyawat sa pader, ha?!" Maangas nitong banta. "Try mo din kaya para magkaalaman tayo." Seryosong sagot nito kay Ace. Akmang tatayo na si Ace upang sugurin si Kris nang biglang hinawakan ni Zed si Ace sa braso upang patigilin. "Easy, pare, easy. Nandito tayo para mag-enjoy, hindi para mag-away. Tama na nga 'yang biruan na 'yan, baka mamaya san pa mapunta 'yan, eh! Tara na't mag-inom na lang!" Pumagitna na si Zed sa usapan. "Mabuti pa nga. Oy, Ace at Kris, 'wag kayong umastang bata, ah! Umayos nga kayo, parang nagbibiruan lang, e. Magsusuntukan pa kayo. Tss" Singhal ni Renzo sa dalawa. Kinuha ni Jeff ang kamay ni Ace at Kris at pinaglapit sa sila sa isa't isa. "Magbati na kayo." Sabi ni Jeff sa dalawa. Hindi sila sumagot at tinignan lang nila ang isa't isa. "Ano? Magtititigan lang kayong dalawa?" Tanong pa ni Jeff. Magsasalita na dapat si Ace nang unahan siya ni Kris. "Sige, ikaw na unang magsalita." "Hindi, ikaw na." "Walanjo naman, o! Parang mga bata! Para kayong mga bat sa palabas sa TV, e!" Singhal ni Jerome sa dalawa. "Manahimik ka diyan, Jerome para kang bading. Putak ka ng putak." Pangbabara ni Jeff sa kaibigan. Tumingin si Jeff kay Kris at hinawakang muli ang kamay. "Makipag shakehands ka na." "Oo na, sige na. Sorry na." Nahihiyang tumalikod ito kay Ace habang inaabot ang kamay upang makipag shakehands. Inabot naman ito ni Ace. "Sorry din, p're." Hinging pasensya nito. Tumingin na ng diretso si Kris at mabilis na niyakap si Ace. "Hoy, tama na 'yan! Bromance na 'yan, e!" Sigaw ni Zed. "Oo nga, mamaya kayo pa magkatuluyang dalawa, e! Haha!" Gatong pa nitong si Jerome. Lumapit si Jeff sa dalawa at tinapik ang parehong balikat nito. "Tama na yan mga tol, masyado ng madrama, e." Kumalas sa pagkakayakap ang dalawa at nagapiran. "Tara na't mag-inuman!" Sigaw ni Ace at sinimulan na nga nila ang inuman. -- Kasalukuyang napapasarap ang kwentuhan nila ng biglang tumunog ang telepono ni Jerome. "Teka, mga p're, walang magsasalita. Chicks ko 'to." Sabi nito sa barkada niya. Inayos muna niya ang kanyang boses bago sinagot ang tawag. "Hello? Babe?" Bungad nito. "Yes, oo, opo, papunta na po." "Sige po, sunduin na lang kita diyan sa harap ng shop mo." "Okay po, i love you." Huling sabi nito bago tuluyang ibinababa ang telepono. "Naks, uma-iloveyou ang mokong." Pangaasar ni Zed kay Jerome. "Syempre tol, tinamaan ako dun, e. Chix 'yun, tol." Pagmamalaki nito sa barkada. "Siguraduhin mo lang na chix 'yan, dahil kung hindi, pagtatawanan ka talaga namin ng pagtatawanan. Diba mga tol?" Pangaalaska ni Jeff kay Jerome. "Sinabi mo pa. Sa tagal na single niyang si Jerome, malamang s**o-s**o na 'yan. Haha!" Gatong pa nitong si Zed at tumawa ng napakalakas. "Mga siraulo! 'Pag nakita or nakilala niyo 'yung babaeng 'yon, baka iwanan niyo ng dioras ang mga asawa't mga girlfriend niyo!" Proud nitong tinuran. "Talaga lang, ha." Sarkastikong tugon ni Renzo. Tinungga ni Jerome ang natitirang alak sa bote niya bago tumayo at inayos ang sarili. "Osiya, mga tol, mauna na 'ko, ah. May agenda pa akong gagawin, e." Paalam nito sa barkada at inapiran niya ito isa-isa. "Siguraduhin mo lang na makaka-score ka! Puro ka dada, e." Sabi ng nahihilong si Zed. "Pakyu ka bente, Madela! Ako pa, hindi makaka-score? Gusto mo videohan ko pa, e!" Maangas nitong sagot. "Unggoy! Sige na, umalis ka na! Para mawala na ang mahina sa chix dito!" Pagtataboy ni Zed kay Jerome. "Ge. Tsk!" 'Yan na lang ang nasabi nito bago tuluyang umalis ng bar na iyon. -- Lasing na lasing na umuwi ng bahay si Jeff at ang buong barkada niya. Hinatid siya ni Zed dala ang kotse nito. "Mare, pasensya na kung nalasing namin si Jeff, ah." Hinging paumanhin nito sa kumare niyang si Kathy. "Nako, wala 'yon, kumpare. Halika na't ibaba mo na 'yang si Jeff." Pinapasok niya ito bitbit sa balikat si Jeff. Nang mailapag na nito si Jeff ay agad ding nagpaalam na mauuna na daw siya dahil masyado ng malalim ang gabi. Napabuntong hininga si Kathy ng pagmasdan niya ang nakahilatang si Jeff. Nilapitan niya ito at isa-isang hinubad ang suot nitong damit. "Hon, kaya mo pa bang gumising?" Sabi nito habang tinatapik-tapik si Jeff sa pisngi. Nang bumaliktad lang patalikod sa kanya si Jeff ay nagdesisyon siyang siya na lang ang magbihis dito at punasan ng maligamgam na tubig -- Nagising si Jeff na sobrang sakit ang ulo. "Arg! Sobrang sakit ng ulo ko!!" Sigaw nito dahilan para magising ang katabi niyang si Kathy. Napabalikwas patayo si Kathy ng makita niyang namimilipit sa sakit ng ulo si Jeff. "Hon? Ayos ka lang? Anong nangyari?" Nag-aalala nitong tanong. "Masakit lang ang ulo ko! Hang over ata." "Tsk. 'Yan kasi, alak pa more." Sumbat nito at dali-dali tumayo upang kumuha ng malamig na tubig. "O, inumin mo. Para mawala 'yang sakit ng ulo mo." Sabay nito ng isang basong tubig. Umupo ito sa tabi ni Jeff ang hinilot-hilot ang sintido ni Jeff. Inabot naman ito ni Jeff at ininom. "Ano ba kasi nai--" Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone na nasa gilid ng lamesa. Cellphone ito ni Jeff. Tumayo ito at kinuha ang cellphone. "Hon, may tumatawag." "Sagutin mo aba." Sinagot naman agad ito ni Kath. "Hello?" Bungad nito. Pinakinggan niya lang ang nasa kabilang linya pero walang sumasagot. Tila binobosesan niya muna kung sino ang sasagot ng tawag niya. "Hon, walang nagsasalita." Sabi nito at binaba na ang tawag. "Akina nga 'yang cellphone. Ano bang nakalagay na pangalan ng tumawag? Mamaya isa sa--" "Melvin, melvin ang nakalagay na pangalan." Pagpuputol nito kay Jeff. Otomatik na napatingin ito kay Kathy na may napakalaking mata. "Oh, bakit ganyan 'yang reaksyon mo, hon? Sino ba 'yung Melvin na 'yon?" Nagtatakang tanong nito. "A-ah, wa-wala 'yun. Isang client lang 'yon na nangungulit." Palusot nito dahil alam nitong si Trish ang tumawag na iyon. Sinadya niyang ibahin ang ilagay na pangalan ni Trish upang hindi maghinala si Kathy kung bakit may number ito ng kanilang wedding coordinator. "Ahh. Eh ba't parang hindi naman nangungulit 'yon? Ni-hindi nga nagsalita, e." "Ewan ko, Kathy! Pati ba naman 'yon kailangan ko ang sagutin? Masakit na nga ang ulo ko sumasabay ka pa!" Sigaw nito at dali-daling lumabas ng kwartong iyon. Naiwang nakatulala si Kathy. "Hay.. Ano na naman ba 'tong nagawa ko?" Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD